[27]

17.4K 361 119
                                    

Chapter 27

I still couldn't believe that I witnessed that scene, earlier.

Parang ang saya ko lang kanina, nung agad itong bawiin. Sumama ako kay Troy, para malaman ang totoo. Alam niya, matagal na niyang alam na may karelasyon si Daddy na iba, at alam niyang Mama niya yon? Hindi man lang niya sinabi, maski sa akin!

My mind is still trying to fix the pieces together. Naguguluhan na ang utak ko, nag-iisip kung paano nangyari ang lahat ng 'to.

Troy is Criselda's child with Tito Aurelius, that's why... kapatid siya nina Prince. Pero, ang alam ni Tito Lazarus ay anak niya si Troy. And then, Tita Criselda has an affair with my father, for a very long time now.

Hindi kaya anak ni Daddy si Cairus? Although, that's impossible. Cairus' eyes are blue and he got it from Tito, definitely.

Ang gulo... and it's all because of that bitch Criselda! Nanay siya nina Cairus, pero galit na galit ako sa kanya! She's such a shit of a person. Sino ba naman ang matinong babae na iiwan ang asawa at mga anak, para sumama sa isang pamilyadong tao? She didn't just ruin our family, but she ruined hers too. At makapal pa ang mukha niyang iwan si Tito!

Bakit may mga taong katulad niya? Bakit may mga taong kayang sumira ng pamilya ng iba para sa sarili nila? I just don't freaking get it! Akala ko ba mahal ni Daddy si Mommy? Bakit niya sisirain ang pagsasama nila para sa iba? Is he that lustful for her that he found another one to sate his pleasures?

I just know that I won't ever forgive him for what he did. He ruined our perfect family, he ruined his image to me. At kahit lumuhod pa siya sa harap namin, hinding-hindi ko siya tatanggapin.

Troy stayed silent the whole ride, hindi ko alam kung saan kami pupunta. I just know that it's somewhere far away. 

"We didn't have to go somewhere else to talk. Pwede namang sa malapit lang..." sabi ko.

He glanced at me and shook his head.

"I need to clear up my head," he told me.

I scoffed. "Kailangan kasama pa ako? Look, I came with you, because—"

Tinaas niya ang kamay.

"Enough, sinesermonan na naman ako." inis niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita. He must be going through a tough time. Kailangan ko nalang intindihin at alam ko naman kung bakit.

We drove over to a diner, wala gaanong tao rito. I sat at the chairs inside. Mukhang wala nga gaanong napunta dito lalo na sa oras na ito. 

Sinandal ko ang sarili sa gilid, kinakagat ang labi habang iniisip ang pangyayari. He begged ne not to tell anyone, pero ano magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng hayaan na lokohin ng magaling kong ama ang Mommy ko!

"What do you want to eat?" he asked, lifelessly.

"Wala akong gana..." After everything I saw? All I ever felt is disgust for my father and pity for my mother.

He sighed. "Just get anything. Ako na ang bahala."

Tumango nalang ako. 

I felt like crying, but I couldn't. I shouldn't. Ayoko magsayang ng luha dahil lang sa sitwasyon na ito.

"I ordered Quesadillas. Is that fine with you?" tanong niya at umupo sa kabilang kama.

I nodded. Pagod na ako, ang daming gumugulo sa isip ko. I just want a rest from everything.

Sumandal rin siya sa kama at bumuntong-hininga.

"I'm sorry," he started.

Tumingin ako sa kanya.

Rule #3: Changing The RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon