Kabanata 6

302 11 1
                                    

Covered by Darkness
written by Marjshieee



Kabanata 6

NANG MATAPOS ang kaganapan sa opisina ng JS Majestic Company, napag-pasyahan na munang umalis ni Sheyna para makapag-isip-isip. Kanina pa siya tulala, hindi niya alam ang gagawin niya. Sobra siyang nagulat kanina, hirap na hirap siyang mag-salita.

Nang tanongin nila kanina ang babae ay hindi naman tugma ang mga sagot niya sa alam nilang sagot. Sobrang mag-kaiba. Ni wala man lang tumamang sa mga tanong nila, maliban nalang doon sa kung nakapag-aral ito.

Naguguluhan na ako.

Napabuntong hininga nalang si Sheyna, pagkatapos ay hininto niya ang kaniyang sasakyan sa isang parke sa loob ng subdivision nila. Bumaba ito at pumunta sa isang bakanteng bench at pinag-patuloy ang pag-iisip.

Malawak ang parke, maraming puno, maraming halaman, maraming upuan ngunit walang palaruan. Kumba ang parkeng iyon ay isang tambayan ng mga tao sa subdivision na gustong mag-muni-muni muna. 'Yung walang tao, walang istorbo, walang maingay. Wala namang tao ngayon sa parke kaya malayang maging mapag-isa si Sheyna ngayon. Lalo pa't ang dami niyang iniisip na mga bagay na hindi niya masagot-sagot.

Inilibot ni Sheyna ang kaniyang paningin sa buong parke at napangiti nalang ito nang mapait. Sa dinami-dami naman kasi ng kaniyang katanungan, ang isang bagay pang importante ang hindi niya masagot. Na kahit anong pilit niyang ipag-siksikan ang mga impormasyong nakuha nila kanina, ay hindi pa'rin ito sapat para masagot ang mga katanungan niya.

Bakit? Papaano? Anong nangyari? Sino siya? Siya ba talaga siya? Totoo ba siya? O baka iba siya? Nag-sasabi ba siya ng totoo? Nagka-amnesia ba siya? Ano ang buong pagka-tao niya?

Napabuntong hininga uli ito. Madaming katanungan ang nag-lalaro sa isip ni Sheyna ngunit hindi man lang niya ito masagot. Clueless siya, nganga, walang alam, hindi alam ang gagawin.

Agad na nabaling ang tingin ni Sheyna sa kaniyang tabi ng maramdaman niyang may tumabi sa kaniya. Nakita niya si Justine na nakaupo, ilang agwat lang ang pagitan nila. Nakatingin sa malayo at mukhang may malalim na iniisip.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sheyna habang nakatingin pa'rin kay Justine.

"Gaya mo, nag-iisip 'rin. Masyado na kasing maraming nangyari na hindi kapani-paniwala. Mahirap sagutin ang mga tanong na wala namang maayos na sagot. Mahirap mag-sabi ng wala namang maayos na ebedensya. Lahat opinyon, walang katotohanan" sagot ni Justine.

Napabuntong hininga nalang si Sheyna at napatango. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa harapan niya. Hindi na sumagot si Sheyna dahil siya 'rin naman ay walang alam. Lahat sila walang alam sa nangyayari, basta, bigla nalang sumulpot 'yung kamukha nang kaibigan nila.

"Ilang taon na ang nag-daan at lumagay na sa tahimik ang buhay natin. Nakapag-pundar na tayo ng negosyo at ang iba natin mga kaibigan ay may asawa't pamilya na. Ikaw Sheyna, kailan mo balak mag-asawa?"

Biglang nasamid si Sheyna sa mismong laway niya dahil sa tanong ni Justine sa kaniya. Dang, smooth.

Napa-lunok siya nang matindi at naging balisa sa kaniyang upuan. Kong kailan mo balak mag-asawa. 'Yan ang gusto niyang sabihin, pero syempre. Ayaw niyang sabihin dahil nahihiya siya at wala siyang lakas ng loob para sabihin ngayon sa kaniya ang nararamdaman niya para sa binata. Wrong timing.

"Wala pa sa isip ko 'yan, noon... pero no'ng bigla nalang siyang dumating sa buhay ko... palagi ko nang ini-isip kung kailan siya mapapasaakin at kung kailan siya iibig saakin." napabuntong hininga ito. "Ang hirap lang kasi ng sitwasyon namin. May mga problema pa kami sa sarili naming buhay, at ang matinding probelma... ay hindi ko alam kung may nararamdaman ba siya para saakin. Ang hirap mag-hinala sa hindi siguradong dahilan. Ang hirap umasa sa taong walang kasiguraduhan. Ang hirap mag-patuloy nang walang patutunguhan... mahirap. Sobrang hirap, pero wala 'e. Hanggang doon nalang kami. Sa sitwasyong walang kasiguraduhan."

Napatingin si Justine kay Sheyna at nakikita nito ang lungkot sa kanaiyang mga mata. Mahirap para sa kaniya na makita ang isa importanteng kaibigan niya na nasasaktan dahil sa isang lalaki. Kahit na hindi naman siya ang nasa sitwasyon ni Sheyna, nasasaktan pa'rin ito para sa kaibigan niya.

Napabuntong hininga ito. "Swerte." napatingin sa kaniya si Sheyna. "Ang swerte nang lalaking minamahal mo. Kasi may nag-mamahal sa kaniyang isang babaeng alam kung gagawin ang lahat para lang maging masaya sila." napatawa ito ng mahina. "Pangakong tatawanan ko ang lalaking sasayangin ang gaya mo. Dahil sa pag-kakataon na iyon, sinayang niya ang magandang babae hinahangaan ng lahat"

Napapikit nang mariin si Sheyna dahil sa narinig niya. Gusto niyang mag-salita pero pinipigilan niya. Gusto niyang sabihin sa binata ang nararamdaman niya pero natatakot siya. Gusto niyang klaruhin ang nga hinala niya pero parang umurung ang dila niya. Gusto niyang gawin lahat pero hindi niya kaya. Mahina siya, lalo na sa kaniya. Kaya niyang harapin lahat nang mga masasamang tao, pero pag-dating sa binata, para nalang itong isang mabangis na aso na bigla nalang tumitiklop sa oras na bigyan ng pag-kain.

Kung alam mo lang kung sino ang tinutukoy ko... sigurado akong tatawanan mo ang sarili mo.

PABAGSAK na umupo si Miracle sa sofa sa kaniyang sala sa bahay niya. Pagod na pagod siya ngayong araw, physically, mentally at emotionally.

Andaming nangyari, andaming mga katanungan, pero hindi niya masagot. Wala naman kasing may-alam.

Napabuntong hininga nalang si Miracle at napag-desisyonang pumikit.

Hindi niya alam pero parang sobrang na drain ang katawan niya. Wala naman siyang ginawang nakakapagod pero pakiramdam niya parang pinansan niya lahat ng tao sa buong mundo.

Gaya 'din siya nang iba. Naguguluhan, nalilito, nangungulila, nalulungkot dahil sa mga pangyayari. Halo-halo ang mga nararamdaman nila. Ni hindi nga nila alam kung ano talaga ang tunay nilang nararamdaman.

Tsaka ko na siya iisipin.

Napailing nalang si Miracle at nag-mulat nang mata. Tsaka tumayo para pumunta sa taas para makapag-pahinga.

Nasa unahan palang siya ng hagdan nang biglang may nag-doorble. Nag-tataka at nababagot man, ay pinuntahan nalang niya ito para makita kung sino ang bisita.

"Hello, my love from the start" agad na bungad ng isang lalaki pagka-bukas na pagka-bukas ng pinto ni Miracle.

Gulat na gulat si Miracle at dali-daling isinara ang pinto.

"Baby! Open the door! Your hurting me, baby. Open this door honey! We need to talk! Dang..." sigaw ng lalaki sa labas habang patuloy sa pagkatok sa pinto.

Agad na inilock ni Miracle ang pinto at agad na tumakbo papuntang taas.

Anong ginagawa niya dito? Bakit andito siya? Argh!

Napahawak sa dibdib si Miracle dahil sa sobrang pagod. Agad niyang sinara ang pinto nang kaniyang kwarto at inilock ito. Mahirap na.

Halos isang hakbang sa limang espasyo ang ginawa ni Miracle sa kaniyang pag-takbo sa hagdan kanina. Hindi niya inaasahan na pupunta 'yung lalaki sa bahay niya. Akala niya tinigilan na siya nito, pero nagka-mali siya. Mukhang patuloy siya nitong guguluhin.

"Argh! Ano bang ginagawa niya dito? Akala ko ba tapos na siya? Bakit nanaman niya ako ginugulo?" naguguluhang tanong niya sa kaniyang sarili. Nanghihinang napa-upo siya sa gilid ng kaniyang kama. "Kakalbuhin ko talaga siya kapag hindi pa siya tumigil sa ginagawa niya!" inis na wika nito



-THANK YOU♡☆

Covered by DarknessWhere stories live. Discover now