Chapter 39

680 82 22
                                    

Chapter 39

"Oh, eto ang mga bibilhin niyo." bigay samin ni Aling Minda ng listahan.

"Okay po, aalis na po kami." sambit ko at nginitian siya.

Sumabay ako kay Kios kasi bigla ba naman akong hinila!

"Kapag ako nabalian ng buto, yari ka sa akin." tinignan ko siya nang masama.

"Hindi ako natatakot sa 'yo, babe." tinaasan niya naman ako ng kilay.

Kapal ng mukha! Cinareer niya ang fake relationship namin!

"Huwag ka nga mag babe, kadiri uy."

Matapos ang biyahe, pumasok na kami sa entrace ng Mall. Nakita ko kaagad si Jayden at Althea kaya nag-wave ako sa kanila.

"Bakit pa kasi sumama kayo?" tanong ko sa kanila.

"Naubusan ng stock sa ref e. Kaya ako pinag-groccery ni Mommy." sagot ni Jayden.

"Ako, bibili ng tatlong notebook. Naubos dahil sa pag compute ko sa general math at FABM na 'yan!" inis na sagot ni Althea.

"Kasi kina-career mo na ang pagiging accountancy mo. Ang hirap ng ABM! Puro math!" sabat ni Jayden sa kanya.

"Bobo! Mahirap din ang ibang SHS strand!"

Ayan, nag-aaway na naman sila.

"Tara na, bili na tayo. Iingay nyo." saway ko sa kanila dahil nakakahiya naman sa kasama kong mga prinsipe.

Nag ikot-ikot kami para hanapin ang mga nasa listahan na ibinigay sa amin ni Aling Minda.

"Hoy!" binatukan ko si Kios. "Bakit kumukuha ka ng chips diyan? Wala sa listahan 'yan ah!" sigaw ko sa kaniya.

"Isa lang!" sagot niya. Inirapan ko siya at humiwalay muna.

"Sakay lang ako escalator papunta sa taas. Dito lang kayo, ako na ang pipili. Nakaka-stress si Kios!" singhal ko.

"Samahan na kita?" si Xace.

"Okay, hindi na, promise. Sama ako, please?" si Kios.

"Let me help you." si Lethal.

Ayan! Ayan na naman sila. Ang weirdo!

"Mga pre, hindi mawawala si Sabrina. At saka huwag ganoon, napaghahalataan e." sabi ni Jayden at inakbayan si Xace.

"Dapat triplets ang ginawang Sabrina para naman hindi na mag agawan ang tatlo. Ganda mo, sis. Penge shampoo!" sabat ni Althea na ikinakunot noo ko. Ano bang sinasabi nila? Mas lalong weird ah! "Hindi mo na gets?" tanong niya pa.

"Hindi. Pinanganak lang ata ako para maging maganda." sagot ko at tinalikuran na sila.

Sumakay ako ng escalator para pumunta sa taas dahil nandoon ang bibilhin ko. Gaya ni Jayden, naubusan ng stock sa ref. Dapat ang ibang Maid ang bibili pero ang tatlo kasi ang nagprisinta na sila na. Charot. Ako pala 'yon.

Matapos kong mailagay lahat sa cart ang binili ko ay naglibot muna ako. Sayang, kung pwede lang mabili si Xace edi sana, na-add to cart ko na siya tapos derecho sa heart. Charot.

Kukunin ko na sana ang cute na ballpen kasi may design na favorite ko nang maunahan ako ng kung sino.

"This is mine." irap niya sa akin.

"Crush mo ba ako, Fiona? Lagi kang sumusulpot kung nasaan ako."

"Me?! What the hell! Kadiri you!" singhal niya sa akin.

"Ang panget mo!" sigaw ko pabalik.

Inis na umalis ako sa harapan niya at bumaba na para hanapin ang tatlo. Pero hindi pa ako nakakahakbang...shems! Nandito si Fiona! Tapos baka makita niya na kasama ko ang tatlo! Putek, hindi pwede. Baka ano isipin no'n.





Living With Peterson BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon