Covered by Darkness
written by MarjshieeeKabanata 7
DAY HAD PASSED and Sandra day had never change. It's always full of surprises, full of mystery.
After the day she didn't accepted--- oh no, i mean, after the day she rejected the last company she'd applied, she went go back to her house in Calamba, Laguna. Nakatira lang siya mag-isa doon dahil nasa probinsya ang kaniyang ama at ang kaniyang tiyahin.
Gusto man niyang umuwi, hindi pa pwede kasi kailangan niya pang humanap ng trabaho. Kapag wala siyang nahanap na trabaho, wala siyang maipapadalang pera sa kaniyang tatay na pang-tustos sa kaniya. Sa pag-bili ng gamot at sa pangkain pang-araw-araw.
Agad na bumangon si Sandra sa kaniyang kama para maligo at mag-almusal. Pagkatapos niyang gawin ang kaniyang dapat gawin sa CR ay pumunta na ito sa kaniyang kusina para makapag-luto ng almusal niya.
Ang bahay na tinitirhan niya ay dating bahay ng kaniyang tyahin. Wala siyang ibang binabayaran maliban sa tubig at kuryente.
Nang matapos niyang mag-luto ang itlog, hatdog, at ham ay kumain na siya agad.
Napabuntong hininga siya nang maalalang paubos na ng paubos ang perang inipon niya. Hinihiling nalang niya na sana may swerteng dumating. Kailangang niyang humanap ng side line para kahit papano ay may kitain siyang pera habang nag-hahanap siya ng trabaho.
Ipinag-patuloy nalang niya ang pagkain ng biglang may kumatok sa pinto ng bahay na tinitirahan niya. Bumuntong hininga siya at napag-pasyahang buksan ang pinto.
Nang buksan niya ito ay nakita niya si James sa harap ng pinto. Gulat na gulat ito dahil sa nakita niya.
"Anong... Bakit... Teka, anong ginagawa mo dito?" tanong niya ng makabawi siya sa kaniyang gulat.
Seryoso siyang tinignan ni James. Hindi ito nag salita at tinignan lang siya ng mariin.
"Anong ginagawa mo dito, sabi ko?" tanong niya ulit. Tumikhim si James bago siya nag-salita.
"Pinuntahan kita dito." anito. "Wala ka bang ibang kasama dito? Lalaki o babae?"
Naguluhan siya pero sumagot 'rin kalaunan. "Wala naman. Mag-isa lang ako dito simula no'ng pumunta ako dito."
Tumango-tango si James. "Mabuti naman. Pwede ba akong pumasok?"
"Sige, pasok ka." linuwangan niya ang pagkaka-bukas ng pinto at pinapasok si James.
Isinara muna ni Sandra ang pinto bago sumunod kay James na papaunta sa lamesa 'kong saan siya kumakain.
Nang maka-upo si James ay umupo na'rin siya sa tapat niya.
"So, matagal kana ba'ng naninirahan dito?" tanong ni James habang inililibot ang tingin.
"Oo, pero umuuwi pa'din ako sa probinsya namin para kamustahin at alagaan ang tatay ko." sagot niya.
Tumigil ang tingin nito sa pagkain hindi pa nauubos ni Sandra.
"Sige, kumain ka muna. Doon nalang muna ako sa sala mo." tsaka siya tumayo at umalis at pumunta sa sala niya.
Napabuntong hininga nalang si Sandra at pinag-patuloy ang pagkain. Habang kumakain ay hindi niya mapigilang silipin si James sa sala. Naka-upo ito habang gumagamit ng kaniyang telepono. Agad siyang umiwas ng tingin at pinag-patuloy ang pagkain.
"SIR, tapos na po ako." aniya habang nakatayo sa harap ni James.
Binulsa muna ni James ang telepono niya tsaka tumayo at tumingin kay Sandra.
YOU ARE READING
Covered by Darkness
ActionForget the Past and Move Forward for the Future. [📚BOOK #2 OF GGA] 📚BOOK #2 Title: Covered by Darkness. ✒STARTED: February 4, 2021 📌Ended: _________ 📚BOOK #1 OF THIS STORY⬇️ [📚BOOK #1Titled: The General Gangster Academy] COMPLETED. 📣I recommen...