Chapter 46
"Loh! Bibilhan mo ako ng book? Wehh! Parang tanga 'to!"
Hindi pa rin ako makapaniwala na pag-uwi namin kanina galing school, niyaya na kaagad ako ni Lethal na lumabas. Ganoon pa rin ang sistema. Lumalabas kami tuwing Monday and Tuesday.
Feeling ko talaga bola ako. Ang hilig ako pagpasa-pasahan e.
"Yeah. Tutal, we have the same genre vibes." nakangiti siya. Ang hilig niya na rin ngumiti!
Pagtapos ng byahe namin, kumain muna kami sa restaurant at siyempre, siya ang nagbayad.
"Punyemas," mura ko kaya nagulat siya at tumingin sa akin na nagtatanong na 'bakit-look'. "Expectation vs. Reality. Laki ng nasa picture, ang liit pagdating." reklamo ko kaya napataas kilay naman siya.
Nagulat na lang ako nang tawagin niya ang isang waiter at may sinabi. Hindi ko alam pero maya-maya lang, dumating na ulit si Kuyang waiter at pinalitan ang burger ko. Mula sa maliit, lumaki na siya. Dalawa pa!
"Hoy! Nakakahiya!" saway ko sa kaniya. Nag cross arm lang siya at tinaasan ako ng kilay. "By the way, walang coke?"
Matapos naming kumain, dumiretso na kaagad kami sa bilihan ng books. Pumili na ako nang mga story na magugustuhan ko. Marami akong kinuha kasi siya naman ang magbabayad e. Bakit hindi pa lubusin. Chos.
"Noong umulan siguro nang katangkaran, natutulog ako sa bahay. Punyemas naman oh. Hindi ko makuha!" inis na bulong ko sa sarili ko.
Tumingkayad ako hanggang sa makakakaya ko at sinubukan abutin ang libro pero dahil sa hindi ganoon ako pinagpala sa height, hindi ko nakuha.
Pero, naniniwala talaga ako sa tadhana. Kasi ba naman! Biglang pumunta si Lethal sa likuran ko at kinuha ang kanina ko pa inaabot. Kinagat ko ang labi ko at humarap sa kaniya na nakaharap na rin sa akin habang hawak niya ang libro na gusto ko. Nakasandal ako sa mga libro habang siya naman ay malapit ang mukha sa akin.
"Bakit walang slow motion?"
"What?"
"Alam mo 'yon? Ganito mga nakikita ko sa mga drama e. Bakit wala dito sa Pilipinas?" napailing siya sa sinabi ko.
"Is this the book you wanted to get?" tanong niya at pakita sa akin ng libro.
"Ah, oo. Salamat ah? Penge kasi height!" pabirong ani ko.
Nag ikot-ikot pa kami hanggang sa nakaisip ako nang laro.
"Game ah? Kung ano ang gusto mong sabihin sa akin, dapat kukuhanin natin sa title ng libro. K?" tumango siya at hindi na nagsalita. "10 minutes lang! Game!" at pagtapos no'n, sabay kaming kumaripas nang alis at kumuha ng mga libro.
"Done." mabilis na sabi niya nang matapos ang 10 minutes.
"Game!" pinakita ko ang unang libro. "Mr. Masungit." natawa naman siya at napailing at pinakita rin ang hawak niya.
"No Boobs Since Birth." pagbasa ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero siya, tumawa lang. Katawa 'yon? Kung sino man ang author ng story na 'yon, salamat sa lahat.
"Monster Attitude." basa niya. Napairap naman siya habang ako ay natawa.
"The Madaldal Girl." basa ko. Ang sama! Hindi naman ako madaldal ah!
"My Handsome Boss." basa niya. Ayan ah! Maganda 'yon. Dapat ayusin nya na. Sapak sya sa akin.
"The Woman With Three Men." basa ko.
Napangiti ako at ipinakita ulit ang isa pang libro.
"Ito! Ka-surname nyo at same riyan sa pinakita mo," at iniharap ko sa kanya. "Living With Peterson Brothers."
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
TienerfictieSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...