Chapter 60

5.8K 228 26
                                    


CLARE'S POV

"Nemesians?" Hindi ko napigilang itanong.

Napabuntong hininga si Gramps.

"Umupo muna kayo mga apo." Agad kami nagsiupo at hinintay magsalita si Gramps.

"Ako ang inatasang tipunin ang mga Nemesians magmula nang mangyari ang trahedya sa Nemesis. Nagkagulo nang mga panahong iyon. Maraming gustong maupo sa trono ng hari ngunit hindi iyon maaari dahil hindi maaaring umupo ang kung sino man sa trono. Alam nyo namang walang ibang kamag-anak ang Hari't Reyna hindi ba? Nagkaroon ng mga hidwaan sa pagitan ng mga Nemesians at iba pang kaharian. Kaya napilitang makialam ang Kataas-taasang Hukom"

"Kataas-taasang Hukom? Totoo sila?" takang tanong ni Silvia.

"Totoo sila apo. Naging alamat na lamang sila magmula ng makialam sila sa Nemesis at hindi na muling nagpakita. Ngunit walang nagtangkang sumalungat sa kanila dahil sadyang makapangyarihan sila. Inilipat sa Fire King ang pamumuno sa lahat ng kaharian at isinarado ang kaharian ng Nemesis. Para masigurong hindi tuluyang mawala at magkawatak-watak ang ika-anim na kaharian, inatasan akong tipunin sila."

Namayani ang katahimikan sa amin nang matapos magsalita si Gramps. Hanggang sa nagtanong si Silvia. "Pero bakit kayo naging mga bandido Gramps?"

Bigla namang tumawa si Gramps. Maging ang mga prinsipe ay natawa rin.

"Ah ayun ba apo? Sinusubukan lang namin ang galing nyo. Kinausap ko sa aking isipan ang mga prinsipe para makipagsabwatan sa kanila. Ang husay nyo nga mga apo! Magaling mga nagsanay sa inyo." Matawa-tawang paliwanag ni Gramps kaya hindi ko mapigilang mapasimangot. Halos atakihin na ako sa takot tapos joke joke lang pala ang lahat?! At talagang kinuntsaba pa niya ang mga prinsipe!!!

Bigla syang napatingin sa akin at tinitigan ako ng matagal.

"B-bakit po?" Namula ako nang maalala ko ang ginawa kong pagsigaw kanina. Gosh! Malay ko bang ilusyon lang yon eh ang gwapo naman kasi talaga.

"May kamukha ka apo. Hindi ko lang matandaan kung sino. Pero pamilyar ka." Sabi naman ni Gramps at tila napaisip pa.

"Gramps... Kailangan namin ng tulong nyo. Kailangan naming makarating sa Nemesis sa lalong madaling panahon." Biglang sabi ni Cass

"Bakit ba kailangan nyong pumunta sa Nemesis?"

"Ang mga dragons namin Gramps. Kinuha sila ng isang taong nagpapakilalang hari ng Nemesis." Paliwanag ni Silvia. Biglang nanahimik si Gramps at napabjntong hininga.

muling napatingin sa akin. Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata at lumapit sa akin.

"Ikaw nga." Mahinang sabi nya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Ang alin po?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Ako ang alin?

Umiling lamang sya at binitiwan ang mga kamay ko.

"Kung ang pagpunta sa Nemesis ang problema ninyo at hindi ako makakasama. Hindi ko pwedeng iwan ang aking mga pinamamahalaan." Sabing bigla ni Gramps.

Bigla naman akong nadisappoint. Akala ko pa naman tutulungan nya kami. Hin--

"Pero maaari nyo kaming isama" bigla akong napatingin sa mga bandido.

"Alam namin ang pasikot sikot sa palasyo dahil doon kami dati naninilbihan. At kung meron mang nagpapakilala bilang hari ng Nemesis, gusto namin syang makaharap. Hindi kami papayag na basta na lamang may umangkin sa Nemesis."

Matapos ang lahat ay napagkasunduan na ngang isasama ang mga bandito--i mean Nemesians.

Cass's POV

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon