Chapter 56
Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha nila pagkatapos kong i-kuwento ang lahat simula noong kinidnap ako ng panget na tauhan ni Marga hanggang sa pag-alis ko papuntang ibang bansa.
"You did that?" hindi pa rin makapaniwala si Lethal sa sinabi ko.
Pare-parehas sila na nakatingin sa akin.
"Oo." mabilis na sagot ko.
"I'm sorry for judging you easily, Sab." ngumiti siya nang mapakla.
"Ayos lang, naiintindihan ko." ngitian ko rin siya.
"I am always admiring you, Sabrina. You're too kind for other people to save and sacrifice for them even though you are in danger. Thankyou, Sab. Thankyou for everthing." nakangiting saad ni Xace.
Hinintay ko na magsalita si Kios pero nakayuko lang siya. Maya-maya pa, ngumiti siya at tinignan ako.
"Thankyou..."
Napatango ako at ngitian sila lahat.
Namuo ang katahimikan sa aming apat kaya medyo naging ackward.
"Hindi ako sanay."
"Me too."
"Same."
"Yeah."
Nagtinginan kami pare-pareho at maya-maya pa, nagtawanan.
"What if mag rides na lang tayo?" tanong ni Xace. "Tutal nandito na rin naman tayo. Besides, ngayon lang tayo ulit nagkita-kita."
Napangiti naman ako at inakbayan si Lethal at Kios.
"Let's bring back the old of us?" tanong ko sa kanila.
"No ackward." si Lethal.
"Best buddies." si Kios.
"Like before." si Xace.
Kinagat ko ang labi ko para hindi lumabas ang luha na nagbabadya na naman sa mata ko. Pero kahit anong pilit ko, hindi pa rin ako nanalo.
Hindi ako umiiyak dahil sa malungkot ako. Umiiyak ako dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. Akala ko hindi nila ako maiintindihan. Akala ko hindi na nila ako kakausapin. Akala ko wala nang pag-asa. Pero lahat ng 'akala ko' ay nauwi sa magandang ending.
"Tara, laro tayo!" yaya ko sa kanila na kaagad nilang sinang-ayunan.
"Laro lang, walang tayo." sabi ni Lethal.
"Pangit mo." inirapan ko siya kaya nagtawanan naman sila.
Pumunta kami sa rides na matataas at gaya ng dati, hindi ako nakahinga sa sobrang tawa dahil kay Kios. Enjoy na enjoy kami habang siya ay nakatakip sa mukha ang mga kamay niya.
"Damn! I don't wanna die yet!" hiyaw niya.
"Hala!" pananakot ko at kunwaring huhulugin siya.
"I swear, kapag ako nahulog, isasama kita!" sigaw niya pa. Natawa naman ako at hindi na siya tinakot.
Pagtapos no'n, pumunta naman kami sa may baril-barilan.
"I'm expert on this." pagyayabang ni Lethal.
"Oh, talaga ba? Sino nagtanong?" pambabara ko, inirapan niya naman ako.
Nasa gilid lang sila Kios at Xace at tinitignan kami. Kami naman ni Lethal, naglalaro at magkalaban sa game.
"Hoy, mamamatay tao! Patirahin mo ako, madaya ka!" sabi ko sa kaniya.
"Stop shouting and focus on the game." nakangising saad niya.
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
Teen FictionSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...