Covered by Darkness
Sabay-sabay na bumaba ang apat sa sasakyan ng makarating sila sa UL. Linanghap ni Sandra ang hangin habang nakangiti. Bumalik sa ala-ala niya ang mga panahong pumunta pa siya dito para manood ng mga laban.
Tumabi si Cassi sa kaniya at sinabing, "Sobrang tagal na rin mag mula ng naparito ka. Sigurado akong na miss mo ang lugar na to."
Umiling si Sandra. "Yung lugar lang po yung na miss ko, hindi yung mga tao."
Natawa nalang si Cassi. Alam kasi nito ang dahilan kong bakit nasabi iyon ni Sandra.
"Sandra, Cassi, tara na. Sa likod na tayo pumasok para walang makakita sa atin."
Tumango sila.
"Teka lang. Sandra, Cassi, mag-suot muna kayo ng mask, pangtakip sa mukha niyo." Agad naman nilang kinuha ang ibinigay na mask ni Cassi at sinuot ito.
Nang makapasok sila ay agad silang nagtungo sa taas ng arena kung saan nila nakikita ang lahat ng tao. Kakaonti palang sila, ang karamihan ay grupo. Maingay at amoy na amoy ang alak at sigarilyo.
Umupo ang tatlo, habang si Sandra ay patuloy pa ring tinitignan ang mga tao sa ibaba.
Kahit naka maskara ay makikita sa mga mata ni Sandra ang galit, puot, at sakit. Sa tuwing nakakakita siya ng mga taong kasapi sa UL ay bumabalik ang lahat ng mga masasakit na ala-alang kaniyang mga naranasan. Kahit na lumipas na ang ilang taon ay hindi pa rin niya napapatawad ang mga taong sangkot sa nakaraan niya.
'Magpaka-saya lang kayo, dahil sinisiguro kong dadating din ang araw na pagbabayaran niyo ang lahat ng pagkakasala niyo.'
"Sandra, halika, upo ka na. Malapit nang mag-umpisa." Tumango si Sandra kay Cavin bago umupo.
"Kuya Cavin. Sino nga pala yung nangunguna ngayon dito?"
"DarkPoison. Sila na yung pumalit pagkatapos umalis ang BlackPhantonate at BlackKiller."
"Ah. 'E yung BlackLotus?"
"Pumapangalawa sila. Kada taon, hinahamon nila ng laban ang DarkPoison dahil gusto nilang sila ang manguna dito, kaso lang, hindi naman nila kayang tapatan ang lakas ng DarkPoison, kaya nananatili pa rin sila sa pangalawa."
Tumango-tango si Sandra. "Ni minsan po ba, hindi niyo na isip na ipaghiganti ang pagkamatay ni Cassandra?"
"Araw-araw naming iniisip ang bagay na yan, pero dadating din ang araw Sandra. Dadating din ang araw na pagbabayaran nilang lahat ang ginawa nila kay Cassandra."
"Sana nga kuya Cavin. Sana nga..."
Maya-maya pa ay umakyat na ang MC sa gitna ng stage. Agad na tumahimik ang mga tao at tinuon ang pansin sa MC.
"Good day ladies and gentlemen. I know you've been waiting for this moment, where BlackLotus and DarkPoison fight for the top. I know everyone is excited so, let me already introduce our first group who's currently in the first place. Please welcome, the defender, DARKPOISON!" Everyone stand up and clap their hands while watching the five men walking towards the stage.
They all wear black clothes - very typical clothes for a gangster. They are tall and handsome. They carry some weapons, like, knives and some metal steel. They have a very dark aura, and they are super hot. People always drool everytime they see them, like now.
"Now, let's all also welcome the second group, the challenger, BlackLotus!" People clap their hands and watch them walk toward the other side of the MC.
They are five girls. Wearing black and white clothes. They're also carrying weapons, like, metal steel and some samurai.
They look at each other, mockingly. They didn't great each other nicely, they just stand still and let their pride rule them.
YOU ARE READING
Covered by Darkness
ActionForget the Past and Move Forward for the Future. [📚BOOK #2 OF GGA] 📚BOOK #2 Title: Covered by Darkness. ✒STARTED: February 4, 2021 📌Ended: _________ 📚BOOK #1 OF THIS STORY⬇️ [📚BOOK #1Titled: The General Gangster Academy] COMPLETED. 📣I recommen...