Chapter 09
Mukhang mag a-adjust ako. Tuwing sunday ko na lang mapupuntahan sila Mama. Isa lang pala ang day-off dito sa pilipinas. Kainis lang.
At dahil sa saturday ngayon, panay yaya sa akin ni Althea na gala daw kami sa SM. Gustong-gusto ko sumama pero no choice kasi mag go-grocery kami ngayon.
"Damn! Where's our fucking Maid?!" sigaw sa baba kaya dali-dali akong pumunta doon. Aga-aga, high blood kaagad. "First, ayoko nang babagal-bagal. Second, ayoko nang tatanga-tanga. Third, ayoko nang maingay. You are my personal Maid so you must need to know what I hate." sabi niya habang nakatitig sa akin. Tumango na lang ako.
Ramdam ko ang pagtabi sa akin ni Xace kaya tinignan ko ito at ngitian niya naman ako. Parang magic kasi nawala agad ang kaba ko. Napakasungit kasi nitong amazonang bastos na kupal na Lethal na 'yan. Akala mo laging meron at dinaig pa ako. Easy, Sab. Katulong ka nga 'di ba? Kaya pagtiisan mo kasi Amo mo sila.
Akala ng iba, madali maging Amo ng mga to. Napakalakas nang dating sa ibang babae pero hindi naman alam ang ugali. Si Kios na napaka-bwisit at gagawin ang lahat para mabiwisit ka talaga. Si Lethal na sobrang sungit kahit kaunting pagkakamali lang, grabe na makasigaw. Si Xace—uh oh. Hindi siya kasali.
Nang makalabas na kami, dumiretso ang tatlo sa gilid ng Mansyon kaya naman napakunot ang noo ko. Sinundan ko sila hanggang sa makarating kami sa isang malaking garahe. Maya-maya pa, pumalakpak si Lethal at sumunod si Kios hanggang kay Xace na. At para hindi ako magmukhang tanga dito, pumalakpak na rin ako.
Hehe, para same vibes.
Tumingin naman nang masama sa akin si Lethal kaya tinigil ko na. Gumaya lang naman.
Pagkatapos nang tatlong clap, namangha ako nang biglang bumukas ang garahe at tumambad sa amin ang kotseng tatlo. Black, Gray and White ang kulay ng mga ito. Sobrang ganda at parang bagong-bago pa. Bakit hindi ko 'to nakikita sa school? Ay, oo nga pala, wala nga pala akong pake sa kanila doon. Nag-aaral lang ako at wala akong pake kung sikat pa sila.
"Astig!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigaw 'yon. Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin. Si Lethal na masama ang tingin. Ano na naman kasalan ko? Si Kios na pangisi-ngisi at si Xace na nakangiti lang.
"Tss. Ignorant." rinig kong sambit niya at dumiretso sa kotseng kulay black. Ganoon din si Kios sa gray at si Xace ay sa white.
So ano ako? Iniwan? Sila nakasakay tapos ako nasa harapan? Bwisit.
Tumingin ako sa gilid at sakto may nakita akong kotse na pang 3-4 years old. Eto 'yong sinasayad ang paa para makaandar ka. Pang bata kung sasabihin. Nag strech ako ng ulo, balikat, tuhod at paa at saka lumapit sa kotseng 'yon at sumakay. Grabe lang, walang makina, apakan, aircon at apat na upuan kagaya nila pero keri na.
"Tara na!" sigaw ko at pinaandar ang kotse ko habang urong ako nang urong sa puwet ko. Kaso bwisit! Nakakangalay pala.
"What the hell?" rinig ko sa likod. Tumingin naman ako at pare-parehas naka kunot ang noo nila.
"Stupid. Are you child?" inis na tanong ni Lethal.
"You are cute, Maid." natatawang sabi ni Kios. Anong cute doon? Bwisit!
At si Xace? Nagulat na lang ako na nasa harapan ko na pala siya habang nakalahad ang kamay niya.
"Sa kotse na kita. And that car... that is for c-child, Sab." sabi niya na parang natatawa at hindi makapaniwala sa ginawa ko.
Hindi na ako kumibo at dumiretso na sa tabi ni Xace sa driver seat. Pagkaupo ko, halos matakpan ko na ang buong mukha ko nang mag sink sa akin ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
Teen FictionSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...