Covered by Darkness
written by MarjshieeeKabanata 11
MATAPOS ANG nangyaring usapan sa opisina nilang mag-kakaibigan, agad na umuwi si Miracle sa kaniyang bahay. Kailangan niya pang mag-linis at mag-laba, wala kasi siyang kinuhang katulong dahil kaya niya namang gumawa ng mga gawaing bahay.
Agad niyang pi-nark ang kaniyang kotse sa garahe niya. Pagkatapos ay bumaba na siya at nag-tungo sa pinto, pero bago niya pa mabuksan ang pinto ay may tumawag na sa kaniya.
"Mira."
Nabaling ang tingin niya sa gate at nakita niya doon ang isang lalaking ilang araw niyang hindi nakita.
"Sef." gulat na gulat na saad niya. Agad siyang nag-lakad patungo sa gate at hinarap si Sef. "Anong... Bakit ka andito?"
"Wala. Gusto lang kitang makita kahit ilang sandali lang." wika ni Sef habang pinaka-titigan si Miracle.
"Teka. Bakit ganiyan ka makapag-salita? Ang tamlay mo naman ata. Hindi mo ako guguluhin?" takang tanong nito.
Napabuntong hininga si Sef at ngumiti ng pilit.
"Pagod na pagod na ko Mira 'e. Sobrang sakit, sobrang hirap. Gusto kong ipag-patuloy pero hindi na kaya. Kasi alam ko, kahit anong habol at pilit ko, hinding-hindi mo ako magugustohan." puno ng sakit ang pag-kakasabi nito. Makikita sa mata niya na sobra siyang nasasaktan, na sobra siyang nahihirapan, na sa ilang sandali nalang ay mawawasak na siya.
"Sef. Nag-papaalam ka ba?"
"Ayaw kong mag-paalam Mira, pero wala akong magagawa kong ayaw mo, dahil kapag pinag-patuloy ko pa, pareho lang tayong masasaktan. Dahil alam ko naman 'e, alam kong kahit kailan, hindi mo 'ko magugustohan."
Naguguluhan si Mira sa inaasta ni Sef kaya agad siyang lumabas sa gate at lumapit kay Sef. Hinawakan niya ang mag-kabilang pisnge nito at hinaplos.
"Sobra na ba, Sef? Hindi mo na ba kaya? Sobrang sakit na ba?"
Tumango-tango si Sef habang ang kaniyang mga luha ay nag-uunahang tumulo. Agad na pinunasan ni Miracle ang mga luha nito.
"Hindi ko na kaya Mira 'e. Kahit anong pilit ko, hindi na kaya. Sobrang sakit, sobrang hirap, pero kailangan kong labanan, kailangan kong tiisin para sayo. Pero habang tumatagal, pasakit na ng pasakit na 'yung tipong hindi ko na kayang takpan pa. Sa bawat oras, araw na lumipas, pabigat na ng pabigat ang ulap, at kailangan na nitong bitawan ang ulan na gustong kumawala. Ayaw kitang bitawan Mira, pero wala akong karapatang ipagdamot ka. Dahil simula't sapul, hindi ka naging akin, at hinding-hindi ka magiging akin."
Napaiyak na ng tuluyan si Miracle dahil sa mga bagay na narinig niya. Hindi niya alam na sa mga bagay na ginagawa niya ay nasasaktan na pala ang taong tinataguan niya. Hindi niya naisip ang nararamdaman ni Sef dahil puro ang sarili niya ang iniisip niya. Pero ngayon, malinaw na sa kaniya na hindi siya ang nasasaktan, kundi ang taong mahal niya.
"Mahal kita, Mira. Mahal na mahal kita."
Agad na yinakap ni Miracle si Sef na siyang ikinabigla ni Sef. Umiyak ng umiyak si Miracle sa balikat ni Sef. Walang pag-aalinlangan yinakap ni Sef si Miracle at pilit na pinapatahan ito. Masakit para sa kaniya na makitang umiiyak ang taong pinaka-mamahal niya. Mas okay ng siya 'yung umiyak at masaktan, huwag lang 'yung taong pinaka-iingatan niya. Kasi 'yun nalang 'yung magagawa niya 'e, 'yung ingatan, protektahan, at siguradohing hindi masasaktan si Miracle habang pinag-papatuloy niya ang buhay niya. Kasi alam niyang talo siya.
Ilang minuto ang nag-daan bago tumahan si Miracle. Unti-unti itong kumalas sa yakap at pinaka-titigan si Sef.
Hinawakan ni Miracle ang pisnge ni Sef at hinaplos ito. "Hindi mo naman kailanganag mag-habol. Hindi mo naman kailangang ipag-pilitan ang sarili mo saakin. Dahil kahit hindi mo hilingin, parati kang narito sa puso ko. Parati kang narito kahit saan ako mag-punta. Kaya ko lang naman ginagawa ang pag-tatago sayo dahil gusto kong makita kong hanggang saan ang kaya mo. Pero hindi ko alam na sa bawat pag-tago ko ay bawat pag-luha mo. Humihinga ako ng tawad dahil sa mga ginawa ko sayo. Sa mga pasakit na naidulot ko sayo---"
Hindi na natuloy ni Miracle ang kaniyang sasabihin ng biglang itakip ni Sef ang kaniyang hintuturo sa bibig ni Mira para patigilin.
"Shhh. Hindi mo na kailangan pang humingi ng tawad. Naiintindihan ko. Mahal kita at mamahalin kita hanggang sa pagtanda ko. Ano man ang kahahantungan ng storyang ito, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. Dahil mahal na mahal kita, Mira."
"Mahal din kita, Sef Conception."
Napatigil sa pag-haplos ng buhok si Sef sa buhok ni Mira. Tila estatwa ito sa kaniyang kinatatayuan. Gulat at hindi makapaniwalang tumitig siya kay Miracle na nag-pipigil ng tawa dahil sa nakikitang reaksyon nito kay Sef.
Nang makabawi sa gulat at pagka-tulala ay nag-salita ito. "A-anong sabi mo?" nalilitong turan nito.
Tumawa ng mahina si Mira at hinaplos-haplos ang pisnge ni Sef.
"Ang sabi ko," hininto niya ang pag-sasalita at tinitigan si Sef sa mata. "Mahal kita, sobrang mahal na mahal---"
Agad na yinakap ni Sef si Mira, dahilan upang hindi nito matuloy ang kaniyang sasabihin. Napatawa nalang si Mira at yinakap pabalik si Sef. Bahagya itong nagulat ng makarinig siya ng mahihinang hikbi. Nagtaka din siya ng makitang gumagalaw pataas baba ang balikat ni Sef, at ganon 'din ang unti-unting pagka-basa ng suot niyang bistida.
Agad siyang himiwalay upang tignan si Sef. Doon niya lang napag-tanto na umiiyak pala si Sef. Agad na tinakpan ni Sef ang kaniyang mukha gamit ang dalawang palad niya habang patuloy siya sa pag-iyak.
Hindi naman mapigilan ni Mira na hindi matawa. Natatawa siya dahil sa inaasta ni Sef sa harapan niya. Hindi niya alam na may ganitong side pala si Sef. Akala niya makulit at hindi iyakin si Sef, pero nagkamali pala siya. Iyakin pala 'yung future ko.
"Oh. Anong tinatawa mo dyan?" biglang tanong ni Sef habang pilit na pinupunasan ang luha siya.
"Hindi ko pala alam na iyakin ka." ngising turan ni Mira. Sinamaan siya ng tingin ni Sef ngunit tinawanan niya lang ito.
"'E ikaw kasi! Kasalanan mo 'to. Bigla bigla ka nalang kasing mag-sasabi ng gano'n. Ang tagal ko kayang hinintay ma sabihin mo 'yon."
"Matagal naman na kitang mahal 'e. Sinisigurado ko lang na ikaw ang una't huli ko."
Tumigil si Sef at tinitigan si Mira bago nito yakapin.
"Unang beses palang kitang nakita, alam kong ikaw na ang una't huli ko. Parang na love at first sight nga ako sayo 'e."
Agad na humiwalay si Mira sa pagkakayakap ni Sef at nag tatakang nag tanong ito.
"Una? Ibig sabihin, wala ka pang naging girlfriend?"
"Oo. Noon kasi, wala akong time sa mga relationship at wala rin akong balak na mag-asawa. Pero naalala mo no'ng una tayong nag-kita sa bus? Do'n nag bago lahat ng mga plano't pananaw ko sa buhay. Dahil sayo, naranasan kong sumaya at umibig ng sobra. Kaya, salamat, sobrang salamat dahil dumating at binigay ka saakin ng Diyos."
"Sa totoo lang, noong una tayong nag-kita sa bus, may nagugustuhan na ako noon. 'Yung may tipo na ako noon, kaso hindi ako sigurado noon kasi hindi ko siya masyadong pinansin," pag-aamin ni Mira.
"Mag-kakilala kayo?" tanong ni Sef.
Tumango si Mira. "Oo, actually kaibigan ko siya matagal na. Si Justine, di'ba kilala mo si Justine? Siya, siya 'yung natipohan ko noon." walang pag-aalinlangang sagot ni Mira.
Wala naman kasing dapat itago. May tiwala siya kay Sef, tsaka masyado niyang mahal ang lalaking kaharap niya para ilihim 'yung dapat niyang ilihim sa iba.
"Dapat na ba kitang bakuran? Kasi Mira, kong gusto ko ang isang tao, babakuran ko siya kahit hindi pa siya akin. Matibay at hindi nabubuwag ang bakod na inihaharang ko, lalo na sayo. Dahil gusto ko, akin ka lang." may pagka possessive ang pagkakasabi ni Sef dito. Napatawa ng mahina si Mira.
"Sef, mahal ko. Hindi mo naman na kailangang bakuran ako. Dahil sayo lang naman ako, at walang sino man ang pwedeng agawin ako mula sayo. Dahil sayo ako, akin ka," may ngiti ngunit padiing turan ni Mira.
"Selosa ba ang baby ko? Hmm?" ngising turan ni Sef habang tinataas baba ang kaniyang kamay sa bewang ni Mira.
"Oo, lalo na sa mga bagay na akin. Ayaw kong may ibang lumalandi sayo, lalo pa kong nasa paligid lang ako. Baka makapatay ako ng wala sa oras."
Tumawa at hinalikan ni Sef si Mira sa noo. "Huwag kang mag-alala. Lalandi lang naman ako kong ikaw 'yung lalandi saakin." saad nito sabay kindat.
-hehe
![](https://img.wattpad.com/cover/257504935-288-k407297.jpg)
YOU ARE READING
Covered by Darkness
AksiyonForget the Past and Move Forward for the Future. [📚BOOK #2 OF GGA] 📚BOOK #2 Title: Covered by Darkness. ✒STARTED: February 4, 2021 📌Ended: _________ 📚BOOK #1 OF THIS STORY⬇️ [📚BOOK #1Titled: The General Gangster Academy] COMPLETED. 📣I recommen...