Covered by Darkness
HINDI naging maayos ang mga sumunod na araw. Hindi na nagpapansinan sina Sheyna at Justine. Naging awkward ang bawat araw sa loob ng opisina. Gustuhin man ng mga makakaibigan na pag-ayusin silang dalawa, wala naman silang magagawa dahil ayaw naman nilang pilitin si Sheyna.
"Sa tingin mo, magkaka-ayos pa kaya silang dalawa?" tanong ni Miracle kay James habang pinagmamasdan si Sheyna na nasa kaniyang lamesa at si Justine na nasa sofa na naglalaro.
"Hindi ko rin alam. Alam naman natin na nasasaktan ngayon si Sheyna, pero hindi naman natin pwedeng sabihin na hindi nasasaktan si Justine. Alam naman natin kong paano pahalagahan ni Justine si Sheyna." sagot ni James sa kaniya.
Tumango-tango si Mira. "Sa totoo lang, naaawa ako sa kanilang dalawa. Biruin mo, sa tagal na nakasama ni Sheyna si Justine ay hindi man lang nito nagawang umamin, tapos naunahan pa siya. Sigurado ako na mabigat ang damdamin ngayon ni Justine kasi naiipit siya sa kanilang dalawa. Sana lang at hindi tuluyang masira yung pagkakaibigan natin dahil dito."
"Hayaan na muna natin siguro silang ayusin yung problema nila. Siguro naman ay hindi tatagal 'to."
"Sana nga." Bumuntong-hininga si Mira bago iniba ang usapan nila. "Nga pala. Bibisita ka ba ngayon sa bahay nila tito Alexander?"
Tumango si James. "Oo. Matagal na rin ang lumipas noong huli akong bumisita sa abo ni Sandra."
"Sama ako. Gusto ko din siyang bisitahin." Tumango nalang si James.
"Teka nga. Sigurado kana ba sa desisyon mo?"
"Oo nga. Ang kulit mo namang babae ka."
"Tnga. Paanong hindi kita kukulitin, eh sobrang laking habang ang gagawin mo. Mamaya mapahawak ka pa, mamamatay ka."
"Akong bahala, tiwala lang."
"FYFI, wala akong tiwala sayo."
"Salot ka talaga sa lipunan. Lumayas ka na nga!"
Nang makarating sina James at Miracle sa bahay ng mga Cateller ay agad silang dumiretso sa kwarto kong saan naka lagay ang abo ni Cassandra. Ngunit laking gulat nalang nila nang makita nilang wala na ang garapong pinaglagyan ng abo ni Cassandra. Taranta silang umalis sa kwarto at agad na nag-tungo sa opisina ni Alexander.
Ilang beses silang kumatok bago sila sabihing pumasok.
Tumigil sa pagsusulat si Alexander nang makita niya ang dalawa.
"Oh, iho, iha, halikayo't umupo. Napadalaw kayo?"
"Ah opo tito. Pumunta po kasi kami dito para bisitahin po sana si Cassandra. Kaso po nagulat nalang po kami nang makita po naming wala na po yung abo ni Cassandra doon. Inilipat niyo po ba?" Tanong ni James.
Umiling si Alexander. "Ah, yung abo niya? Hindi ko linipat, tinapon ko na sa dagat, kahapon lang."
"Ha?!" Napatayo ang dalawa. "Ano pong ibig niyong sabihin? Tinapon— bakit po?" Nagtatakang tanong ni James. Nakakunot ang noo nito.
"Kumalma kayo. Umupo kayo," alinlangan silang umupo. "Huwag na kayong mag-alala. Hindi ko naman basta-basta nalang itinapon ang abo niya ng walang dahilan."
"Eh, ano po ang dahilan kung bakit niyo po tinapon ang abo ni Sandra?"
Bumuntong-hininga siya. "Ibinilin noon sa amin ni Cassandra na kapag namatay siya, gusto niyang I-cremate namin ang labi niya. At kapag lumipas na ang isang dekada, kinakailangan na naming itapon ang kaniyang abo sa dagat na kaniyang sinabi. Hindi na mahalaga ang labi niya, ang mahalaga nalang ngayon ay ang kasalukuyan. Sigurado akong nasa payapa ng lugar ang anak ko." Seryoso niyang tinignan ang dalawa.
YOU ARE READING
Covered by Darkness
ActionForget the Past and Move Forward for the Future. [📚BOOK #2 OF GGA] 📚BOOK #2 Title: Covered by Darkness. ✒STARTED: February 4, 2021 📌Ended: _________ 📚BOOK #1 OF THIS STORY⬇️ [📚BOOK #1Titled: The General Gangster Academy] COMPLETED. 📣I recommen...