Chapter 02
Tumayo ako dahil sa lakas ng araw na tumama sa mukha ko. Tinignan ko ang oras at medyo maaga-aga pa naman pero tumayo na rin ako dahil mailangan kong umalis ngayon. Maghahanap pa ako ng trabaho.
Sumilip ako nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan kaya bumaba ako ng hagdanan. At pagkababa ko, nakita ko si Mama na kausap si Aling Norma. Ang may-ari ng bahay na inuupahan namin.
"Kung hindi pa kayo makakabayad sa susunod na buwan, aba! Ako mismo ang magkakaladkad sa inyo papalabas ng bahay na 'yan!" sigaw nito.
Agad-agad akong bumaba at pinuntahan ang gawi nila.
"Magbabayad ho kami Aling Norma. Hantayin niyo ho, maghahanap po ako ng trabaho." sambit ko dito.
Tumaas naman ang kilay niya. "Aba! Siguraduhin mo lang! Ewan ko sa inyo! basta hanggang sa susunod na buwan, kapag hindi pa kayo nakabayad, pasensyahan na lang!" singhal pa nito at naglakad na papalayo.
Huminga ako nang malalim at niyaya sila Mama at Papa na kumain na. Ako na ang nagsandok para sa kanilang dalawa.
"Sorry anak, ha? Hindi tayo magkakaganito kung hindi lang ako natanggal sa trabaho ko." sabi ni Papa.
Tumingin ako sa kaniya at niyakap siya. "Okay lang po, Papa. Sobrang laki na nang natulong niyo sa amin ni Mama. Still blessed and thankful pa rin ako dahil hindi niyo kami iniwan kahit na mahirap tayo." sabi ko dito.
Niyakap naman ako nito pabalik at tinapik-tapik ang balikat ko. "Oo naman. Mahal na mahal ko kayo ng Mama mo e." sabi nito at hinalikan si Mama sa pisnge.
"Oh Mama, kinikilig kana naman diyan." pang-aasar ko.
"Slight, hehe." sabay kaming nagtawanang tatlo at inubos na ang pagkain na nasa hapag-kainan.
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam na ako kay Mama at Papa na pupunta sa bahay nila Althea. Pero ang totoo niyan, maghahanap talaga ako ng trabaho. Nagsinungaling ako para payagan ako dahil for sure, kapag sinabi ko ang exact reason, hindi sila papayag. Ang alam nila, nagbibiro lang ako at ginawang palusot ang trabaho kay Aling Norma para hindi na makapag-ingay.
Tumigil ako sa isang malaking bahay. Hindi na ako nag-atubili pa at pinindot ang doorbell nang tatlong beses.
"Ano bayarn! Kaaga-aga may istorbo na akesh!" pagre-reklamo nito.
"Ah, good morning po!" bati ko.
"Alam kong morning, Dzaih! Kita ko nga oh!" turo niya pa sa langit. Sungit. Wala sigurong lovelife 'to. "Oh siya, ano ang kailangan?"
Huminga muna ako nang malalim at ngumiti. "Baka kailangan niyo ho ng katulong kahit sa bahay niyo. Taga walis? Kaya ko po 'yan! Taga hugas ng plato? Taga laba? Taga plantsa? O kahit ano po. Kailangan ko lang talaga ng trabaho." pagmamakaawa ako. Ginamit ko na si puppy eyes para dama.
Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa na parang sinusuri ang buong pagkatao ko.
"Mmm. Maganda ka, may hugis, makinis at maputi pero hindi ko kailangan ng maid dahil marami na ako niyan." sabi niya.
"Kahit ano nalang po Kuy—Ate. Basta makabayad lang ho kami ng bahay sa upa."
"Kaya mo bang makapag-paligaya ng mga lalaki? Foreigner? O kahit na sinong ipakita ko sa 'yo? Via-online? Computer o loptop. Kaya ba?" lumaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Oh, okay. Mukhang back out na.
"Ah, hahaha! Nagbago na ang isip ko!" sabi ko at tumakbo na papalayo doon.
Grabe, mas gugustuhin ko pang tumira na lang sa lansangan kaysa sa ganoon! Mahalaga 'to sa akin 'no! May podlock 'to!
Sa sumunod, nagdoorbell ulit ako. Niluwa nito ang isang Señorita na may kataasan ang kilay, makapal na make-up at makapal na lipstick. Nakakatakot siyang tignan.
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
Teen FictionSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...