Chapter 50
[Warning: expect some vulgar words]
"Damn it! Paano kayo natalo nang ganoon?! Hinayaan niyo 'yon?! Hinayaan niyo na bumaba ang University natin sa Rank 1?! You all are damn useless!" nakikinig ako sa sigaw ng Papa ng tatlo habang pinapagalitan sila gamit ang Video Call.
Nagalit ang Daddy ng tatlo nang malaman ang nangyari. Natalo nga ang University namin kanina at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit dahil hindi ko naman napanood ang buong laban.
"They fooled us! They cheated, Dad!" sagot ni Xace.
"What?! So ayan ang pinaniniwalaan niyo, ha?! Akala ko ba matatalino kayo? Bakit hindi nyo nagawang talunin ang mga 'yon?!" sigaw niya at saka nagsalita muli. "I have so much problem to our company, dumagdag pa kayo! Mga walang kuwenta!" sigaw pa muli nito at saka pinatay ang VC.
Kumunot naman ang noo ko. Anong problema sa company nila?
"It's too difficult that people have high expectations of you and they think you can't do mistakes too." natatawang sabi ni Kios.
Nag usap-usap na sila doon at lumabas muna ako. Ayoko na lang din makinig, bukod sa nakaka-stress, sunod-sunod pa ang problemang nasa isip ko.
"Aling Minda, ako na po riyan."
"Naku, hindi na. Kaya ko na 'to. Hindi ba't masakit ang katawan mo? Bakit hindi ka pa magpahinga?"
"Ayos lang po ako. Kanina pa kasi kayo naglilinis, ako na po."
Sa huli, napapayag ko rin siya.
Kinuha ko na ang mga sangkap ng sinigang at saka sinimulan magluto. Hindi ko pa nabubuksan ang kalan, lumapit na si Xace sa akin.
"Tulungan na kita?"
"Hindi na. Kaya ko naman." sagot ko.
Sumulpot rin bigla si Kios at Lethal at saka inalok din ako nang tulong pero inayawan ko rin pareho. Pero sadiyang matitigas ang ulo nila kaya ako na lang ang sumuko at baka mas lalo akong mainis.
"Hindi kasi ganyan ang halo," irap at kinuha ang sandok kay Kios. "Ganito oh, dahan-dahan lang hindi 'yong para kang nakikipagkarerahan. Ano ba 'to, cooking show with prize?"
Napabuga ako nang malakas na hangin dahil sa ginagawa nila. Para silang ewan at hindi alam ang gagawin.
"Ako na lang kasi dito, umalis na kayo." saad ko.
"Hindi na. Tutulungan ka na namin."
"Hindi nga kailangan!"
"Look, we are trying to help you kasi masakit ang katawan mo."
"At mas lalong sumasakit kasi nandidito pa kayo."
"Sabrina, kahit ako na lang, tutulungan kita riyan."
Tinignan ko silang tatlo at nagtinginan din sila at saka nag-iwasan. Lumapit ulit sila at sinubukang magluto ulit. Pumunta ako sa gilid at tinignan na lang sila. Habang tinitignan ko sila, nakikita ko na nagbabanggan sila na parang mga tanga. Hindi ko sure kung sinasadya ba nila o hindi. Para silang nag-aaway gamit ang mga mata nila.
"Hala, natapon!" sigaw ko nang matapon ang buong kasilora na hawak ni Kios kanina.
"What the fuck did you do?!"
"Ano ba 'yan, Kuya!"
Halatang nainis din ang dalawa.
"Hindi ko sinasadya."
"You're stupid! Pabida ka kasi kay Sabrina!" sigaw pa ni Lethal.
"Gago ka ah! Sinabing hindi ko sadya 'di ba?!" nagsimula na sila magbungguan ng dibdib.
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
Teen FictionSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...