Kabanata 15

153 10 0
                                    

Covered by Darkness
written by Marjshieee




HINDI ALAM ni Sheyna kung saan siya ipupunta ng mga paa niya. Basta ang gusto niya lang ay maka-alis at maka-layo sa mga kaibigan niya, lalo na kay Justine.

Wala na ring nagpangahas na sumunod sa kaniya dahil alam nilang gusto niyang mapag-isa.

Napahinto siya sa pag-lalakad. Nakita niya ang isang malaking bato sa tabing-dagat. Hindi niya alam pero nagtungo siya doon at umupo habang umiiyak. Napatitig nalang siya sa mga along humahampas sa batong kaniyang inu-upuan. Wala siyang naging paki-alam kahit na nababasa na siya ng tubig dagat.

Habang inaalala ang mga nangyari kanina, hindi niya mapigilang umiyak. Hindi nagpatinag ang mga luhang patuloy na umaagos sa kaniyang pagod na mata.

Hindi niya alam pero, parang biglang nawala ang puso niya sa katawan niya. Parang biglang nawalan ng buhay ang puso niyang dati naman ay masaya. Alam naman niya ang dahilan kong bakit nawalan ng buhay ang kaniyang puso, dahil ito sa pag-mamahal niya sa isang taong may mahal ng iba.

Sobrang sakit lang para sa kaniya na kung saan handa na siya at pinagplaplanuhan na niyang umamin, tsaka pa niya nalaman na may iba na pala itong mahal. Gaya nang sabi niya kanina, matatanggap naman niya kong sasabihin nitong hanggang magkaibigan lang sila pero, sobra naman na atang marinig niya mula sa mismong bibig ng taong kaniyang iniibig na, may mahal na itong iba at handang pakasalan ng taong mahal niya ang babaeng nagngangalang Yunice.

Bigla tuloy siyang nainsecure. Bigla siyang napaisip.

Ano bang meron sa Yunice na'yon na wala saakin? Mas maganda ba siya? Mas matalino? Mas sexy? Mas mahinhin kaysa saakin? Mas inosente? Mas malakas? Ah, alam ko na. Alam ko na kong anong meron siyang wala saakin. Siya may Justine, ako wala. Siya ang mahal, ako hanggang wala. Napabuntong hininga siya.

Ang hirap palang pag-komparahin ang sarili mo sa ibang tao kasi bigla-bigla ka nalang mai-insecure sa kong anong ano ka at meron ka. 'Yung tipong sa oras na sobrang hulog na hulog kana at umaasang masasalo ka niya, doon mo pa malalamang may iba ng sinalo na at naiwan ka nang umaasang may darating pa.

Pero inaamin naman niya sa sarili niya na may kasalan siya. Dahil umasa siya kay Justine. Pero may kasalanan 'rin si Justine dahil nagpaasa siya. Pero, ang mali ni Sheyna ay binigyan niya ng malisya ang mga kabutihang bagay at kilos na ginagawa sa kaniya ni Justine noon. 'Yung tipong para kay Justine ay ginagawa niya iyon dahil magkaibigan sila at ang turing niya kay Sheyna ay kaibigan, habang si Sheyna ay iniisip niyang ginagawa ni Justine ang mga bagay na iyon dahil mahal siya nito. May mali silang pareho at wala tayong masisisi dahil, desisyon nila iyon at wala tayong magagawa kundi tanggapin ang kapalaran ng dalawa.

Hindi masamang umasa at mag lagay nang malisya. Ang masama, ang mahulog ng malalim at hindi na kayang makaahon pa. Dapat nating tandaan na ang pagmamahal ay hindi lang para sa isang tao kundi, para rin ito sa sarili mo. Huwag mong ibigay ang lahat ng atensyon at pagmamahal mo sa isang tao kong alam mong hindi magiging kayo. Mas nararapat na ituon mo sa sarili mo ang atensyon mo sa sarili mo at mahalin ito ng buong puso. Para sa oras na nawasak ka dahil sa isang tao, kaya mong buo-in ang sarili mo dahil alam mong mahal mo ito at may respeto ka sa sarili mo.

Don't waste your love for a person who doesn't love you back. Love your self and be happy as you want. Because at the end of the day, you and your self will always be together.



ILANG ARAW na ang nakalipas at hindi pa rin nakakabalik sina Sandra at Nathan dahil bihag sila ng isang hindi kilalang grupo. Naunang nagising si Sandra at doon niya nalaman na nasa isang kwarto sila na maayos. Hindi gaya ng ibang nabibihag na napupunta sa marumi at nasa abandunadong bahay, sila ay nasa maayos na kwarto. Nakapagtataka rin para sa kaniya kung bakit hindi siya nakagapos at nasa malabot pang kama.

Covered by DarknessWhere stories live. Discover now