Chapter 47

472 72 4
                                    

Chapter 47

"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Mica.

Nandito kami ngayon sa Cafeteria at kuwinento ko na rin sa kaniya ang totoo tutal kaibigan na rin naman namin siya.

"Oo, ganda niya 'no?" singit ni Althea pagkalapag ng pagkain sa lamesa.

"Ohmygod, they are here na..." bulong ni Mica kaya napatingin naman ako sa likod.

Hala shems! Bakit nandito sila?!

"Can we seat here?" tanong ni Lethal. Ngumiti naman kaagad si Mica at umusog pero imbes na roon umupo si Lethal, sa akin siya tumabi.

Pain pare. Ako ang gusto.

Tinignan ko ang paligid at doon ko napagtanto ko na pinagtitinginan na kami ng lahat. As in, lahat. Walang keme-keme. Pati mga nagwo-work dito, sa amin ang tingin. Ang iba ay nagbubulungan pa lalo na sa inasta ni Lethal. Never daw siya nakiupo sa iba na ganoon ang pananalita. Well, hindi ko sila masisisi dahil kilala si Lethal bilang seryosong lalaki at hindi talkative.

"Bakit dito niyo naisipan kumain? Pinaparami niyo bashers ko. Sa iba na lang kayo." pagtataboy ko sa kanila.

Hindi sa ayaw ko na kasama sila pero natatakot ako sa anong puwedeng mangyari. Lalo na kay Marga kung malaman niya na... ang ex niya ay sa akin na-inlove.

Gosh. For the haba ang hair ni Sabrina, oh.




At sa nakikita ko, hindi rin maganda ang kinalalabasan ng lahat. I mean, oo medyo masaya ako na crush ako ng tatlong lalaki na hindi ko naman ineexpect pero kasi, iba ang nakikita ko. Feeling ko, dumadami ang may galit sa akin at ang hirap maglakad kapag nasa mata ng tao ang tingin sa 'yo. Ayoko ng ganito. Gusto ko maging ordinaryo lang.

"They can't hurt you babe." sabi ni Kios.

"Hindi ka sure." sabi ni Althea na nakatingin sa likod.

Napatingin din ako sa likod at napaawang dahil ang lakas nang pagkasipa ni Marga sa may babasaging pintuan ng Cafeteria. Lahat ay napatingin sa kanya at maging ako pero mas nagulat ako nang nakitingin siya rin siya sa akin nang masama.

Lumapit siya kasama ang isa niyang alagad na si Fiona na nakangisi din sa akin.

"How dare you to pretend that you're just ordinary student and trying to look us stupid."

"Anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko.

"Really? So you're going to deny now, huh?" ngumisi siya sa akin at tinignan ang lahat ng nanonood sa amin. "Did you all know that this girl beside me or also known as Sabrina Silveste is a slut?" napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Tangina mo, anong sabi mo?!" sinenyasan ko si Jayden na pigilan si Althea na siyang ginawa niya.

"What's your fucking problem, Marga?" galit pero kalmadong tanong ni Lethal.

"Get out before I do something I'll regret." ganoon din si Kios.

"Why did you say that?" halatang naiinis na rin si Xace.

Natawa naman si Marga dahilan para kumunot ang noo ko. May saltik sa utak 'tong magandang babaeng 'to.

"Wow! What a nice movie. What is this? Meteor garden?"

"Ediwow." irap ko.

"Don't change the topic, asshole. As of now, I am really excited what will be the next scene if all of PS University students find out who you really are, Sabrina."

"Ano bang sinasabi mo?"

"You're hidding important, isn't you?"

"Marga, ano ba!" saway sa kaniya ni Mica.

Living With Peterson BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon