Chapter 05

988 112 24
                                    

Chapter 05

Hindi ko alam kung saan napadpad 'tong panga ko at halos malaglag na sa sobrang pagkagulat. Namumula na rin ako at hindi ko maiwasang hindi mahiya sa katayuan ko ngayon.

'Y-yong t-tatlo...Naka topless!

"Who the hell are you?" nawala ang pagkapula ng mukha ko nang bigla niya akong tanungin.

Hindi ko alam kung tanga o bobo ba 'tong si Lethal para tanungin ako. Hindi ba siya ang nagsabi na pumunta ako dito kasi hired na ako? Bwisit.

"You are?" nakataas na kilay ni Kios habang sinusuri ako. "Ah! I knew it! You are the stupid girl na natapunan ng kape si Lethal, right?" he asked which made me shocked. Ang kapal! Hindi ko naman sinasadya 'yon 'no!

"Correction, 'aksidente'." pagtatama ko na ikinatawa niya.

"Then, why are you here?" tanong niya na lalong kinainis ko. Dalawa talaga sila ni Lethal na may saltik sa utak. "Ah! I knew it again! You're here because of yesterday?" tanong niya pa. Sakit ng ulo ko sa isang 'to. Parang gusto ko siyang suksukan ng papel sa bunganga.

"Ikaw nga ang magiging Maid ng tatlo?" tanong ni Señorita. Tumango naman ako kaya napangiti siya. "Mabuti naman. I felt comfortable with you." nakangiting sabi niya. Napangiti rin naman ako.

"How can you feel comfortable with this girl so fast? You didn't even know her." Lethal said while keep staring at me. Sama ng ugali. Minus ten ka sana sa langit.

"Hay naku, ang mabuti pa ay magbihis muna kayo at nakakahiya sa bagong magiging Maid niyo!" singhal nito sa tatlo. Wala silang magawa at umakyat sa kani-kanilang kwarto.

"Pagpasensyahan mo na 'yang si Kios at Lethal, ha? Hayaan mo, puwede mo silang isumbong sa akin kapag may hindi ka nagustuhan sa kanila." nakangiting saad niya. Tumango naman ako.

Parang ngayon pa lang, gusto ko ng umatras sa kaso na 'to. Pero hindi puwede. Sayang ang opportunity na 'to. Fifthy thousand pesos 'yon, Sabrina. Saan nga ako makakahanap ng ganoong kalaking suweldo habang nag-aaral pa ako 'di ba? Hayaan na, malalagpasan ko rin 'to. Laban kahit hindi pinaglaban, Sab.






"Damn it!" nagising ako sa reyalidad nang may biglang sumigaw sa harapan ko. Oo nga pala, ini-interview nila akong tatlo.

"S-sorry..."

"Are you out of this world?"

"Sa Mars?"

"Darn!" again, nagulat nanaman ako. Nagbibiro lang naman!

"Kuya, calm down."

"Talk her. I am losing my patience!" he hissed and walked away. Ganoon 'yon? Isa palang 'yong tanong wala na agad 'yong pasensya?

"Kuya Kios, go uptairs too. I can handle this." sabi ni Xace habang pinapaakyat si Kios sa taas.

"Alright, lil bro. I'll go uptairs and going to watch some nud—I mean, movie." Sabi niya at kumindat pa sa akin.

Napailing-iling na lang ako at humarap sa kasama ko. It was Xace. Napaka-inosente ng mukha niya kaya hindi mo masasabing isa siya sa kasing sama ng ugali ng mga kuya niya. Hindi naman sa sobrang sama pero 'yong attitude lang nila na hindi mo magugustuhan. Anyway, back to interview na.

Akala ko ba kasi walang interview? Hays.

"Sorry about their attitudes. But I swear, they are kind," nakangiti sabi niya. Naniniwala ako sa salita niya pero sa kilos ng dalawa, ewan ko na lang. "Do you really want to apply being Maid of us, Sabrina?" after I heard my name coming from his voice, I gulped hardly.

Living With Peterson BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon