Chapter 63

4.9K 171 7
                                    

CLARE'S POV

"Clare..."

"Clare..."

"...tandaan mo, ako ay ikaw at ikaw ay ako..."

"Ang lahat ng simula ay may katapusan... Ang lahat ng katapusan ay may bagong simula..."

"AHHHHH!" Hinihingal akong bumalikwas ng bangon. Kaagad ko naman nakita ang nag-aalalang mukha ni Cass.

"Clare! Kanina pa kita ginigising. Banabangungot ka. Ayos ka lang ba?" Tanong nya sa akin at iniabot ang isang basong tubig.

"Salamat" pagkasabi ko non ay agad kong ininom ang tubig.

"Ano bang nangyari sayo? Masamang panaginip?"

"Hindi Cass. May gustong kumausap sa akin. Naalala mo ba yun napunta tayo sa cave nang tumakas tayo nung unang punta natin sa Nemesis?" Tanong ko kay Cass at tumangon naman sya.

"Oo. Yung maraming lava puddles? Nagtataka pa rin ako kung paano tayo nakaalis sa kwebang yun." Tumango naman ako sa tanong nya.

"May kumausap sa akin nang mga panahong yon at sa tingin ko alam ko na kung sino." Napapaisip kong sabi.

"Sino?" Nagtatakang tanong ni Cass pero umiling ako.

"Hindi ko pa sigurado. May paraan ba para makausap ko ang yumao na?" Seryosong tanong ko kay Cass. Hindi ko alam kung anong meron dito sa Paraiso kaya nagbabakasakali akong may paraan.

Tumango naman si Cass pero nag-aalangan syang sabihin sa akin.

"Merong paraan. P..pero kasi..."

"Cass, kailangan kong makausap ang taong iyon. Baka sya ang makakasagot sa problema natin kung paano matatalo ang Hari ng Nemesis at kung bakit sya bumalik. At..." At kung bakit din ako bumalik dito.

"Sino bang gusto mong kausapin Clare?"

"Si Prinsesa Era." Seryosong sagot ko at nagulat naman si Cass.

"A..ano? Pero Clare... Hindi madaling makausap ang yumao na lalo't matagal na panahon na ang nakalipas. At higit sa lahat, kailangan meron kang isang bagay na dating pag-mamay-ari nya para makausap mo sya." Mahabang paliwanag ni Cass. Kaagad naman akong nalungkot nang sabihin nya yon. Mukhang hindi ko sya makakausap.

"Pero kung kailangan talaga... Sa tingin ko, si Elder Ni ang makakatulong sayo sa bagay na yan."

"Bakit parang andaming alam ni Elder Ni sa mga bagay na to?" Nagtatakang tanong ko. Napangiti naman si Cass.

"Dahil naroroon si Elder Ni nang mga panahong nabubuhay pa si Prinsesa Era" sabi ni Cass at nagulat ako dahil dito.

"Ibig sabihin sobrang tanda na ni Elder Ni?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Hmmm. Siguro higit 500+ years old na sya. Hindi normal ang mga nakatira sa Kaldia kaya sila tago sa buong Paraiso. Kaya kay Elder Ni rin ipinagkatiwala ang mga bagay at sekreto dito sa Paraiso. Kung may gusto kang malaman, si Elder Ni ang pwedeng pwede mong lapitan." Napatango tango naman ako sa nalaman ko.

"Kailangan ko ulit pumunta sa Kaldia."

***
Sinamahan ako si Cass magpunta sa Magical Helm. Gumawa kasi ng isang teleportation portal si Elder Ni para mabilis kaming makapunta sa Kaldia. Pero dahil nga sekretong lugar dapat ang Kaldia, dapat tago rin ang portal na ito kaya iniwan ito sa pangangalaga ni Aciar.

"Kung kailangan mong makausap ang dating prinsesa, bukod sa bagay na dating pagmamay-ari nya, kailangan mo rin pumunta sa Lake of Life " paliwanag ni Aciar nang sabihin namin ang dahilan ng pagpunta ko sa Kaldia.

Dragons AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon