Chapter 61

5.1K 263 27
                                    

Clare's POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang may maramdaman akong basa sa mukha ko.

"Ugh...Kai!!" Bumalikwas ako ng bangon at agad pinunasan ang laway ni Kai sa mukha ko. Kadiri..

Tila naman tuwang tuwa si Kai dahil sa paggising ko. Tumalon talon sya at nagpaikot ikot atsaka pumunta sa akin.

Napatawa naman ako dahil don. "I miss you too Kai.."

Pagkasabi ko non sa kanya ay niyakap ko sya. Nakahinga na ako ng maluwag. Kasama ko na ulit si Kai.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakitang nasa isa akong silid. Bigla kong naalala yung nangyari bago ako nawalan ng malay.

"A..ang papa ko?" Di makapaniwalang tanong ko.

Buhay ang ama ko at naririto sya sa Paraiso. Inaamin ko natutuwa ako pero may kung anong nagsasabi sa akin na hindi dapat to nangyayari.

Bumuntong hininga ako at nagtungo sa pinto. At gaya ng inaasahan--nakalock.

Habang nag-iisip kung paano ako makakalabas, bigla akong nakarinig ng isang malakas na pagsabog.

Kaagad akong kinabahan. Hindi kaya nagkaproblema ang kabilang grupo?

Kaagad akong nag-isip ng paraan para makaalis dito. Inilibot kong muli ang paningin ko para makahanap ng pwedeng labasan. Pero bukod sa pinto na nasa harapan ko ay wala nang ibang daan.

Sinubukan kong gumamit ng apoy pero napahinto ako. Baka gumawa ng ingay kung sisirain ko ang pinto at kapag nangyari yon siguradong mahuhuli ako. Hindi rin naman pwedeng magtransform si Kai. Bukod sa baka mahuli kaagad kami ay hindi ko pa rin kaya dahil matagal kaming nagkahiwalay. Hindi pa stable ang flow ng bond namin.

Tinitigan kong mabuti ang pinto atsaka ako nakaisip ng paraan. Inilabas ko ang isang kulay brown na spell paper at isiniksik ito sa pagitan ng pinto at dingding.

Naglagay ako ng tig-apat sa magkabila ng pinto.

"Release!" Pagkasabing pagkasabi ko non ay agad na naglabas ng bato ang mga papel. Unti-unting lumaki ang mga iyon at dahil na rin nakaipit ito sa pagitan ng pinto at ng dingding, agad nitong napaghiwalay ang dalawa.

Unti unti bumagsak ang pinto, at dahil natatakot akong makagawa ito ng ingay, naglabas muli ako ng isang yellow spell paper para maalalayan ng hangin ang pagbagsak ng pinto.

Napangiti ako nang makitang tagumpay ang plano ko.

Tumingin ako sa magkabilang gilid at nang makitang walang tao ay lumabas na ako ng silid.

Pero bago pa ako mag-isip ng kung ano, biglang sumakit ang ulo ko at narinig ang boses ni Aciar.

'Clare'

'A-aciar?' Gulat kong tanong nang makausap ko sya gamit ang isip ko.

Woah!!!! Telepathy?!!! First time kong may makausap sa isip ko!

'Clare? Clare? Nakikinig ka ba?'

Agad akong nagseryoso nang maalalang kausap nga pala ako ni Aciar.

'Ah oo! Narinig nyo ba yung pagsabog?'

'Dito nanggaling sa amin yun pero ayos lang kami. Nasaan kayo?'

'Hindi ko alam. Nagkahiwalay kami nila Tyron. Kasama ko na si Kai' sagot ko sa kanya habang binabaybay ang isang pasilyo.

'Kakausapin ko sila Tyron. Lumabas ka na Clare. Kakausapin ulit kita mamaya' sagot nya naman sa akin at parang may kung anong pwersang nawala sa ulo ko at di ko na sya muling narinig.

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon