Chapter 42
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay kami sa kotse niya.
"Mmm, sa bahay ampunan." sagot niya kaya napatakip bibig naman ako.
"Ha?! Mag-aampon ka ng bata? Why? Kaya naman kitang big—"
"Hahaha, silly," tawa niya at ginulo ang buhok ko. "No, we're just going to visit them. You know, I like childrens."
"Uyy, same. Gusto mo gawa tayo?" tanong ko kaya kaagad siyang napatingin sa akin. Namumula ang tainga.
Gosh. Minor moments, Sabrina.
"D-don't say that." sabi niya sabay iwas.
"Charot lang. Game na!" excited na sabi ko at inayos ang seatbelt.
Nang matigil na ang sasakyan, kaagad akong bumaba at hinintay sya na makababa rin.
"Let's go?"
"Sa ulap?"
"Huh?"
"Sasayaw?"
"What?"
"Whatawat."
Natawa naman siya.
"Fine. Let's go." sabi niya at pinagbuksan ako ng pintuan.
Pagpasok namin, napangiti kaagad ako dahil sa paglusob ng mga bata kay Xace. Tuwang-tuwa sila at ang iba ay kumandong pa sa kanya.
Sana all. Sana ako rin. Charot.
"Kuya Xace! Na-miss ka po namin!" sigaw ng mga bata.
"Kuya, sino po siya? Girlfriend mo?" tanong ng isa dahilan para mapaiwas ako.
Ano ba, ako lang 'to.
"Umm, no." sagot ni Xace at saka ngumiti.
"Friends lang po?" tanong na naman nila.
"Oo beh. Sa susunod with benefits na." sagot ko dahilan para kumunot ang noo nila. Sabi ko nga, bata pa sila.
Napailing si Xace habang nakangiti.
"May gift ako sa inyo," sambit ni Xace sa mga bata kaya agad na similaw ang napakalaking ngiti sa kani-kanilang mga labi. "Pero bago 'yon, laro muna tayo? Na-miss ko kayo." dagdag niya pa kaya nagtalunan sila.
Hinila ako ng isang bata at pinasali nila. Aayaw sana ako kasi hindi ko naman trip maglaro pinipilit talaga nila ako.
"Sige na Ate. Please?" pagmamakaawa nila.
"Ayoko e, hindi talaga ako mahilig sa mga larong 'yan."
"Please?"
"Promise, ayoko tala—"
"Sabrina, please?" napatingin ako kay Xace na nakisali na rin.
"Pero kapag ikaw? Why not? We can talk about it naman 'di ba? Charot lang. Tara na!" at mas mukhang excited pa ako sa kanila.
"Rupok mo naman po kay Kuya Xace." bulong ng batang babae sa akin.
Luh.
Nagsimula na ang laro sa piring-piringan, tagu-taguan, doctor kwak-kwak, patintero at kung ano-ano pa hanggang sa lahat kami ay mapagod na. Nag order na rin si Xace para makakain ang lahat.
Nang marinig namin ang dorbell, nauna pa ang mga bata na tumakbo. Nagtutulakan sila na parang ngayon lang nakakain. Natawa naman si Xace at siya na ang kumuha ng pagkain.
"Pagod ka?" tanong niya sa akin at saka tumabi.
"Sakto lang. Ikaw?"
"Sakto lang din." mabilis na sagot niya.
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
Teen FictionSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...