Chapter 43

575 85 21
                                    

Chapter 43

"Owemgi! Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo, Sabrina Silveste! Hindi pa ba obvious ha? Walang lalaking magyayaya sa isang babae kung walang 'thing'!" singhal sa akin ni Althea nang mai-kuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin sa loob ng isang linggo. Ngayon ko lang din kasi nai-kuwento.

"Nagconfess na ba si Xace sa 'yo?" tanong ni Jayden.

"He! Si Kios ang endgame!" saway sa kanya ni Althea.

And guess what? Nagtalo na naman sila. Galing 'di ba?

Natigil ang kuwentuhan namin nang dumating si Prof.

"Gwumapo ka ngayon Sir ah?"

"Ang aga mo namang mambola, maaga rin kitang ibabagsak." sabi niya sa classmate naming lalaki na walang ginawa kung hindi mag-cutting.

Nagtawanan naman kami.

"Okay, I have an announcement," panimula ni Prof. "May laban muli ang Peterson sa kabilang University kaya hindi lang dapat sila ang maghanda kung hindi kayo. Labanan ng salitaan 'to, or should I say, 'debate'. We need to parcitipate when it comes to this kind of challenge. Girls, yes, all of you girls need to stop being clingy because they need to focus. Itago nyo muna 'yang kalandian niyo hanggat hindi natatapos ang laban." dagdag niya. Natawa naman ang mga boys dahil sa 'kalandian' 'daw. Buti na lang hindi ako kasali.

"And you, Ms. Silveste," tawag sa akin. "Don't make loving loving muna sa boyfriend mo. He needs to concentrate." dagdag ni Prof. dahilan para magtinginan na naman sila sa akin.

"H-ha? Oo naman po! Kayang-kaya ng boyfrie—este ni Kios 'yan! Lahat sila!" sagot ko at tumawa nang peke.

Phew. Buti na lang at hindi na nagsalita pa si Professor at tinuloy na ang duscussion.

Matapos ang nakaka-stress na solving sa accounting, kaagad kaming pumunta sa Cafeteria. Hindi pa ako nakakapasok ng may humarang na sa akin. At sino pa ba? Syempre si Fiona.

"Uy, ano hinaharang-harang mo riyan? Magmomodel ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Kapal din naman ng mukha mong magpakita pa dito. Don't you know ba na marami ng may galit sa 'yo?" maarteng saad niya.

"Punta ka nga roon sa basurahan," turo ko sa may trashcan. Napataas kilay naman siya.

"And why?!"

"Hanapin mo pake ko." dagdag ko at binangga siya. Huwag niya lang talaga akong inisin dahil gutom na gutom ako ngayon.

"Hoy babae ka! Hindi kaba talaga natatakot sa Queen namin?!" nakapamewang na tanong niya.

"Siguro kapag nahanap na ng mga scientist ang katapusan ng Universe, kapag nasunog na ang dagat at lastly, kapag hindi kana maarte. 'Tsaka ako matatakot sa kanya. K?" sagot ko sa kaniya. Naiwan naman siyang tulala roon at hindi makapagsalita.

'Yon na ba 'yon? Walang ka thrill-thrill. Hays.

"Kaunti na lang talaga at masasapak ko na 'yang bunganga ni Fiona. Hysterical!" bulyaw ni Althea.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at tuloy-tuloy na inubos ang pagkain ko hanggang sa marinig namin ang tunog ng bell.

"OMG, what is that?" tanong ni Fiona. Putek! Hindi pa pala umaalis 'to?

"Malamang tunog. Bobo." bulong ni Althea. Nagtitigan naman sila nang masama.

Nang lumabas kami sa Cafeteria, nakita namin lahat ng estudyante na papasok sa malaking court kaya sinundan na rin namin sila. Pagpasok namin doon, nandoon ang Principal, teachers, and especially, the Peterson brothers.

Living With Peterson BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon