Chapter 11
"Look what you did!"
Arte naman nito.
"Anong look what you did ka riyan? Ikaw ang nakatapon tapos ikaw ang galit?" sagot ko. Tumaas naman lalo ang kanang kilay niya na parang nagulat pa sa naging sagot ko.
"What did you say? Don't you know ba kung sino ang kaharap mo?" tanong niya habang inirapan ako. Tusukin ko mata niya e.
"Alam ko. Tao ang kaharap ko. Need ko pa ba mainform kapag naging hayop kana?" at doon, natawa naman ang iba na kaagad ding naudlot. Sino ba 'to? Bwisit naman. Lakas mantapon tapos siya pa galit.
"How dare you!"
"Sorry ah? Anong problema mo?" tanong ko. Nakakainis na e.
Ganito. Ganitong-ganito ang gusto kong gawin at isagot kay Lethal at Kios pero hindi ko magawa dahil nagta-trabaho ako sa kanila.
Nawala ang pag-iisip kong iyon nang umayos siya ng tayo at pinakita ang blouse niya sa akin. "Look, binasa mo lang naman ang blouse ko. Tatanga-tanga ka kasi!" tumaas naman ang kilay ko sa naging sagot niya.
"Binasa? Wow. Alam mo? Sayang 'yang ganda mo pero mas maganda ako kung panget naman ang ugali mo. May CCTV dito, gusto mo ipa-play pa natin kung sino ang tangang dumaan at sinadyang tapunan ang sarili niya at nandamay pa ng iba?"
"How dare you! Mag sorry kana nga lang!"
"Excuse me? But, why would I? Sa pagkakaalam ko, ang pagso-sorry ay ginagamit lang kapag may nagawang mali sa tao. Pero wala naman akong nagawa sa 'yo dahil tanga kang dumaan sa harapan ko."
Narinig ko ang "ohh" ng mga estudyante sa paligid ko. Kahit sina Kios at Xace ay nakatingin din sa amin habang si Lethal naman ay walang pake at patuloy na kumakain.
"Hindi ka ba talaga magso-sorry, ha?"
"What if mga magulang mo ang mag sorry?"
Tumaas naman ang kilay niya. "What are you talking about?"
"Nagkamali kasi silang pinanganak ka. K, bye." last word and flipped my hair. Narinig ko pa ang tawanan ng mga tao sa paligid.
Pumunta na ako sa table naming tatlo at pagdating ko doon ay parehas na nakanganga ang bibig nilang dalawa. Inayos ko 'yon at hinarap sila.
"Baka pasukan ng langaw. Same position pa kayong dalawa." tawa-tawang sabi ko. Nagtinginan naman sila at saka nag-tarayan. Wow, same vibes.
"Ackkk! Grabe! Grabe ka talaga Sabrina Silveste!"
"Oo, grabe nga. Grabe ka rin makasigaw." reklamo ni Jayden habang hawak-hawak ang tainga niya. Napailing-iling naman ako.
"Epal ka? Usog ka roon para wala kang marinig dyan." sagot naman ni Althea. Taray.
"Anyway, sino ba 'yon?" pag-iiba ko ng usapan.
Umusod ulit si Jayden papalapit samin at bumulong. "Siya 'yong sinasabi ko sa inyong babae. Si Fiona Hendral."
Nagkatinginan kami ni Althea at parehas na nagsabay ang kilay naming dalawa. Tumingin kami kay Jayden, at pagtapos no'n, tumingin ulit kami sa likod kung saan nandoon yong babaeng nakasagutan ko kanina. And guess what? Jayden is right. Nagpapapansin nga siya sa tatlo.
Fiona Hendral, huh? What a bitch.
"Tss. Don't mind them na lang. Laki na nila, kaya na nila 'yan." Pag-iiba ko ng usapan at pinagpatuloy na lamang ubusin ang pagkain ko.
After naming kumain, nagpaalam muna ako sa dalawa na pupunta lang ng girls room at pumayag naman silang dalawa. Of course, payag na payag kay Jayden 'yon dahil masosolo niya si Althea.
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
TienerfictieSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...