[34]

21.1K 391 118
                                        

Chapter 34

"Doc! May nagpapabigay po sa inyo!"

I looked back at the one who called me and approached her. Ngiting-ngiti siya na akala mo ay nakakita ng napakagwapong lalaki. Kinikilig pa, bago naglabas ng bouquet.

"What's this?" I raised a brow.

"May nagpapabigay po..." she told me.

Tiningnan ko ang tag at napailing nalang sa nakita.

Hi, Dr. Gallego. Have a nice day.

I love you.

- Prince

He's too persistent! Ilang araw na siyang nagpapadala ng bulaklak dito, lagi ko namang tinatapon dahil wala akong pakialam at ayaw ko ring tanggapin.

"Can you tell the guards to not let him in?" I asked the receptionist.

"Huh? Hindi po pwede yun, doc. Pamilya po ni Atty. Asuncion ang may-ari ng hospital..."

Oh yeah! How can I forget? Oo nga pala at dito sa St. Bartholomew's ang pagmamay-ari nilang mga Montereal.

"Fine, but if he leaves another one of these, pakitapon nalang sa basurahan," I said and grabbed the bouquet to throw it on a nearby trashcan.

Naglakad na ako paalis. It was after our duty when I saw him again, waiting for me in the parking. May hawak siyang bulaklak na kulay blue naman ang papel ngayon. I sighed heavily, nilagpasan ko siya at hindi pinansin.

"I knew you would throw it away..." sarkastiko siyang tumawa.

I looked at him coldly. Nagkunwari akong di ko siya nakita at sumunod ito sa akin na parang aso.

"Don't you have any cases to handle?" I asked, searching for my car.

"Done with it, already..." he said.

Nilingon ko siya at inignora ulit. Everyday, he's pestering me like a fly. Laging nakadikit, laging nanggugulo. Nakakasawa na ang makita ang mukha niya, araw-araw!

"Instead of spending your money on bouquets and gifts everyday, why don't you save that money for your future family, huh?" singhal ko sa kanya.

"Sayo ko rin naman ibibigay ang pera at sweldo ko..." he replied with a smirk.

Napapikit ako ng mariin. Binalik ko ang tingin sa kanya, bago may nakitang trashcan sa malapit. I grabbed the bouquet in his hands and threw it right there.

"Stop following me around!" inis kong sabi at nagpatuloy na sa paghahanap ng kotse ko.

I saw a look of pain in his eyes. Bumuntong-hininga siya at binalikan ang bulaklak na tinapon ko. Pinulot niya iyon at tinititigan.

It made me stop walking, parang bigla akong nakaramdam ng sakit dahil sa nakita. Pinagpagan niya iyon at naglakad na palayo.

Pinanood ko siyang umalis. Napunta ang tingin ko sa nalaglag na tag sa sahig. He probably didn't notice it so I came and picked it up.

Good evening, Dr. Gallego ko. Mahal na mahal kita, did you have a good day today? Wanna go on a dinner tonight? My treat.

- Prince

Ilang mura ang pinakawalan ko sa isip. Nakakainis, bakit nagluluha ang mata ko nung makita siyang ganon? Why do I still have that weak spot for him after what he did to me?

Hindi ko na napigilan ang sariling puntahan siya. Mabuti nalang at hindi pa siya nakakaalis. Hinampas ko ang bintana niya, tumigil ang sasakyan at bumukas naman ito. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

Rule #3: Changing The RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon