[32]

22.9K 449 335
                                        

Chapter 32

My hands felt cold all of a sudden, hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako nito. Kaya nga, hindi ko rin pinapalabas si Ardie dahil alam kong marami ng banta sa amin. And now they are slowly getting closer to us. Alam kong posibleng pati ang mansyon ay matunton na rin nila.

"Why are you receiving these threats?" kalmadong tanong ni Prince.

I didn't fear for my life when I read it. I feared for the life of my child. Hindi ko alam kung kailan sila lalaban pabalik sa amin, ngayon palang ay kinakabahan na ako.

Going back here was really a grave mistake, and it's all because I am Adrian Gallego's daughter. Sadyang malas ko lang at ako pa ang naging anak ng isang tulad niya.

"Elisse, answer me," he held my hand to calm me down. Nilagay niya ang isa sa pisngi ko para iharap ko sa kanya. I could feel the fear in my system. Si Ardie... tanging siya lang talaga ang inaalala ko pati na rin sina Mommy at Kuya.

"K-Kailangan ko ng umuwi," sabi ko at kinuha ang mga libro.

Prince looked worried. Hinawakan niya ang kamay ko at hindi binitawan iyon.

"I'll take you home." mariin niyang sabi.

Umiling ako.

"I can go home, Prince. Ayos lang 'yan, hindi naman seryoso 'to. It's probably a childish prank..." Aalis na ako nung hilahin niya pa palapit sa kanya.

"Do you seriously think I'll let you go home by yourself, after seeing this?" sabi niya at nilabas ang cellphone. Mahigpit ang hawak niya sa akin, wala na akong magawa kundi ang manatili rito.

"Reed, where are you? I have a job for you." Tumingin ako sa kanya. Kunot ang noo nito at seryosong-seryoso na ngayon. Nagtama ang tingin namin, tinuloy niya ang pakikipagusap sa cellphone.

"I'll send you something. For now, ask someone to guard the mansion and the whole area. Alright, thanks..." he ended the call and looked at me. Kinuha niya ang libro sa kabilang kamay ko. Parang wala lang sa kanya ang bigat non.

"I'll take you home," he said.

Nanlaki ang mata ko at umiling.

"I said, I can go home!" giit ko.

"Ayoko, gusto kong iuwi kita. This is a serious matter, Elisse. Death threats are dangerous. Seryoso man o hindi ang nagpadala niyan, it's better to be careful." Hinila niya ang isang kamay ko patungo sa isang malapit na kotse.

We stopped at his black Aston Martin. Bukod tangi iyon sa mga ibang sasakyan na narito. It shined among the rest of the other cars, napapatingin ang ibang napapadaan. Kuya loves to collect this kind of cars too, pero eto na siguro ang pinakamahal sa lahat ng nakita ko.

Pinasok niya ang mga libro ko bago ako pinagbuksan ng pinto. He waited for me to come in, ayokong ihatid niya ako dahil nasa bahay si Ardie!

"Get in," he ordered.

Humalukipkip ako at nailing.

"Prince, I'm not coming with you," sabi ko.

"I'm not asking you, I'm ordering you." sagot niya at hinila ang braso ko para papasukin na roon.

"Wait! May bibilhin pa ako!" sigaw ko sa kanya.

He sighed, letting go of my arm.

"What is it?"

Inayos ko ang sarili at matapang na humarap sa kanya. Hmm... what if I let him pay for all of that?

Rule #3: Changing The RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon