Chapter 59

5.6K 222 48
                                        


A-anong klaseng lugar to?

Agad akong napahakbang paatras at namumutlang tinignan ang lugar.

"Clare, calm down" sabi sa akin ni Silvia habang hawak ang likod ko. Madali naman kaming hinila ni Aciar sa mapunong lugar at nagtago sa likod ng isang puno.

"Calm down?! Silvia! Napapaligiran tayo ng ogres!! Ogres!!" Sigaw ko sa kanya.

"Hala! Sige! Sigaw pa clare nang marinig nila tayo" sermon naman ni Cass kaya agad akong napatakip ng bibig at napatingin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansing hindi nila narinig ang pagsigaw ko.

"Bat ba kasi tayo nandito? Nandito ba ang mga prinsipe? Bakit puro ogres dito? Akala ko ba mga bandito?" Sunod sunod kong tanong sa kanila. Kabadong kabado na ako dito! My ghad! Wala akong natatandaang magandang eksena kasama ang mga ogres.

"Calm down Clare. This is the Bandit's Camp. Look at those.." Sabi ni Aciar sabay turo sa isang lugar.

"...those are their tents.. And those.." Sabing muli ni Aciar at may itinuro na naman.

Nakakita rin ako ng mga taong palakad lakad na animo'y friends nila ang mga ogres.

"are the Bandits. They must have a Beast Tamer with them. Kaya napapasunod nila ang mga Ogre na yan. I must say that they have picked a very nice place"

Napatingin na lang ako kay Aciar na para bang tinubuan na sya ng lima pang ulo. 'Very nice place' daw? Eh mas mukha pa nga itong Ogre's Camp kaysa Bandit's Camp.

"What I mean is, Clare, mas safe sila dito. Considering na meron silang Neutralizer, walang magtatangkang yen user ang pumunta dito. Ogre's are known for their aggressive behavior and without our yen, we are nothing compared to them."

Napatango-tango naman ako sa explanation ni Aciar. Pero..

"Paano na yan? Paano tayo makakapasok dyan?" Tanong ko sa kanila at sinilip muli ang kampo ng mga bandido. Kinikilabutan pa rin ako sa dami ng Ogre na naririto.

"May idea ako." Nakangiting sabi ni Cass. Magtatanong sana ako kaso kinuha nya sa akin ang backpack ko. Inilabas nya mula roon ang mga potion na kinuha namin mula sa mga engkanto.

"Invisibility potion?" Tanong ni Silvia nang makita nya ang hawak ni Cass. Nakangiting tumango naman si Cass. Nawala na rin ang takot ko at napalitan ng excitement. Waaaah!!! Invisibility Potion!!!

Binigyan kami ni Cass nang tig-iisang bote at ibinigay muli sa akin ang backpack.

"Clare, listen. Lahat nang nakadikit sayo matapos mo itong inumin ay magiging invisible pero of course hindi kasama ang mga natural elements. Gaya ng lupa, puno, etc. Bawal kang gumawa ng ingay dahil naririnig pa rin nila tayo kahit hindi nila tayo nakikita. Gets mo?"

Mahabang paliwanag sa ako ni Cass at sa tingin ko naman ay nagets ko kaya tumango na lang ako.

Isa isa naming ininom ang potion. Nakaramdam ako ng parang may dumaang malamig na hangin. Tinignan ko ang kamay ko pero nakikita ko pa naman iyon.

"Cass, hindi naman ako naging invisible ah."

"Invisible na tayo. Pero nakikita pa rin natin ang isa't-isa dahil uminom rin kami ng potion. Look.." Naglakad si Cass patungo sa camp at hindi nga sya pinapansin ng mga Ogre.

Naunang maglakad si Aciar na sinundan naman Silvia. Nung una kinakabahan pa ako dahil baka makita na lang nila kami bigla.

Sumenyas si Cass sa amin na sumunod sa kanya. May itinuturo sya kaya sinundan namin iyon ng tingin at nakitang si Natsu-look-alike iyon.

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon