Chapter 41
"Panget! Ang bagal mo!" bulyaw sa akin ni Kios.
"Edi, mauna kana!" sigaw ko pabalik.
"Damn it! Can you both stop shouting?! Ang lapit niyo lang naman sa isa't-isa!" sabat ni Lethal. Nagbabasa kasi siya.
Bumaba na ako at pinuntahan si Kios. Punyeta naman kasi, kakauwi lang namin, niyaya na kaagad ako ni Kios. Nagugutom na ako!
"Nagpaganda ka pa ba?" tanong niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Para saan? Para sa 'yo? Assumero ka," irap ko sa kanya. "Bakit? Nagagandahan kaba sa akin?"
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi. Ang panget mo kaya."
"Sana hindi kana lang pinanganak." irap ko.
Pumasok na ako sa kotse niya at isinara 'yon. Lagi na lang kaming nagbabangayan ni Kios.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa pupuntahan." sagot niya.
"Galing mo kausap."
"Because it's a surprise, babe."
"Suguraduhin mo lang na mag-e-enjoy ako ah!" sabi ko sa kaniya. Knowing him? Maraming kalokohan 'yan. Baka nga isama nya ako ngayong gabi e.
"Kung ano man ang iniisip mo, mali 'yan. I'm not a fuck boy anymore, babe."
"Hindi ako naniniwala."
"Edi don't." sagot niya.
Hinampas ko naman siya sa braso at pinanlakihan ng mata sabay natatawa.
"Ang bakla! Hahaha! Huwag mo na uulitin 'yon, ah? Hindi bagay!"
"You don't want to believe me kasi! You should believe me, babe."
"K." sagot ko.
Nag scroll-scroll lang ako sa IG ako habang hindi pa kami nakakapunta roon sa ka-echosan ni Kios. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita na ang dami ng medalya ng dati kong crush. Owemgi! Naalala ko kung ano ang kahihiyan ko noon.
"Naks! Talino pa rin nito." proud na sabi ko.
"Who the hell is that?" tanong ni Kios.
"Chismoso ka. Mag-drive ka nang maayos diyan."
"How can I? My girlfriend is focusing to something I didn't know. Stop that, babe. Stop making me jealous—"
"Ang OA mo ah! Hindi mo ako girlfriend!" singhal ko sa kaniya sabay tago ng CP ko. "Tinignan ko lang naman 'yong medal ng dati kong crush." sabi ko pa. Wait lang, bakit ako nagpapaliwanang dito?
"Tsk. Mas matalino ako roon." sagot niya. Yabang!
"Palibhasa, certified matalino kana," sabi ko. "'Di ba lagi kayong honor student? Ano sa feeling 'yong laging nasa top?" tanong ko pa. Curious ako, yes!
He smirked. "Masarap." sagot niya.
Tumango-tango naman ako nang bigla ko siyang tignan habang pigil ang tawa niya. Ako naman, halos takpan ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan na sagot niya.
"Hoy! Ibang top ata ang nasa isip mo!" singhal ko sa kanya.
"Hahaha, w-why? Masarap naman talaga e—"
"Huwag kana sumagot, please lang." pagputol ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya habang pigil pa rin ang tawa. Ang bastos ng utak niya! Masarap daw!
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
Teen FictionSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...