Chapter 26
The game ended with Brierwell winning again as expected. Maaga akong umuwi dahil kailangan kami para bukas. We are confident that we will win tomorrow's game. Lalo pa at hawak namin ang champions, sa ilang taon na nag-aaral ako sa Brierwell.
Hindi ako naniniwalang ako ang pinakamagaling, because I know that every one in my team is good. I'm just doing my part of the play just like how we trained. Dinagdagan ko lang ng konting style ko, a simple strategy in mind so we'd win even more.
Maaga ako gumising at hinanda ang sarili. We'll be having our game in Monarch, they're our first match and I'm determined to win.
Nahuli ng mga mata ko si Prince sa side ng bleachers namin. He got front seats, kasama niya sina Arrow, Camden, and a guy that I'm not familiar with. Basta alam ko, Lhuillier ang last name niya.
Prince was smiling from ear to ear. His eyes looked focused on me, waving. Nakangisi ang mga kasama niya, siniko nila si Prince at pinagtawanan. He frowned at them, I couldn't hear the other words they said.
"Gallego!"
Lumingon ako at napaawang ang labi kay Frost. He was a common friend of me and Beau. Nakilala ko siya noong kami pa ni Beau noon, kaya marami na rin akong kakilala sa Monarch.
"Frosty the snowman!" I chuckled, because it's how I used to call him back then. Niyakap niya ako, pero agad rin akong bumitaw. I remember that Prince is watching us from the bleachers. Baka topakin na naman yun at magselos.
"How are you?" ngisi niya sa akin.
He still had the same blue eyes and messy brown hair. Iconic style niya na ata iyon, kung sa iba siguro hindi uubra. Pero sa kanya, bagay na bagay ang ganitong ayos.
"I'm fine! Manonood ka?"
He nodded. Saglit akong lumingon kay Prince, lagi nalang ako nag-aalala tuwing may kasamang lalaki. What he thinks is very important to me, kaya ako na rin ang nag-aadjust tuwing inaatake na naman siya ng init ng ulo niya.
"Good luck, kinakamusta ka sa akin ni Beau, ah?" he chuckled.
Ngumuso ako. Hanggang ngayon, tinutukso niya pa rin ako sa kanya.
"We talk, tss... hindi mo ako maloloko."
Humalakhak siya at kumaway na sa akin. He went to the Monarch side. Oo nga pala at taga roon siya. But why is he suddenly interested in watching the game? Nakakapagtaka naman, ang alam ko he was never a fan of sports.
I stretched a bit before the match started. Kinausap ko rin ang teammates ko para ma-brief sila sa gagawin ngayon. I plan to finish this in two sets. Kayang-kaya naman lalo pa at magagaling rin ang recruits na nakuha namin this year.
Sa bandang kanan ang pwesto ko, hinanda ko ang sarili sa pagserve ng kabila. I just want to snag the champions easily, lalo pa at huling taon ko na 'to. I'm not sure when I could play Volleyball again, but I'll enjoy it until it lasts.
"Gallego, number 6 does a spike!"
Malakas ang kalaban, hindi namin inaasahan na mangyayari iyon. Brierwell has always been the champions of Volleyball. Sa high school division lang naman sila nagiging pangalawa dahil mas magaling ang St. Maria's.
The game ended with our win, but ended up with three matches. We barely won the third one which made me feel sad. Responsibilidad ko yon bilang captain, but our play wasn't as perfect as we did in training.
"Ano ba yan, akala ko ba kaya niyo na ng two sets? Bakit sumasablay pa ata kayo kanina?!" inis na sabi ni Gersha.
"Gersha, wag ka na magreklamo. Panalo naman e..." ani Patty at nailing sa kanya.

BINABASA MO ANG
Rule #3: Changing The Rules
RomansaRule #3: Do what it takes to rule the game. Everyone sees Elisse Amelia Gallego as the perfect and beautiful princess of the Gallego family. Mula sa kilos, itsura at ang pamilyang kinabibilangan, iisipin mong wala na siyang kailangang iba. She could...