CLARE'S POV
Nag-umpisa ng lumipad ang griffin...
Ang saya talaga sumakay dito...
Medyo matagal din kaming nakasakay hanggang sa may matanaw na akong isang malaking octagon...
Sa gitna ng octagon ay may malaking clock tower...
"D-city..."Sabi ni blaze...
Yun na ang D-city???!!
Waaaaah!!!!
"Blaze!!! Pabilisan mo!!! Dali!!"-excited na sabi ko kay blaze at pilit na tinatanaw ang nasa ibaba...
"wag ka ngang malikot!! Baka mahulog ka!!!"-sabi ni Blaze at hinigpitan ang hawak sa bewang ko...
Hindi ko alam kung nananantsing na lang to si blaze... pero shemay!!!
>////////////<
Kainis na blaze to!!!
So ayun nga... hindi na lang ako gumalaw at pigil hininga ako hanggang makalapag kami...
Ang ganda dito!!!
Nang makababa kami...
"waaah!!! Ang ganda dito!!! Anong mabibili dito??"
Nanlaki ang mga mata nila at napatingin sa akin... of course except blaze...
"hindi mo alam???"-sila
"hindi... ngayon lang ako nakapunta dito eh..."-sabi ko naman habang umiiling...
lumapit sa akin si Acer at itinapat ang mukha nya sa mukha ko... tas pinat ang ulo ko...
"kawawang prinsesa... wag kang mag-alala... igagala kita dito!!"-sabi nya kaya napangiti ako...
"talaga?"
"oo..."-sabi nya at nakangiti ng malapad pero napangiwi sya ng pingutin sya ni Silvia at hilahin nina Ice at Klaus...
"Masyado kang malapit!"-Klaus
"pakunwari ka pa Acer!!"-Ice
"Loko ka talaga Saarinen!!"-silvia
"aray ko naman... lumapit lang naman ako kay princess eh!! Aray!!"-Acer
"Anong bibilhin mo princess???"-Max
"ummm..."
Tumingin pa ako sa itaas with matching lagay ng hintuturo sa baba ko para kunwari nag-iisip ako...
"wala akong maisip eh...ay teka... wala akong pera..."-ako
Ngayon lang naman ako naghanap ng pera dahil hindi naman kailangan dahil libre lahat ng kailangan sa academy...
"wala kang yul???"-Cass
"Ano na namang yul yaan??"
Napa-face palm naman si Cass...
"Yul ang tawag namin sa pera... so wala nga??"-Cass
Tumango naman ako...
"sabihin mo nga clare... binubuksan mo ba yung baul sa harap ng kwarto mo???"-Silvia
Napaisip naman ako... oo nga... may baul pala sa harap ng kwarto ko at sa pagkakatanda ko ay ako lang ang nakakabukas non...
"hindi..."-sagot ko kay silvia
"kaya pala...ang mga estudyante ay binibigyan ng yul kada linggo at nakabase ang dami ng yul kung anong katayuan mo... halimbawa... kaming mga royalties ay nakakatanggap ng 5000 yul kada lingo... ang mga maharlika naman ay 3000 at ang mga normal lang ay 1000... doon sa baul na yun nakaimbak yun..."-paliwanag ni Silvia
BINABASA MO ANG
Dragons Academy
FantasíaNapadpad ang isang dalaga sa Paraiso... A place where magic and mythical creatures exist... ngunit hindi nya alam na sya mismo ay bahagi ng mundong iyon.. Nakapasok sya sa Dragons Academy kung saan namamalagi ang mga nilalang na hindi nya inaakalang...
