Covered by Darkness
written by MarjshieeeKabanata 3
ILANG araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa'rin nalilimutan ng pamilya Mendoza ang natanggap nilang sulat galing sa hindi kilalang tao.
Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa'rin nila kilala kung sino ang nag-padala.
"Kanino kaya 'to galing?" tanong ni Jacob.
"Ewan ko. Buksan mo kaya"
Binuksan ito ni Jacob. Nakita nila ang isang papel na nakatupi. Dali-dali itong binuksan ni Jacob at binasa ang naka-sulat doon.
"Shiella, Jacob...Masaya akong makita kayong muli na masaya at mag-kakasama. Ganon 'din sa anak niyong dalawa. Sana ay mag-kakasama-sama na tayo. Hanggang sa muli nating pag-kikita. Drase.."
Agad na kinuha iyon ni Shiella at gulat na gulat na nakatingin sa sulat. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nabasa. Nalilito sila. Hindi nila alam kung anong gagawin nila.
"P-paano?" naguguluhang tanong ni Shiella.
Papunta sila sa opisina ni James para ibalita ang nakuha nilang mesahe ilang araw ang nakalipas. Hindi na nila nagawang puntahan si James at mga iba nilang kaibigan dahil sa busy sila sa mga sarili nilang trabaho. Pero ngayon na alam nilang wala silang trabaho ay hindi na sila nag-dalawang isip na puntahan ito.
Pero nang makarating sila sa opisina ni James ay hindi nila inaasahan na naroon 'din ang iba nilang mga kaibigan. Nang tanongin nila kung anong ginagawa nila doon ay sinabi nilang may gusto silang ipakita kay James. Hindi na sila nag-patumpik pa at nag-simula nang mag-usap ang mga mag-kakaibigan.
"Anong pinunta niyo dito Shiella? Jacob?" tanong ni James sa kanila. Hindi na nila sinama ang kanilang anak at iniwan muna ito sa pamilya ni Jacob.
"May gusto kaming ipakita sayo" seryosong sagot ni Shiella. Tumayo ito ay ibinigay kay James ang envelope na kanina pa nila dala-dala.
"Tatlong araw ang nakalipas, nang dumating kami sa bahay namin ay ini-abot saamin 'yan ng isa sa mga kasama namin sa bahay. Nang buksan namin 'yan, iyan ang tumambad saamin." kwento ni Shiella.
Nag-taka ang mga iba nilang kaibigan kaya sinilip nila ito at laking gulat nila sa nabasa nila.
"Shiella, Jacob...Masaya akong makita kayong muli na masaya at mag-kakasama. Ganon 'din sa anak niyong dalawa. Sana ay mag-kakasama-sama na tayo. Hanggang sa muli nating pag-kikita. Drase(Dreyss).." pag-babasa ni James.
"Drase? Teka may kilala ba kayong may pangalan na Drase o codename?" takang tanong ni James.
Umiling ang lahat.
"Kong ganon, sino 'to? At bakit kilala niya kayo?"
"Hindi 'din namin alam"sagot ni Shiella. Napatingin ang lahat ng biglang napa-singhap si Sam.
"Meron 'din kami. Ganiyan 'din saamin! May nag-padala 'din saamin ng sulat noong umuwi kami galing sa parke kung saan tayo nag-salo-salo....Ito oh" may kinuha si Sam sa kaniyang bulsa at ipinakita kila James. Binuksan niya ito at binasa.
"Sam, Jett... Masaya ako dahil masaya kayo. Alam kong sobrang saya niyo dahil mag-kaka-anak na kayo. Masaya ako para sainyo. Hanggang sa muli nating pag-kikita... Drase"
"Alam niyang magkaka-anak kayo? Paano?"
"Meron 'din ako" sabay-sabay na wika nila Sheyna, Miracle at Justine. Napatingin ang lima sa kanilang tatlo ng gulat na gulat.
YOU ARE READING
Covered by Darkness
AcciónForget the Past and Move Forward for the Future. [📚BOOK #2 OF GGA] 📚BOOK #2 Title: Covered by Darkness. ✒STARTED: February 4, 2021 📌Ended: _________ 📚BOOK #1 OF THIS STORY⬇️ [📚BOOK #1Titled: The General Gangster Academy] COMPLETED. 📣I recommen...