Kabanata 2

432 19 11
                                    

Covered by Darkness
written by Marjshieee


Kabanata 2

ILANG ORAS ang nakalipas matapos ang pangyayari sa opisina ni James ay napag-desisyonan nilang pumunta nalang sa isang parke malapit sa opisina nito para mag-liwaliw kasama ang mga bata.

Nang makarating sila ay agad silang pumunta sa ilalim ng puno at nag-latag ng tela at inilapag ang mga pagkaing dala nila at nag-simulang kumain at mag-usap.

Sa taong nag-daan, ganito na ang palaging ginagawa ng mga mag-kakaibigan kapag gusto nilang mag-liwaliw o kaya mag-palipas ng oras. Sa tagpong ito, nagiging matatag ang kanilang pag-kakaibigan at mas lalo nilang nakikilala sa isa't isa. Kapag may problema ang isa, dadamayan ng lahat. Sa lahat ng bagay ay damay-damay sila. Sa ginhawa man o problema. Wala man ang isa, patuloy pa'rin ang buhay.

"Mommy, can i play with them? Promise i'll be carefull" ani Sammy, anak ni Shiella at Jacob

"Yes baby, you can. Wag kalang pumunta sa malayo okay?" ani Shiella.

"Yes mommy" ngumiti at tumago ito. "Okay, you can go now"

Sinundan nilang lahat ang tingin ng anak nila ng umalis ito at nakipag-laro.

"Ang cute talaga ng anak niyo, ate. Manang-mana saakin" biglang sabi ni Miracle.

"Tch. Saakin siya nag-mana, Miracle. Ninang ka lang, Tatay ako" sabat ni Jacob. Inirapan nalang ito ni Miracle.

"Ano naman ngayon? Para sabihin ko sayo, Kapatid ako, Asawa ka lang!" akmang mag-sasalita ulit si Jacob ngunit na-unahan ito ni Shiella.

"Ano ba kayo, tumigil nga kayo. Wala ni isa sainyo ang namana ng anak ko sa ka-cut'an. Saakin siya nag-mana. Period!" seryoso na natatawang wika ni Shiella. Umiling nalang silang lahat dahil sa sinabi ni Shiella. Nanay nga naman.

"Kayo, Sam at Jett? Wala ba kayong planong mag-kaanak. Tagal niyo ng mag-asawa, olats pa'rin kayo?" baling sa kanila ni Sheyna.

Nag-katinginan ang dalawang mag-asawa at ngumiti sa isa't isa bago humarap sa kanilang.

May kinuha muna si Sam at bag niya. Tinignan niya ang mga kaibigan niya at kinakabahang ibinigay sa kanila ang hawak niyang envelope. Kinuha ito ni Sheyna at nag-tatakang binuksan ito.

"Actually....i'm 4 months pregnant" ani Sam habang hindi alam kong ano ba ang tunay na nararamdaman niya sa oras na ito.

Gulat na gulat silang napatingin kila Sam at Jett. Pag-katapos ay dali-dali silang tumayo para pumunta sa bahagi ni Sheyna na ngayon ay naiiyak na habang tinitignan ang ultrasound.

"O..My..Baby! May baby na sila! OMG! OMG! OMG!" hindi na napigilang tumayo ni Sheyna at sumigaw ng sumigaw dahil sa tuwa. Mas masaya pa ata siya kaysa sa may ari.

"OMG! Buntis ang kaibigan namin! Haha! Ninang nanaman ako! YESSS!" sigaw ni Sheyna habang tumatalon dahil sa tuwa.

Habang ang apat naman ay tulalang naka-tingin sa ultrasound na nasa kamay ni Justine. Napangiti nalang si Shiella at nag-simula ng umiyak.

"Sabi ko na 'e! Buntis ka babaita! Kaya pala may iba akong napapansin sayo, buntis ka pala. Halika ka dito!" lumapit si Sam kay Shiella at yinakap ito.

"Congrats, Sam. Natupad na ang matagal mong pinapangarap. Masaya ako---kami para sayo. Congrats, ninang ako" emosyonal na wika ni Shiella. Nag-simula ng umiyak si Sam dahil sa tuwa.

Actually, lahat sila umiiyak. Sina James, Justine, Jacob, Jett at Sheyna. Hindi na napigilang umiyak. Tears of Joy nga kasi.

"Lumayo ka nga saakin, Jacob! May asawa ka tapos ako pa yayakapin mo! Kadiri ka, pare!" napatigil sila ng marinig ang sigaw ni Justine.

Covered by DarknessWhere stories live. Discover now