Chapter 28
I tried to act normally to avoid any suspicions.
Hindi ko na nagagawang umuwi ng mansyon dahil ayokong makita si Daddy. He broke my trust and Mommy's. Hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya at umaktong ayos lang ang lahat kaya ako nalang umiiwas.
Daddy's birthday is approaching. Wala akong pakialam at wala rin ako balak pumunta. I'll just pretend to be sick. Bahala na sila doon.
The months passed by, and I focused myself on studying. I am close to graduating and I want to focus on that. Para sa sarili ko naman yun, not for anyone else.
"Elisse, bebe!"
Umirap ako ng pabiro at pinigilan ang pagngisi. Naglalakad lang ako malapit sa may library nung yakapin ako ng boyfriend ko.
"Cringe!" I laughed.
Tiningnan kami ng iilang tao dahil sa pagtawag niya. It's just so weird for him to say that word! Hindi lang siguro ako sanay dahil madalas I love you talaga ang gamit namin.
"Draven, gutom na ako. Ano ba? Kakain ba tayo o hindi?" sumingit ang pinsan niyang si Ryekin. He smiled at me and waved. He's been Prince's closest cousin since he met him. Kapatid siya ni Nadine, recently lang niya nalaman ang tungkol doon. He started studying in Brierwell last year. Ngayo'y nasa second year na siya, dahil tumigil siya ng ilang taon.
"Quit being hungry, Rye. I paid for your food earlier!" sabi ni Prince.
Ryekin held his tummy. Natatawa ako. Ang cute niya kasi minsan parang bata, minsan naman napakaseryoso. But when it comes to food, he'll be ready to launch war. Pag hindi mo daw pinakain, nagiging halimaw daw siya sabi ni Prince. Pag inagawan mo, doon raw kayo magkakagalit.
"Eto, may sandwich ako..." binigay ko sa kanya ang ginawa kong tuna sandwich kanina.
His eyes lit up and accepted my sandwich. Napailing si Prince habang nakatingin kaming dalawa kay Ryekin.
"Thank you, Emma!" he said, before munching on my tuna sandwich. Lumapit ako sa kanya at kinurot ang pisngi nito. His forehead creased while eating.
"Your welcome, Rye-Rye! Ang cute mo!" pinangigilan ko pa siya lalo.
"Ewaa naman, ang sakit!" Ryekin rubbed his face cutely. Ang cute talaga! Hindi mo aakalaing magkasing edad lang kami!
Prince kicked his foot while glaring at him. Napa-aray ito at muntikan pang mabilaukan.
"Gago, Draven!" sinamaan niya ng tingin ang pinsan. "Puta, abuso talaga ako sa dalawang 'to!"
"Baby, you're mean," ngumuso ako kay Prince.
Inakbayan niya ako habang nagrereklamo sa amin si Ryekin. Lumalabas na naman ang pagkaseloso niya. Sadya namang cute si Ryekin! May pagkamataba ang pisngi dahil siguro kain ng kain. Gwapo at matangkad rin, tapos may pagkamoreno pa.
Iba-iba talaga ang mga Montereal. But all of them has extremely good looks. Lahat sila'y malakas ang dating, mapapalingon ka nalang at mapapatitig.
"Holdap 'to, miss." bulong ni Prince sa akin nung tutukan ang tagiliran ko ng kamay niya. He pulled on my bag. "Akin na bag mo."
I rolled my eyes.
"Wala po akong pera," I played along with his antics.
Natatawa na siya sa sarili niya. Kinuha niya ang bag sa akin at sinukbit ito. Damn, he still looks so manly despite its design!
"Sarili niyo nalang po, sapat na..." he wiggled his brows and kissed me hardly in the cheeks.
"Fuck, I really chose the wrong cousin to be close with, huh?" Naubos na agad ni Ryekin ang sandwich at tinapon ang plastic non. He smiled at me. "Di bale, ililibre mo naman ako, Emma diba?"

BINABASA MO ANG
Rule #3: Changing The Rules
RomanceRule #3: Do what it takes to rule the game. Everyone sees Elisse Amelia Gallego as the perfect and beautiful princess of the Gallego family. Mula sa kilos, itsura at ang pamilyang kinabibilangan, iisipin mong wala na siyang kailangang iba. She could...