CLARE'S POV
"P...Prinsesa Era?" Di makapaniwalang tanong ko. Ngumiti syang muli at tumango. Natuwa naman ako kaya sasabihin ko sana sa mga kasama ko pero wala na sila sa pwesto nila.
"Huwag kang mag-alala. Nariyan lang sila" mahinhin nyang wika.
"Prinsesa Era, gusto ko lang po sanang itanong kung bakit kayo nagpapakita sa akin. At hindi ko po maintindihan ang mga katagang iniiwan nyo sa akin."
Ngumiti muli sya bago itinaas ang kanyang kanang kamay. Biglang nandilim ang paningin ko at sa isang iglap napunta ako sa ibang lugar. Base sa itsura ng lugar, mukhang sa palasyo ito ng Nemesis. Maraming mga tao sa paligid at may kanya kanya ginagawa. Sobrang ingay at sobrang abala ng lugar di gaya nung pinuntahan namin na walang katao-tao.
"Prinsesa! Prinsesa!" Napalingon ako sa lalaking tumatakbo. Nanlaki naman ang mata ko nang mabilis syang tumatakbo patungo sa akin. Tila hindi nya naman ako nakikita at dumiretso sa pwesto ko. Napapikit na lang ako at iniharang ko na lang ang mga kamay ko at hinintay na mabunggo nya ako. Ilang saglit pa ang nakalipas pero wala akong naramdaman kay iminulat ko ang mga mata ko. Nagtaka naman ako dahil nawala ang lalaki.
Paglingon ko sa likod ko ay napatalon na lamang ako nang makitang nasa likod na likod ko lamang ang lalaking nakatalikod na ngayon sa akin.
Hindi nya ba ako nakikita? Triny kong hawakan ang balikat ng lalaki pero tumagos lamang ito. Tinignan ko naman ang kaharap nya at nagulat nang makitang si Prinsesa Era ito.
"Prinsesa Era?" Takang tanong ko pero parang hindi nya ako naririnig at nakikita.
"Prinsesa... Ang Dyosa po..." Balisang pahayag ng lalaki. Agad nagbago ang ekspresyon ni Prinsesa Era at tumakbo. Sumunod sa kanya ang lalaki kaya sinundan ko rin siya.
Napadpad kami sa isang gubat at nagulat ako nang makitang pamilyar ang lugar na ito.
"Ang Lake of Life!" Bulalas ko nang mapagtanto kung nasaan kami. Hindi ko kaagad narealize na ito ang Lake of Life dahil napakaaliwalas nito. Wala ang mga punong tumataklob dito at kitang kita ang makukulay na mga bulaklak sa paligid.
"Drania!" Sigaw ni Prinsesa Era. Napatingin naman ako sa tinawag nya at tila naubosan ako ng hangin nang makita ito.
Isang babae na nakatapak sa ibabaw ng tubig ng lawa. Mahabang mahaba ang kanyang buhok na halos umabot na sa kanyang sakong. Ang damit nya ay parang telang may sariling buhay na gumagalaw at sumusunod sa bawat kilos nya. Parang nasisilaw ako sa gandang taglay nya. Gusto ko syang titigan ngunit napapaiwas ako ng tingin sa kanyang mukha dahil parang madudungisan ng titig ko ang napakagandang mukha nya. At ang pinakanagpaganda ay ang mata nya... Ang mata nyang parang isang dragon...
Sya ba ang...?
Lumuhod ang kasamang lalaki ni Princess Era at nasagot ang tanong ko dahil sa mga sunod nyang sinabi.
"Paggalang para sa Dyosa ng mga Dragon." Pagtapos nyang sabihin iyon ay dali dali syang umalis.
"Drania!" Sigaw muli ni Prinsesa Era at dirediretsong tumapak sa tubig nang hindi lumulubog.
"Era... My time is up..." Nakangiting wika ng Dyosa. Nagulat naman si Prinsesa Era dahil sa sinabi ng dyosa. Unti-unting tumulo ang luha nya at mariing umiling.
Nagtaka naman ako dahil doon.
"Ha.. Haha...Nagbibiro ka na naman. Halika na... Bu..bumalik na tayo sa palasyo." Mautal utal na wika ng prinsesa at hinila ang dyosa.
"Era... Tapos na--" pinutol bigla ni Prinsesa Era ang sinasabi ng dyosa.
"No! No please no! Nakikiusap ako Dran... You're a goddess! Please wag mo akong iwan..." Nagsusumamong wika ng prinsesa. Naguguluhan naman ako pero napaluha ako nang hindi ko maintindihan. Anong meron?
BINABASA MO ANG
Dragons Academy
FantasyNapadpad ang isang dalaga sa Paraiso... A place where magic and mythical creatures exist... ngunit hindi nya alam na sya mismo ay bahagi ng mundong iyon.. Nakapasok sya sa Dragons Academy kung saan namamalagi ang mga nilalang na hindi nya inaakalang...