[29]

23.4K 474 431
                                        

Chapter 29

Umuwi akong iniisip ang mga salitang sinabi sa akin ni Prince. It felt painful and hard to have that conversation. Hindi ko aakalaing darating ang araw na ganito, na kung kailan handa na siya para sa akin ay ako naman ang hindi at nagaalanganin.

I don't even know why. Dati naman ay siguradong-sigurado na ako sa kanya. Pero mula nung nakakausap ko si Troy ay may bumabagabag sa akin. Hindi ko alam, basta may nararamdaman akong kakaiba.

Itinulog ko nalang yun sa gabi. Binalik ko ang singsing na nilagay ni Prince sa kamay ko. He didn't say a word after that conversation. Hinalikan niya lang ako sa noo at umalis na agad.

"Elisse, where are you?!" boses ni Kuya ang bumungad sa akin pagsagot ko ng telepono.

My phone kept ringing early in the morning. Hindi pa ako nakakabangon ay nakailang missed calls na sa akin si Kuya. Halos umabot na sa ten ito kaya nagising na ako.

"Nasa condo lang... bakit, Kuya?" Kinusot ko ang mata at humikab.

He seemed panicked. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib. What is happening?

"Pumunta ka dito! Nasa hospital si Mommy!"

Nagising ako at agad na nagbihis. My heart pounded nervously. Bakit nasa hospital si Mommy? Anong nangyari?

"Kuya! Ano nangyari, bakit nandyan si Mommy!?" I had my phone on while driving. Nanginginig ang kamay ko sa takot.

"I'll tell you when you get here. Drive safely, Elisse! Wag kang magmadali, baka maaksidente ka pa!" sabi ni Kuya at pinatay ang tawag.

Binilisan ko ang takbo at nagmadali makapuntang hospital. I hope Mommy's fine, please...

Nakarating agad ako at tumakbo na patungo sa kwarto kung nasaan sila. Pagdating ko roon ay nakita ko si Tito Vance na nakasandal sa may gilid. Kuya was talking to him, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nasa labas lang sila ng kwarto at roon nag-uusap.

"Kuya!" tawag ko at niyakap siya. Nanginginig ang mga kamay ko sa takot. Hindi ko alam kung ayos lang ba si Mommy o hindi. "How's Mommy?"

"She's fine... she's resting inside." Kuya sighed and glanced at Tito Vance. "Tito found her, binisita niya kasi si Mommy sa bahay. Apparently, she fell down from the third floor. Kung hindi pa nakita ni Tito, baka naging malala ang lagay ni Mommy."

My eyes widened in shock. Tumingin ako kay Tito Vance. Paanong nalaglag si Mommy? She's usually careful! At saka, bakit parang ang bait ni Kuya kay Tito ngayon? He used to hate him!

"Tito, how did this happen?" I asked.

Tumingin si Tito kay Kuya. Parang may ayaw silang sabihin sa akin. Hindi ko alam kung ano nga ba iyon dahil parehas silang hindi tumitingin sa akin.

"She was already on the floor when I saw her. Kakapasok lang din ng Kuya mo, nung nakita namin siya..." Tito Vance looked away.

Kumunot ang noo ko. Something's not adding up. May nangyari ba sa bahay na hindi ko alam?

"Did Daddy do this?" diretsong tanong ko kay Kuya.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Kuya, hindi inaasahan ang tanong ko. Kumuyom ang kamao ko, pinipigilan ang galit na nararamdaman.

"Sagutin mo ako. Siya ba ang may gawa nito?" ulit ko sa tanong.

"Elisse, why would you say that?" namilog ang mata ni Kuya, halata ang gulat sa tanong ko.

I groaned. Pumasok ako sa kwarto ni Mommy at agad na niyakap siya. Nawala ang kaba at takot ko nung bumukas ang mata niya sa pagyakap ko. She smiled faintly, reaching out for me.

Rule #3: Changing The RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon