SYLVIA'S POV
"Grabe! Hanga na talaga ako kay princess!!"-Max habang nakatingin kay Clare na pasan ni Blaze
Hinimatay na naman kasi sya kanina pagkatapos nyang pakawalan yung palaso... at alam nyo ba yung feeling ng mapapanganga ka na sa sobrang hanga kaso biglang nawala??? Ganun yung na feel ko kanina... gusto kong matawa kay Clare...Alam nyong nangyari???
**FLASHBACK
Kanina ko pa nakikita kung anong pinaggagawa ni Clare... hindi nya ba kami nakikita??? At nakakainis!!! Hindi ako makagalaw!!! Ni pagbuka lang ng bibig ay di ko magawa!!! Mata ko lang yata ang naigagalaw ko... sa tingin ko'y ganun din sila Blaze... Ano bang nangyayari???
Tinitignan ko lang si Clare na may kausap na lalaki... nakatingin sya sa direksyon namin at paiba-iba ang ekpresyon nya... minsan mabibigla tapos biglang kukunot ang noo...
nagulat ako nung tumakbo sya papunta sa amin... Nakikita nya na ba kami???
tapos huminto rin sya na parang nag-iisip... pero ang mas ikinagulat ko ay nung naglabas sya ng palaso na gawa sa apoy...
nung una whip ngayon naman bow and arrow??
Napanganga ako ng itutok nya yun sa akin... what the—-???
[A/N: Sa mga naguguluhan dahil sadyang magulo ito... yung mga leon na nakita ni Clare ay sila Sylvia pero dahil nasa ilalim sya ng ilusyon ay iba ang nakikita nya... yung mga nakagapos naman na sila Sylvia ay ilusyon lang...pasensya na dahil magulo...:'( ]
Pero laking pasasalamat ko nung tinanggal nya yung pagkakatutok sa akin at itinutok nya naman dun sa lalaki... Hangang-hanga ako kay Clare... napaka fierce ng dating nya... lalo na kung paano nya hawakan yung bow and arrow... pero lahat ng paghanga ko ay nawala nung ibinaba nya yung bow and arrow... tapos nagkamot sya ng batok.. at base sa buka ng bibig nya alam ko na ang sinabi nya.. 'paano ba to gamitin?'
Tapos nakita nya tatakbo na yung lalaki kaya itinutok nya ulit yung bow and arrow at pinawalan...sumakto yun sa braso nung lalaki... pero dahil nga nawalan ng malay si Clare ay nakatakas yung lalaki... pagkatapos nun ay nakagalaw na kami...
**END OF FLASHBACK
Oh di ba?? Naglabas ng bow and arrow tas di pala alam gamitin...hay... at ang ipinagtataka ko pa... paano nalaman ni Clare ang mga spells?? At ang mga spells na iyon ay ipinamana pa galing sa 6th kingdom... at dahil tinanggal na ang lahat ng may kaugnayan sa nasyon na iyon ay matagal na ring wala ang mga spells... argh! Naguguluhan na ako!!!
Clare, sino ka ba talaga???
CLARE'S POV
Hayyy... hinimatay na naman pala ako... kanina pa ako gising at ngayon ay nagpapahinga kami... sabi nila Sylvia ay baka daw malapit na kami dahil hindi naman daw siguro kami mapapasailalim sa isang ilusyon kung nasa normal na gubat lang kami...tinitignan kong muli ang larawan ng bungo... Hindi naman talaga as in picture ha... parang paint ganun...
Hmmm... wala talagang kakaiba... kahit bali-baliktarin ko pa...

BINABASA MO ANG
Dragons Academy
FantasyNapadpad ang isang dalaga sa Paraiso... A place where magic and mythical creatures exist... ngunit hindi nya alam na sya mismo ay bahagi ng mundong iyon.. Nakapasok sya sa Dragons Academy kung saan namamalagi ang mga nilalang na hindi nya inaakalang...