Covered by Darkness
written by MarjshieeeKabanata 10
MAAGANG nakarating si Sandra sa JS Majestic Clothing Company. Agad siyang nag-lakad papunta sa entrace at nag-lakad papunta sa guard para ipakita ang ID niya na patunay na siya ay nag-tratrabaho sa Companya.
Nang makita ng guard ang ID nito ay pinapasok na siya. Pumunta siya sa Lobby at tinanong kung saan ang opisina ng mga CEO. Itinuro naman ito ng isang empleyado. Agad na nag-tungo si Sandra sa ika-walong palapag gamit ang elevator dahil naroon ang opisina ng mga magkakaibigan.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya. Ngunit nabigla siya ng makasalubong niya si Shiella na tila galit, kasunod nito ang asawa niyang natataranta.
Kakausapin niya sana ito ngunit agad silang lumiko ng daan at hindi siya nito nakita. Nag-tataka man ay ipinagkibit-balikat nalang niya ito at nag-patuloy sa paglalakad.
Kumatok ng tatlong beses si Sandra sa pinto ng opisina nila bago pumasok. Nadatnan niya limang mag-kakaibigan na naka upo sa sofa. Malalim ang kanilang isip na hindi nila naramdaman ang presensya ni Sandra.
"Magandang Umaga?" patanong na wika ni Sandra.
Nabaling ang tingin ng magkakaibigan sa kaniya. Gulat na gulat silang naka-tingin sa kaniya.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ni James.
Umiling si Sandra. "Hindi naman. Kararating ko lang." sagot nito. "Andito ako para mag-trabaho. Paki sabi nalang 'yung mga gagawin ko sir para makapag-simula na ako."
"Nag-mamadali kaba?" takang tanong ni Sam.
"Medyo---actually oo." sagot niya.
"Bakit?"
"May nag-hihintay kasi saakin sa bahay. Mag-isa lang siya do'n at nag-aalala ako baka kung anong mangyari sa kaniya doon."
"Ahhh..."
"Kong ganon, huwag ka munang pumasok ngayon. Bukas nalang kasi may pupuntahan kami, umuwi ka muna at bumalik nalang bukas. Pangako bukas, makakapag-simula ka na ng trabaho mo." saad ni James.
Napa tingin ang mag-kakaibigan kay James. Nag-katinginan sila at tila nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.
"Diba?" padiing tanong ni James.
Pumitik si Jett. "Oo! Tama! May pupuntahan kami ngayon. Tama si James, bukas ka nalang mag-simulang mag-trabaho. Tsaka diba may nag-hihintay sayo sa bahay mo? Take this chance to be with that person, diba?" saad ni Jett. Napatango ang mag-kakaibigan bilang pagsang-ayon.
Kumunot ang noo ni Sandra. "Sigurado kayo?" tanong niya. Tumango naman silang lahat.
Napangiti nalang si Sandra at tumango. "Okay! Sabi niyo 'e. Sige aalis na ako. Babalik 'din ako bukas. Salamat."
Pero bago pa siya maka-alis ay tinawag siya ni James.
"Tara. Hatid na kita, i insist. Huwag ka ng tumanggi." saad niya bago pa makatanggi si Sandra.
Nag-kibit balikat nalang si Sandra at nag-simula ng mag-lakad kasama si James papaalis sa opisina.
"DITO NA."
Agad silang nakarating sa bahay ni Sandra. Maliwanag ang loob ng kaniyang bahay na tanda na naroon pa'rin si Nathan. Nakangiti siyang bumaba. Bumaba 'rin si James para samahan si Sandra.
"Sorry talaga sa nangyari kanina. May napag-usapan lang kami at kailangan muna naming umalis ngayon." simula ni James.
Bumaling sa kaniya si Sandra at ngumiti. "Okay lang. Actually masaya nga ako kasi masasamahan ko pa si Nathan dito. Sobra kasi akong nababahala na baka kong anong mangyari sa kaniya dito."
"Nathan? Sino siya?" tanong ni James.
Sasagot na sana si Sandra ng biglang bumukas ang pinto at ipinakita nito si Nathan.
"Sandra!" sigaw nito at agad na tumakbo para yakapin si Sandra. Napatawa si Sandra at gumanti ng yakap.
Kumawala si Nathan sa yakap at nag-tatakang tumingin kay Sandra.
"Ba't ang aga mo naman ata'ng bumalik? Ka-aalis mo lang kanina." tanong nito tsaka bumaling ang kaniyang tingin kay James.
"Sino siya, Sandra?" tanong ni Nathan.
"Ah. Nathan siya si James, boss ko. James si Nathan, bestfriend ko, actually childhood friend."
Napatango si Nathan at nag-lahad ng kamay kay James.
"Nathan. Nathan Scaffhod. Nice to meet you, sir." ngiting pakilala nito.
Ngumiti ng tipid si James at tinanggap ang kamay ni Nathan.
"James Staicer. Nice to meet you."
"Staicer? Uhh, are you the owner of JS Majestic Clothing Company?"
"Uhh, yes. Actually, one of the owner. We---eight friends owned it." paliwanag nito.
"Sa kanila ako nag-tratrabaho, Than." singit na saad ni Sandra. Napatingin sa kaniya si Nathan.
"Talaga? Wow."
Bumaling ng tingin si Sandra kay James na naka-kunot at noo.
"Sige James. Dito na ako. Salamat pala sa paghatid."
"Sige. Una na ako." huling wika ni James bago nag-lakad papaalis.
Bumaling ang tingin ni Sandra kay Nathan.
"Oh, paano ba 'yan. Naka-uwi ako ng maaga. Nasan welcome kiss ko?" ngising wika ni Sandra.
"Ito na po." natatawang sagot ni Nathan at hinalikan si Sandra sa labi ng ilang segundo bago nag-hiwalay at nag-akbayan bago nag-lakad papasok ng bahay.
Ang hindi nila alam, rinig at kita lahat ni James ang nangyari...
A/N: Yan na muna. See you again on next Wednesday with two chapters. Love alots♡☆
YOU ARE READING
Covered by Darkness
ActionForget the Past and Move Forward for the Future. [📚BOOK #2 OF GGA] 📚BOOK #2 Title: Covered by Darkness. ✒STARTED: February 4, 2021 📌Ended: _________ 📚BOOK #1 OF THIS STORY⬇️ [📚BOOK #1Titled: The General Gangster Academy] COMPLETED. 📣I recommen...