Chapter 39
Pilit kong kinakalimutan ang nangyari noon. It was a rough past, but I survived it all by myself and was able to raise my son well.
Right now, I'm just happy with myself and Ardie. I don't need anyone else since I can provide well enough for my son. Maski ang ilayo ang Tatay niyang halos glue na kung makadikit sa akin.
I was on my duty when I received something from the receptionist. Saglit lang akong napadaan doon nung tawagin niya ako.
"Doc! Flowers for today po, ulit!"
I groaned mentally. Kinuha ko iyon at tiningnan. Hindi na ako nagtataka dahil halos araw-araw talaga siyang may bulaklak para sa akin.
Seriously? Wala ba siyang balak mag-iba ng regalo? I could appreciate it better if it's food. Alangan kainin ko ang mga bulaklak na ito diba?
At saka, magugustuhan ng anak niya kung magbibigay siya ng mga pagkain. Ardie is a heavy eater. Pero kahit anong kain niya, hindi siya tumataba o nagiging gaanong chubby.
I read the tag attached to the flowers.
Doc, date tayo mamayang gabi sa condo.
- Atty. Prince Asuncion
Wow! He even changed his name sign, huh?
"Ah, isa pa po, doc!" pahabol nung receptionist at nag-abot ng isang paper bag.
Your favorite food. Eat well.
- Atty. Prince Asuncion
Napakagat ako sa labi nung makita iyon. Damn. He's stepping up his game, huh? Ngayon may pakain na siya. My attorney is doing well, I guess?
"Ay, may dalawa rin po palang dumating kanina. Galing po sa mga pasyente..." inabot niya rin ang dalawa pang bouquet. Ang isa ay may mga tsokolate pa.
Kumunot ang noo ko. Another one? Again?
"Wow? Lakas ng pinsan ko. Daming admirers," Kale grabbed one and read the tags.
Umirap ako. Itong dalawa lang naman ang may pakialam ako. Balewala na sa akin ang iba.
"I look at you and I see rest of my life in front of my eyes by Unknown," binasa niya ang nakasulat doon bago natawa. "Damn! I think I read this in the internet. Si Mr. Ramirez ang nagbigay nito? Aba, may asawa yun, ah?"
"Itapon mo na nga!" inis kong sabi. What the hell? May asawa naman pala, baka mapagkamalan pa akong kabit! Hell no!
Kinuha ni Kale ang mga chocolates bago tinapon ang bouquet kasama ang tag.
"Akin na 'to, ha?" he giggled. Tumingin siya sa mga nurse at receptionist na nakatitig sa kanya. "You guys want some too?"
Namula ang mga mukha nung mga iyon. I rolled my eyes. Ganon ba kagwapo ang pinsan ko para titigan nila?
"Ikaw nalang po, doc," hirit nung isa. The other nurse nudged her.
Nanlaki ang mata ni Kale na natatawa.
"Huy, may girlfriend 'yang si Doc! Si Dra. Dela Fuentes!" saway nito roon.
"Ha? Meron ba?" rinig kong bulong nung isang nurse. Tumingin siya kay Kale at napapikit. "Hala, sorry po doc!"
"It's fine..." Kale chuckled. "You didn't genuinely know anyway."
Nahiya 'yung nurse. Umiling nalang ako at kinuha ang bigay sa akin ni Prince. Binigay ko na rin ang ibang mga bulaklak sa kanila.

BINABASA MO ANG
Rule #3: Changing The Rules
RomantikRule #3: Do what it takes to rule the game. Everyone sees Elisse Amelia Gallego as the perfect and beautiful princess of the Gallego family. Mula sa kilos, itsura at ang pamilyang kinabibilangan, iisipin mong wala na siyang kailangang iba. She could...