Kabanata 14

163 7 0
                                    

Covered by Darkness
written by Marjshieee



Kabanata 14

"I'M HOME!" masayang bungad ni Sandra pagkabalik niya sa bahay na tinitirhan niya.

Hanggang ngayon kasi ay narito pa'rin si Nathan. Ilang linggo na'rin siyang narito at tila walang balak umalis. Hindi naman iyon maiiwasan lalo pa't gusto 'din naman ni Sandra na palaging kasama si Nathan.

"Buti nalang umuwi kana." saad ni Nathan nang makalabas siya sa kusina.

Agad na nag-tungo si Sandra kay Nathan at yinakap ito. Yinakap siya'ng pabalik ni Nathan, pagkatapos ay kumalas sila. Ngumiti sila sa isa't isa bago hinalikan ni Nathan si Sandra sa labi.

"Oh kamusta naman 'yung trabaho? Hindi ka naman ba nahihirapan?" tanong ni Nathan habang tinutulungan si Sandra sa mga bitbit niya. Nag-tungo muna sila sa sala bago nag-usap ang dalawa.

"Okay naman. Alam mo ba? Nakita ko 'yung dalawang kapatid ni Cassandra, 'yung sinasabi ko sayong kamukha ko 'daw? Grabe ang ganda't gwapo nila tsaka, mababait 'din sila." pag-kwekwento ni Sandra habang naka-ngiti.

"Talaga? 'E bakit 'daw sila naroon. Ang alam ko may sariling business 'yung dalawa. Kilala kasi sila dito pati na'rin sa ibang bansa." tanong ni Nathan.

"Stockholders sila sa kompanya. Tsaka ang alam ko ay bumisita sila para kamustahin 'yung mga kaibigan ng namayapa nilang kapatid," sagot niya. "Ay oo nga pala!" nabaling ang tingin niya kay Nathan. "Imbitado kaming lahat na trabahante sa kompanya sa kasal ni Ma'am Miracle at Sir Sef. Sa susunod na linggo na 'yun. Ang sabi nila, pwede 'daw kaming magsama ng kahit na sinong kilala namin. Balak sana kitang isama para may kasama ako at para makilala mo 'din 'yung mga boss ko. Kung, okay lang sayo?"

Nakangiting tumango si Nathan. "Oo naman. Okay na okay! Tsaka wala 'din naman akong gagawin sa kompanya ngayon, kaya free akong samahan ka."

Napangisi si Sandra. "Tsk. Halata naman. Palagi ka'ng andito. Wala kana atang balak umalis."

Napatawa nalang si Nathan. Sasagot pa sana siya ng bigla silang may narinig na malakas na pagsabog sa labas. Nagkatinginan ang dalawa.

"Ano 'yun? Bomba?" takang tanong ni Sandra.

"Hindi ko alam. Teka, titignan ko. Dito ka lang." akang aalis si Nathan nang higitin ni Sandra ang kamay niya.

"Hindi pwede. Sasama ako sayo, baka kong ano pa'ng masamang mangyari sayo do'n." wika nito at tumayo na'rin.

Gusto pa sanang tumanggi si Nathan dahil nag-aalala siya para kay Sandra ng samaan siya ng tingin nito.

Naglakad sila patungo sa pinto ng bahay. Dahan dahan nila itong binuksan upang tignan kong saan nangyari ang pagsabog na kanilang nadinig. Agad na kumunot ang noo nila nang makitang wala naman kahina-hinala at wala namang mga nasirang straktura sa harap at sa kapit-bahay nila.

"Mukhang wala namang nangyaring masama dito. Pero ano 'yung narinig nating pagsabog?" takang tanong ni Nathan.

"Baka naman tunog lang 'yun ng music o pelikula? Alam mo naman 'yung mga kapit-bahay natin, minsan sobrang lakas mag-patugtog." kibit-balikat na sagot ni Sandra.

Napabuntong hininga nalang si Nathan at hinarap si Sandra.

"Oh siya. Pasok na tayo, mukhang wala namang masamang mangyari." nhiting saad ni Nathan. Ngumiti 'din pabalik si Sandra at tumango.

"Sige---NATHANNN!"

"KAMUSTA naman ang preparasyon niyo sa kasal niyo? Balita ko sa tabing dagat idadaos 'yung reception? Malapit ba 'yun sa simbahan?" sunod-sunod na tanong ni Cavin. Napaikot ng mata si Cassi.

Covered by DarknessWhere stories live. Discover now