Chapter 30
"Ang bagal naman ng tatlo!" inis na bulyaw ko habang nakapamewang.
"Baka kasi nagpa-practice kasi nandiyan ka." singit ni Althea kaya binigyan ko siya nang shut-up-look.
"Ready your camera, sis!" sabi ng alagad ni Fiona number 1.
"Yeah, I'm gonna post this on my instagram!" alagad ni Fiona number 2.
Wala silang ambag sa lipunan kung hindi tumili nang tumili sa pogi.
"Owemgiii, they are here na!" sigaw naman ni Fiona.
Napabuntong hininga naman ako at kaagad na humarap doon sa tinuro ni Fiona at halos hindi ako makagalaw nang maayos at tila nag slow motion ang lahat ng nasa paligid ko kasama ang pagtulo ng mga laway nila nang magsilabasan ang tatlo isa-isa. Naglalakad ito papalapit sa amin habang naka-topless at hinahangin ang messy hair nila dahilan para mas lalo silang maging attractive sa mga mata k-- este, sa mata ng alagad ni Fiona na kanina pa tili nang tili.
"S-si Lethal, owemgii! He's damn hot!"
Pumunta siya sa gawi namin at nakatingin sa akin. I don't know pero iba 'yong nakikita ko sa tingin nya sa akin. Parang may kakaiba na hindi ko maipaliwanang. Hindi ito ang unang beses at hindi ko malaman kailan ko ulit nakita ang ganitong tingin niya sa akin.
"Si Kios!" sigaw na naman nila.
"Bitch, he's hotter than hell!"
Sumunod naman si Kios na pumunta sa gawi namin habang kapansin pansin talaga ang malatinapay nito sa katawan. Dumiretso siya at tumabi sa akin at bigla akong nginisian.
"I told you, matutulala ka sa mala-yummy kong katawan."
Inirapan ko siya, "Alam mo? Ang hangin mo."
"Huwag ka ngang umarte diyan, hindi ka naman kagandahan." sabi niya dahilan para hampasin ko siya sa braso.
"Si Xace! Oh god, give me tubig!" ang conyong si Fiona na kunwari mahihimatay daw ang peg.
Ngumiti siya at tumingin samin---sa akin.
Enebe! Char.
Hindi siya sa akin tumingin, tumingin siya kay Fiona tapos tinulungan niya kasi mahihimatay ang acting niya tapos tutulungan siya ng leading man niya.
Ang arte, wala namang forever.
"Sabrina, sino sa kanila?" tanong ni Althea habang mahina ang boses.
Kumunot naman ang noo ko, "Anong sino sa kanila?"
"Like dzuh! Halata namang natulala ka rin noong naglalakad sila papalapit sa atin. Huwag ako Sab, kilala na kita," sabi niya. "So, ganito na lang... sinong mas hot sa kanila or na-attract ka lang?"
Nagtaas kilay naman ako at tinignan ang tatlo na nakatingin din pala sa akin dahilan para ako ang unang umiwas.
"Si... J-jayden! Oo, ayun na si Jayden oh!" sigaw ko at tinuro si Jayden.
Automatic namang namula ang mukha ni Althea at nag iwas tingin nang lumapit samin si Jayden at naka-topless din. Sayang, nawala na 'yong slow motion. Pagong kasi.
"Hey guys! Anong laro?"
"Kung pabagalan lang, panalo kana." sabi ko kaya napakamot ulo naman siya.
"Okay, girls naman tayo. Mag swimsuit na kayo!" sigaw ni Jayden kaya kaagad kaming pumunta sa CR.
"For sure, laglag ang brief ng tatlo pag nakita nila 'yong ka-sexy-han mo, Sab." bulong sa akin ni Althea.
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
Ficção AdolescenteSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...