Kabanata 8

241 10 2
                                    

Covered by Darkness
written by Marjshieee



Kabanata 8

"SANDRA, gising. Gising na Sandra, andito na tayo."

Napahalinghing si Sandra dahil sa nararamdaman niyang may tumatapik sa kaniyang pisnge. Mariing siyang pumikit at ibinaling sa ibang direksyon ang kaniyang ulo. Ayaw niya pa'ng gumising dahil inaantok pa siya. Pakiramdam niya ang konti-konti ng tulog niya.

"Sandra. Wake up. Gising na, Sandra." pag-papagising ni James kay Sandra habang patuloy pa'rin sa mahinang pag-tapik sa pisnge ni Sandra.

"Mamaya muna. Inaantok pa ko 'e." reklamo niya.

"We are in Enchanted Kingdom." agad na napamulat si Sandra dahil sa narinig niya at bumaling kay James na nasa tabi niya.

"Ano?!"

"Ang sabi ko, nasa Enchanted Kingdom tayo. Look outside." aniya James. Agad na bumaling ang tingin ni Sandra sa labas at ganon nalang ang gulat niya nang makita ang entrace ng Enchanted Kingdom.

"Omy...what the?" hindi makapaniwalang bumaling si Sandra kay James na kalalabas lang ng sasakyan. Agad niyang inalis ang seat belt niya at lumabas na'rin.

Humarap siya agad kay James at nag-tataka niya itong tinignan. "Anong ginagawa natin dito?"

Ngumiti at bumaling sa entrance ng Enchanted Kingdom si James. "Mamamasyal tayo di'ba?" tumango si Sandra. "Dito tayo mamamasyal."

Napasinghap ng wala sa oras si Sandra dahil sa sinabi nito at malaki at laglag pangang bumaling sa unahan ng Enchanted Kingdom.

O my gosh....i'm speechless.

Hindi siya makapag-salita ng maayos. Hindi niya alam kong paano at ano ang gagawin niya. Her plan is to have a simple walk with James. Have a simple bonding together as a thanks gift to him. Pero hindi niya inakala na aabot sila sa dream destination niya.

Matagal na niya kasing pangarap makapasok sa Enchanted Kingdom, pero wala naman siyang sapat na pera para makapunta kaya hanggang tanaw nalang siya sa labas.

"Tara. Bili tayo ng ticket sa ticket booth." ani James atsaka kinuha ang kamay at pinag-siklop ito.

Hindi pa'rin nakaka-recover si Sandra dahil sa gulat kaya hindi na niya namalayan ang pananan-tsing ni James sa kaniya.

"Two tickets please."

"Unlimited rides, sir?"

"Yes, please."

Ilang segundo ang lumipas bago ibigay kay James ang ticket nilang dalawa. Pagkatapos ay hinila niya ulit si Sandra papasok sa Enchanted Kingdom.

Pinisil ni James ang kamay ni Sandra kaya nahimasmasan ito. Napatingin siya kay James na nakatingin sa kaniya. Ngumiti si James kaya nginitian niya 'din ito bago bumaling sa harapan niya.

Hindi mapigilang mamangha ni Sandra sa kaniyang nakikita. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya. Ni hindi nito maipaliwag o masabi kong ano-ano ang mga iyon.

Matagal na niyang pinangarap na makapasok sa loob ng Enchanted Kingdom.  Balak pa nga niya na kong makakakuha siya ng trabaho at makakapag-sweldo, pupunta siya kaagad dito sa EK para kahit papaano ay maranasan man lang niyang makasakay sa mga rides na palaging kinukwento ng mga kaklase niya noong highschool pa siya.

At ngayon, natupad na niya ang isa sa pinapangarap niya mula noong highschool. Naka-pasok na siya sa EK at may bunos pang pag-sakay sa rides na gustong-gusto niyang sakyan. Natupad ang pangarap niya dahil sa lalaking nasa tabi niya ngayon. Napangiti siya dahil doon.

Covered by DarknessWhere stories live. Discover now