Silvia's POV
"Clare!! Sh*t! Clare! Wake up!! Please wake up! Clare! Clare!!" Sigaw ng kapatid ko habang tinatapik si Clare. Kanina nya pa ito ginigising pero walang nangyayari. Maging si Cass ay kanina pa namin ginigising pero wala pa rin.
Umiilaw ang tattoo nilang dalawa at kanina pa pinagpapawisan ng malamig. Kinakabahan tuloy ako.
Nakalabas na kami sa Creep's Cave dahil matapos mawalan ng malay ng dalawa ay bigla na lang lumitaw ang lagusan palabas.
"Let's go to Grams"-Klaus
Tumango naman kami at nagteleport sa tulong si Acer.
***
" Naku! Anong ginawa nyong mga bata kayo?! Anong nangyari?!"salubong samin ni Grams nang makita nya na walang malay sina Clare.
"Creepers." Yan na lang ang tanging nasabi namin. Tumango si Grams at nagtungo sa isa sa mga silid dito sa palasyo.
Itinapat ni Grams ang kanyang mga kamay sa noo nilang dalawa at maya-maya pa'y bumalikwas ng bangon ang dalawa. Kapwa sila naghahabol ng hininga at pinagpapawisan. Sabay nilang inilibot ang kanilang paningin at biglang humagulgol ng iyak.
'Anong nangyari?'
***
Clare's POV
"S-si K-kai..si Kai k-kasi.. N-namatay daw.."sinisinok-sinok kong paliwanag kina Silvia.
Grabe naman kasi ang nakita ko. Punong-puno ng mga patay na dragon at isa na doon si Kai.
" Ganoon din ba ang nakita mo Cass?"-tanong naman ni Silvia at tumango namansi Cass habang umiinom ng tubig.
"Grabe pala talaga ang Creepers. No wonder na ayaw na ayaw ng mga estudyante na doon ganapin ang Vire. Hindi ka nga mamamatay sa cave na yon physically, mamamatay ka naman emotionally."-Silvia
Nandito na pala kami ngayon sa dorm at nagpapahinga. Kailangan na kasi naming makaalis bukas sa lalong madaling panahon. Nadelay na nga ang pag-alis namin dahil sa nangyari.
" Haaaay. Pero salamat na rin at ayos lang kayong dalawa. Di ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyayari mang masama sa inyo"-Silvia
Napangiti naman kami sa sinabi nya.
****
*Kinabukasan
Kahit ilang beses ko talagang makita ang view mula dito sa himpapawid, it was still breathtaking. Pero mas maganda sana kung si Kai ang kasama ko. Waaa! Naalala ko na naman si Kai. Huhuhu! Biglang kumirot ang tattoo ko kaya napahawak ako roon. 'Don't worry Kai, parating na kami'
So eto na nga kami ngayon, nakasakay sa periton papuntang Nemesis. Maaga kaming umalis sa Academy para maaga kaming makarating sa Nemesis dahil mahirap daw maglakbay ng gabi. Dalawang oras na kaming nasa himpapawid at bored na bored na ako. Mabuti na lang at maganda ang tanawin. Swak na swak para magsenti.
Feel na feel ko na sana ang pagsesenti ko sa hangin nang biglang nagwala ang periton na sinasakyan ko.
"WAAAAH! ANONG NANGYAYARI?!"-malakas kong sigaw habang mahigpit na nakahawak sa periton.
Napansin kong parang nagwawala din ang mga periton na sinasakyan ng iba.
"ZILANTS!!!"-sigaw ni Ice kaya napatingin ako sa paligid at nanlaki ang mga mata ko.
'Waaaaaah!!! Bakit may manok na mukhang dragon dito?!'
"BUMABA TAYO!!!" sigaw naman ni Max
BINABASA MO ANG
Dragons Academy
FantasyNapadpad ang isang dalaga sa Paraiso... A place where magic and mythical creatures exist... ngunit hindi nya alam na sya mismo ay bahagi ng mundong iyon.. Nakapasok sya sa Dragons Academy kung saan namamalagi ang mga nilalang na hindi nya inaakalang...