Chapter 24

768 87 5
                                    

Chapter 24

I opened my eyes while my head is aching. Uhh, nasaan ba ako?

"Sab!" napatingin ako sa malakas na boses na 'yon. Napangiti ako nang makita ko si Althea at Jayden.

"Sab, ayos kana ba? Anong nangyari? Bakit ka nila sinu---Aray! Nagtatanong lang naman!"

"Napakaingay mo kasi! Alam mo namang kakagising pa lang." inis na sabi ni althea kaya napa-pout naman si Jayden.

"Oh, kamusta kana? Anong nagyari sa 'yo? Ba--- Aray! Ano ba Jayden?!"

"Akala ko ba bawal magtanong?!" nakapamewang nitong sabi dahilan para matawa ako.

Mga baliw talaga.

"Sira kayong dalawa! Ayos na ako 'no. Baka si Sabrina 'to." pagkumbinsi ko sa kanila.

Kwinento ko sa kanila ang totoong nangyari at mali ang nakita nila sa CCTV.

"Darn! Siguro si Fiona ang may gawa no'n!" sisi ni Althea.

Hinawakan ko ang balikat niya,"Pssh, stop blaming. We don't have an evidence." sagot ko.

Pero putek, ang sakit niya manipa! Yari sa akin 'yon. Buti hindi ko ginantihan ng multi-kick 'yong mukha no'n.

"Iba rin pag naci-clinic 'no? Nage-english." pang-aasar ni jayden kaya inirapan ko naman siya.

"Ay oo nga pala, ackk! You can't believe this, Sab but damn! Believe!" tili ni Althea kaya napakunot naman ang noo ko. "Alam mo bang binuhat ka ni Kios doon sa mga umapi sa 'yo? Alam mo bang nagalit si Kios sa mga taong 'yon? Alam mo bang nag-warning siya sa mga estudyante na kung sino ang mananakit sa kapwa estudyante ay maki-kick? Ackk! Ang ganda mo, Sab! As far I know, walang pakialam si Kios sa mga estudyante kahit magpatayan pa silang lahat. Pero ngayon, what happened?" curious niyang tanong kaya napa kibit-balikat ako.

Totoo ba 'yon? At anong nakain ng lalaking 'yon, para gumawa nang eksena na ganoon?

"Sab, eto sasabihin ko a---"

"Epal ka, Unggoy?"

"Eepal sa buhay m--- oo eto na nga, titigil na!"

Tss. Parang mga aso at pusa.

"Back to topic. Tumahimik ka Unggoy at susungalngalin kita," sabi niya at lumapit sa akin. "Hindi natin maikakaila na magkagusto silang tatlo sa 'yo, Sab. Why? Ang ganda mo kaya. Maganda, matalino, magaling kumanta, magaling sumayaw at higit sa lahat ay magaling mag-alaga. You're a kind of girlfriend material kaya sinasabi ko pa lang sa 'yo ngayon, if ever na mag-away sila sa 'yo, boboto na ako na si Kios ang mas bagay sa 'yo."

"Team Xace ako." Sabat ni Jayden.

"Si Kios nga!"

"Ano bang sinasabi mo? Si Kios? Hell no! Babaero 'yon 'no at wala pa 'yong sinerseryoso. Manahimik ka nga!" inis na sabi ko dito.

"Defensive." bulong niya kaya napairap ako.

Matapos naming mag-kwento nang kung ano-ano, natigil kami ng may pumasok na walang ekspresyon ang mukha.

Si Lethal.

"Sab, una muna kami ah?" paalam nila kaya tumango ako.

Pagkaalis nila, umupo si Lethal sa unahan ko at nilapag ang lugaw na binili niya.

Subuan mo ako. Charot.

"Eat this and after that, you can rest. Bukas kana pumasok." sabi niya kaya napatango naman ako.

Bago pa siya umalis, tinawag ko muna siya.

"S-sir lethal?" lumingon siya. "Totoo ba 'yong ginawa ni Kios?" tanong ko.

Living With Peterson BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon