Kabanata 1

679 29 2
                                    

Covered by Darkness
written by MarjShieee



Chapter 1

DESTINY IS UNFAIR. James always thought that word. Life is fair to him but not Destiny. Yes, sometimes he thought that destiny is fair to him but what happen 10 years ago makes him feel that destiny is not fair to him. Oo nga't nakasama niya ito pero hindi pa'rin iyon sapat sa kaniya dahil hindi man lang niya nasabi na mahal na mahal nito ang dalaga. Puno ng pag-sisisi at pang-hihinayang ang isip at puso niya dahil sa mga nasayang na oras na sana ay sinulit niya kasama ang babaeng mahal niya.

Ngunit huli na dahil tapos na ito. Hindi na niya maibabalik ang panahong masaya pa siya kasama ang babaeng mahal niya. Mahirap man tanggapin ang katotohanan ngunit kailangan niya, dahil patuloy lang siyang masasaktan kapag patuloy niyang ikukulong ang sarili niya sa nakaraan.

Palagi niyang sinasabi na masaya na siya sa buhay niya pero kahit hindi niya sabihin ay ramdam parin nito ang lungkot ng puso niya. Na sa isang dekadang nag-daan ay hinahanap-hanap parin ng kaniyang puso ang babaeng minahal niya ng buo. Maraming sumubok na angkinin ang puso ng binata ngunit sa huli ay hindi sila nananaig dahil hindi nila mapantayan ang pag-mamahal na pinaramdam ni Cassandra sa kaniya kahit na walang sila.

"Alam mo James, sampung taon na ang nag-daan hindi ka pa'rin nagkaka-girlfriend. Alam mo, meron akong pinsan na single at matagal ng nag-hahanap ng makakatuluyan niya. Gusto mo ilakad kita doon? Maganda 'yun tsaka matalino. Siguradong magugustohan mo siya at baka, baka malamangan niya pa si Cassandra sa sobrang ganda, talino at iba pang mga katangian na wala kay Cassandra" ani Justine. "Hindi naman sa hindi ko gusto si Sandra, pero kasi tol, tagal na niyang wala 'e, alam mo 'yun? Patay----aray!" hindi na natuloy ni Justine ang sasabihin niya ng pingutin ni Sheyna ang tenga niya para patigilin ito.

"Alam mo, isang salita mo pa susuntukin na talaga kita!" gigil na gigil sa wika ni Sheyna kay Justine.

"'E kong hindi ako mag-sasalita---- oh man holy!" hindi na natuloy uli ni Justine ang sasabihin niya ng bigla ihagis sa kaniya ni Sheyna ang makapal na libro na nakita niya sa gilid ng lamesa na nasa tabi niya.

"Oh sige! Mag-salita ka pa't hindi lang 'yan ang aabotin mo saakin. Gusto mo pa atang sipain kita sa pinaka-iingatan mo ng mag-tanda ka!"

Alam kasi ng mag-kakaibigan na sensitive si James tungkol sa pag-kamatay ni Sandra. Kahit na sampung taon na ang nagdaan, sariwa parin sa puso't isip niya ang nangyari sa babaeng mahal niya. Sabihin niyo mang OA siya pero hindi niyo mapipigilan ang nararamdaman niyang pagka-miss sa babaeng mahal niya.

"Justine" napatigil ang lahat ng biglang mag-salita si James. Matinding napalunok si Justine dahil sa kaba. Sa lamig ba naman ng pagkaka-sabi ni James sa pangalan niya ay hindi mo maiiwasang mapapalunok ng matindi dahil sa kaba.

"B-bakit?" kinakabahan na tanong ni Justine.

"Sino 'yung sinasabi mong pinsan mo? Ipakilala mo siya saakin para makilala ko ng harap-harapan" seryoso ang pag-kakasabi niya.

Lahat ay gulat na gulat na napatingin kay James dahil sa sinabi niya. Hindi nila inaakala na tatanongin niya ang bagay na iyon sa mismong harapan nila. Alam nila na kahit ilang taon na ang nakaraan ay hindi pa'rin nababawasan ang pagmamahal na nararamdaman ni James kay Sandra. Na kahit mag-hubad ang babae sa mismong harap niya ay hindi pa'rin niya ito pag-totoonan ng pansin. Kaya ganon na lamang ang gulat nila dahil sa sinabi nito.

"James!" biglang napatayo si Sheyna. "Ano bang sinasabi mo? Huwag mong sabihin na papalitan mo na si Sandra? Alam kong ilang taon na ang nakalipas pero huwag ka namang gumawa ng ganiyan. Huwag kang mag-papadala sa sinasabi nitong lalaking 'to!"

"Hindi ba pwedeng makilala ko ang sinasabi ni Justine, Sheyna?"

"Hindi naman sa ganon. Ang akin lang naman.... argh! Ikaw!" nabaling ang tingin nito kay Justine. "Kasalan mo 'to 'e! Kong hindi mo sinabi kay James ang tungkol sa pinsan mong pinag-mamayabang mo! Hindi hahantong sa ganito! Paano na ngayon, ha? Ngayon mapapalitan na si Sandra sa puso niya! Kahit kailan talaga, hindi ka nag-iisip!" dahil sa sobrang inis na nararamdaman ni Sheyna ay hindi na niya natiis na sugudin si Justine, sinipa at sinuntok nito dahilan para mapa-atras si Justine.

Walang ganang tumingin ang mga kaibigan nila sa kanila. Hindi na nila tinangkang umawat dahil wala naman silang paki-alam. Palagi naman kasi silang nag-babangayan na humahantong sa malutong na pisikalan. Sanay na sila. Wala ng bago.

"Dahil sa oras na makilala at makita ko ang babaeng sinasabi nito, doon ko malalaman kong totoo ang sinasabi niyang mas maganda ito at mas matalino. Kapag tama siya, okay lang. Pero..." tumigil ito ng bahagya at tinignan si Justine ng seryosong tingin. "...pero kapag hindi. Ako mismo ang mag-tatahi sa bastos na bibig niya habang buhay"

Biglang natigil ang pag-gana ng utak ni Justine. Nang maproseso nito ang sinabi niya ay nanigas ito sa kaniyang kinatatayuan at hindi makapaniwalang tumingin kay James na ngayon ay masama ang tingin niya.

Sa kabilang banda naman ay hindi mapigilang mapangisi ng mga kaibigan nila, lalo na si Sheyna na sobrang lawak ng ngiti. Ayan karma mo.



Covered by DarknessWhere stories live. Discover now