Chapter 14
"Umm... P-pasok ba?" tanong ko kay Lethal.
Ano ba naman 'to, hindi ko mabasa ang reaction nya.
"You're amazing, Maid!" Kios complimented
Wait... compliment? From Kios Peterson? Owemgii! Hello! Anong nakain nito?
"Yeah, you make me speechless." Sabi rin ni Xace na nagpangiti sa akin.
Amazing daw ako, parang gusto kong kiligin.
Hinahantay ko 'yong sasabihin ni Lethal pero parang wala siyang balak magsalita. At ang paboritong words niya lang ay,
"Get out." 'yon, tapos nag walk-out na ko.
Nakakainis naman. Gusto ko nga ng critique kung maganda ba o hindi para naman malaman ko kung puwede ba akong maging partner ni Xace o pwedeng in real life na maging partner.
Charot.
Pag-iisipan niya kaya kung makakapasa ako o hindi? Oh please, sana makapasa.
"Ay, kabayo!" sigaw ko nang may mabangga akong babae. Lutang ang utak ko kaya hindi ko siya napansin.
Tumingala siya. "What?! Me? A kabayo? How dare you, Sabrina ah!" sigaw niya. It's her. Fiona.
"How did you know my name?"
"None of your business. Anyway, why are you here? Sino ang pinuntahan mo? Oh, don't tell me, pumunta ka sa Peterson!" sabi niya. Karindi talaga 'to.
"None of you business, too." I answered and walked away from her.
"Bastos ka talaga kausap!" huling sigaw na narinig ko sa kaniya at saka umakyat. Siguro, pupunta siya sa tatlo. Anyway, wala akong pake.
Pagpunta ko sa room, agad akong sinalubong ng dalawa at tinabihan agad ako. Basta chikahan, nangunguna si Althea at sasabayan siya ni Jayden. I suddenly think that what if Jayden and Althea is a real couple? Meant for each other? Siguro lahat nang gusto ni Althea, go si Jayden. Aww, what a supportive boyfriend.
Walang forever.
"Hoy!" nabalik ako sa reyalidad nang sumigaw si Althea at nakapamewang pa sa harap ko. "Saang lupalop ba lumilipad 'yang utak mo at spacing out ka?" tanong niya.
Kumunot naman ang noo ko at inisip ang sinasabi niya.
"Anong iniisip mo riyan?"
"Iniisip ko kung lumilipad ba ang utak?" tanong ko na kinairap niya.
Napasapo niya na lang ang noo niya at si Jayden naman ay walang sawa na tawa nang tawa na parang wala ng bukas.
"Hindi ko alam kung tanga o slow ka, Sabrina. Ewan ko sa 'yo!" sigaw niya at saka naglakad papalayo sa amin.
"Hoy, suyuin mo 'yon." utos ko kay Jayden kaya napahinto naman siya sa pagtawa.
"Oh, bakit ako?"
"Kasi hindi ako at hindi 'yong kapitbahay? Sige na, aalis na ako. Bye." sabi ko sa kaniya at saka tumakbo na.
Nagugutom lang talaga ako at gusto ko lang pumunta ng Cafeteria kaya tinakbuhan ko silang dalawa.
"Ate, isang snacks nga dyan." sabi ko sa nagtitinda at saka umalis na doon.
Pumunta ako sa may garden at doon umupo. Freshing air and peace place. Dito ako madalas magbasa ng libro. And oh! Nakabili na ako ng isang libro sa book store.
"You have a good voice." tumingin ako sa nagsalitang 'yon. It was Kios. Tss, kung pwedeng humiling na sana si Xace na lang.
Demanding ka, self.
"Bakit nandito ka? Stalker ka 'no?"
He smirked. "Asa ka pa. Nandito ako kasi wala ako doon? At saka malay ko bang nandito ka. It was a coincidence, Maid." sabi niya pa.
"Puwede bang tawagin mo ako by my first name basis instead of Maid? Baka kasi may makarinig sa 'yo." irap ko sa kaniya.
"Okay, Panget."
"What?! Anong panget ka diyan?!"
"W-wait, what, why? You said that I will call you by your first name basis, right?"
"Yes, and it was Sabrina! Sabrina, okay?"
"Oww, I thought it was Panget." nakangiting sabi niya habang nang-aasar pa. He always tease me for no reason!
"Lumayas ka na nga dito. Baka ma-issue pa ako. At saka, bakit ka lumabas? Nasaan ang dalawa? Usual, hindi ba nandoon kayo sa PR niyo?" tanong ko.
"Boring. Nagsasawa na ako sa pagmu-mukha ng dalawa kong kapatid," sabi niya na ikinatawa ko. "What if I transfer to your section? As far I know, there's have a lot of beautiful girls there." ani niya.
Inirapan ko naman siya. "Tss. Lilipat ka dahil lang sa boring ka? Ang saya kaya ng life niyo sa PR. Nagbabasa kayo nang tahimik lang hindi gaya sa room, napaka-ingay ng mga kaklase ko."
"That was good! Gusto ko nang maingay. Like bar." sabi niya pa at saka ngumisi. Manyak talaga 'to.
"Nandito ka ba para humanap ng babae?"
"No. Hindi ako ang naghahanap sa kanila kasi sila ang naghahanap sa akin."
"Ang yabang mo!"
"Guwapo naman!"
"Mas gwapo si Xac—" tinakpan ko ang bibig ko dahil sa muntik na akong madulas. Pero dahil masyadong mabilis maka-pick mind 'tong si Kios, nakangisi na siya sa akin.
"Tell me, do you have a crush on Xace?"
"No!"
He laugh a bit. "You're so defensive." sabi niya pa at para hindi na mauwi sa asaran, umalis na ako doon.
Pakshettt! Masama bang magkagusto kay Xace?
Hindi ko alam pero unang pasok ko sa University na ito kahit wala akong pake sa kasikatan nila, si Xace talaga ang unang nakapukaw ng atensyon ko. Ewan pero kasi napaka inosente niyang tignan?
The day na mabangga ko si Lethal, nawala 'yong interest ko kay Xace kasi parang yumabang sila sa paningin ko. Pero noong simula na maging Maid ako sa kanila, siya ang may pinaka-unang positive na aura na hindi nakikita dito sa University. Walang expression ang mukha nila dito sa University pero sa mansion, doon mo makikita ang tunay na sila. Unlike kay Lethal, masungit talaga sila and aside from Kios na malandi talaga.
"Hey, Sabrina. "
"Ay, Sabrina!" nagulat ako sa pagsulpot ng babaitang si Fiona.
"I saw you kanina." pinanlinsikan niya ako ng mata.
"It's normal, because you have two eyes, Fiona." pang-aasar ko.
"With Kios." sabi niya pa kaya medyo matahimik ako at the same time, kabado. Gaga 'to, napaka-chismosa.
"Then?"
"What is your relationship with him?" she asked and staring at me deeply.
"Why did you need to know? I am reading that time and he came pass by." sagot ko.
"I don't believe in you." sabi niya pa.
"Edi, don't! Nasagot ko na ang tanong mo, so if you don't mind, can you get out?"
"I would like you to know that if ever na may malaman ako, mayayari ka sa akin. You know how much students love the Peterson Brothers. So, hindi lang isa, baka buong angkan ang makakaharap mo."
Ano bang katangahan ang sinasabi nito? Maid lang naman ako ah, pati ba naman 'yon ini-issue? Pero hindi pa rin nila dapat malaman 'yon, malaking issue nga.
Hindi na ako nagsalita at aalis na sana ako nang pigilan niya ako.
"Teka, hindi puwede ang maganda ang maiwan. Ako ang mauuna." sabi niya pa at saka nilagpasan ako.
Aba, assumera rin ito.
BINABASA MO ANG
Living With Peterson Brothers
Teen FictionSabrina Silveste's grew up poor. Her Father and Mother could no longer work due to old age. That's why she thought of becoming a working student so as not to be evicted from where they live. And then, she saw an opportunity. The opportunity to live...