"Sino kayo?"-sabi ng isang balbasing mama. Kitang-kita ko ang itsura nya dahil medyo sumisikat na rin ang araw. May pagkabrusko ang katawan nito at mapagkakamalan mong wrestler. Kamukha nya si Zangief ng Street Fighter. 'Katakot!'
"Mga bandido..."-bulong naman ni Silvia sa akin. Magkatabi lang kasi kami.
"Bakit may bandido dito? Malalakas ba sila?"bulong ko pabalik sa kanya.
"Wala silang yen."-bulong muli ni Silvia pero sa pagkakataong ito ay napansin na kami ni Zangief-look-alike kaya sinigawan nya kami. "Anong binubulong-bulong nyo dyan?!" sabay naman kaming umiling si Silvia.
"Sino kayo?! Sagot!"-sigaw naman ng isang lalaking nakatutok ang espada kay Cass. Naaalala ko sa kanya si Klein ng SAO dahil sa bandana nya sa ulo. Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang napapaligiran at may nakatutok na espada.
"Mga manlalakbay lamang kami at hindi namin nais ng gulo."-paliwanag ni Aciar sa mga ito. Napatingin sa kanya ang mga lalaki.
"Wag mo kaming pinagloloko!"-sigaw ng lalaking kamukha ni Natsu ng Fairy Tale dahil sa balabal nyang nakabalot sa leeg nya. Isama mo na ang pula nyang buhok.
Naghe-hair dying pala sila ng buhok dito sa Paraiso? Yung isa naman kahawig ni Ranma dahil sa damit nyang pula at mahabang buhok na nakatirintas. Yung isa naman kahawig ni Ichigo ng Bleach dahil sa suot nyang itim at orange na buhok. At Ugh!!! Bakit ba puro anime characters ang nasa isip ko??? Nakakaasar naman kasi ang mga get-up nila.
Naalarma ako ng itinaas ni Natsu-look-alike ang espada nya at maglalabas na nasa ako ng apoy nang may mabilis na hanging tumama sa espada ng lalaki dahilan para tumalsik ito na sa tingin ko ay si Klaus ang may gawa. Kinuha ko naman ang pagkakataong iyon para makatakas kay Zangief-look-alike na nakatutok ang espada sa akin. Maglalabas NA NAMAN sana ako ng apoy ngunit naunahan na naman ako. May mabilis na apoy na lumipad patungo kay Zangief-look-alike kasabay noon ang biglang paghila sa akin ng kungsino. Hulaan nyo kung sino? Sa tingin ko hindi na kailangan hulaan.
"Blaze naman! Makahila ka naman eh."-reklamo ko sa kanya nang huminto kami sa likod nina Cass. Ngayon ay nakapabilog na kami habang nakatalikod sa bawat isa at napapaligiran kami ng mga bandidong nagfi-feeling Anime characters.
Feeling ko ay nasa gitna ako ng isang action movie. Hihi! Naeexcite ako.
"Wag ka ngang ngumiti dyan Clare. Hindi maganda ang situation natin ngayon."-sermon ni Cass ng mapansin ang ngiti ko. Sumimangot naman ako dahil sa sinabi nya. Sorry naman.
"Ha! May mga yen pala kayo! Sinasabi ko na nga ba! Mga manloloko!"- sigaw nung lalaking kalook-alike ni Ichigo. Makasabi naman to ng 'manloloko'.. Kapag may yen di ba pwede maglakbay? Tatanong tanong di naman pala maniniwala. Di nya pa nga kami pinag-eexplain.
May inilabas yung isang lalaking kamukha ni Ranma na kapirasong papel na may kung ano-anong nakasulat. May binubulong sya doon at unti-unti iyong umilaw.
"Neutralizer yan!"-sigaw ni Acer at naramdaman kong naalarma ang mga kasama ko.
Mabilis ang mga naging kilos nila at sinugod ang mga bandido. Ginawang yelo ni Frost ang ibang mga bandido na hindi na nakapalag.
Neutralizer? Ano kaya yun? Nasagot ang tanong ko nang magkawala si Blaze ng apoy ngunit bigla itong nawala. Maging ang mga yelong bumabalot sa mga bandido ay naglaho na lang bigla. Parang nagegets ko na ang neutralizer na yan.
"Cass, pampawala bang yen ang neutralizer?"pabulong na tanong ko kay Cass. Tumango naman sya pero di nawawala ang tingin sa mga kalaban. Oo nga pala, nasa laban kami.
BINABASA MO ANG
Dragons Academy
FantasyNapadpad ang isang dalaga sa Paraiso... A place where magic and mythical creatures exist... ngunit hindi nya alam na sya mismo ay bahagi ng mundong iyon.. Nakapasok sya sa Dragons Academy kung saan namamalagi ang mga nilalang na hindi nya inaakalang...