[6]

21.4K 558 187
                                        

I know it.

Now, I'm sure. I know it.

The way my heart pounds hard and reacts around him. I knew I was already into it. Nagugustuhan ko na siya, at lumalalim na rin 'tong nararamdaman ko.

I'm not usually like this. I get flustered around the guys I like, but when it comes to him... parang nablablanko utak ko. I couldn't understand. I couldn't process anything. Basta, ang alam ko lang gusto ko siya.

I happily prepared a whole water container since Kuya asked me to bring it today. Nagprepare na rin ako ng pagkain para sa kanilang lahat. Usually, whenever Kuya would tell me to do so, I would decline because I'm busy, pero ngayon, ginaganahan na ako.

"Kailangan mo ba talaga ako dalhin dito?" Lia asked, her eyes roaming around the place.

"I need an assistant, Lia." sabi ko. Dinala ko rin siya dito para may kasama ako. I didn't want to look like a fool by myself there!

"Kasama mo na ako nung nakaraan ah..." aniya at yumuko.

I giggled. "Yeah, but I need your assistance!"

She sighed and smiled. Yes, I know. I'm probably stupid for bringing her around, kahit alam kong gusto siya ni Prince. There's no harm in that. Malay ko ba kung infatuation lang nararamdaman niya kay Lia? Duwag naman yun pumorma, kaya wala rin siyang pag-asa.

If they end up liking each other... fine. Let them be. Wala akong pakialam. It'll probably sting a bit, but I'll get over it! Life doesn't end there. Hindi lang naman si Prince ang nag-iisang lalaki sa mundo.

"Yeah, I'm coming later, I—"

Nagkabanggaan kami nung lalaking papasok palang ng gym. His phone almost fell, but I quickly caught it. Kumunot ang noo niya at napatingin doon. Bakit ba kase hindi 'to tumitingin sa dinadaanan niya?

My eyes met with his blue ones. Pamilyar ang mga ito at parang nakita ko na noon. Saan ko nga ba nakita 'to?

"Here," I handed him the phone.

"Thanks." sagot niya lang at pumasok nasa loob. Parang ang suplado naman no'n... hindi man lang siya ngumiti kahit konti?

I shrugged it off and entered the gym as well.

"You're back! Akala ko, hindi ka na babalik?"

Inakbayan siya nung mga players. Binati rin kami nung iilang mga kasama sa training. Hinila ko si Lia sa bleachers at umupo doon para i-set up ang pinapagawa sa akin ni Kuya. Seriously, he's such an ass! Pasalamat siya, gusto ko pumunta dito dahil nandyan si Prince.

I thought I wouldn't get a chance to step a foot in this school after what happened. Ayaw na kase ni Kuya na pumupunta ako dito dahil baka makita pa ni Alex, thankfully he switched schools, kaya payapa na ang buhay nila dito sa Brierwell.

"Marchelli! Tagal mo bago nakabalik, ah? Nasabi mo na kay Coach?"

"I did," tipid na sagot nung Marchelli.

Marchelli? Hm? That name sounds familiar...

Dumapo ang tingin nung Marchelli sa akin at tumitig ng konti. Kumunot naman ang noo ko at hindi siya ginantihan ng tingin. What the hell? That was weird.

Parang pamilyar talaga 'yung mukha niya pero hindi ko masabi kung saan. Basta, ang alam ko lang blue eyes siya at may kaparehas iyon. I didn't know that there's a lot of mixed nationalities here in Brierwell? Akala ko mga Vallezes at Montereal lang ang pinakakakaiba ang itsura dito?

Their play resumed while I'm chatting with Lia. Nakalabas lang naman ang phone niya habang nagscroscroll down sa twitter. She keeps scrolling and giving me short answers. Minsan naiisip ko, paano ko ba naging best friend 'to? Ang tipid kase niya magsalita, habang ako sobrang daldal talaga.

Rule #3: Changing The RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon