Kabanata 13

162 9 1
                                    

Covered by Darkness
written by Marjshieee

Kabanata 13

SIMULA NG BINALITA sakanila nina Sam at Sef na ikakasal na 'daw sila, naging busy ang buong kompanya. Isang buwan nalang 'daw kasi ay ikakasal na sila at lahat sila na nag-tratrabaho sa kompanya ay imbitado. Sobrang saya nila dahil ikakasal na sila. Ang usapan kasi noon na, mag-mamadre 'daw si Sam dahil sa tanda nito, wala pa'rin siyang kasintahan.

Isang linggo na'rin ang lumipas ng mag-simulang mag-trabaho si Sandra sa kompanya. Naging maayos ang lahat, maayos at maganda ang trato sa kanilang mga empleyado. Naging mahirap sa una pero, dahil sa tulong ng mga boss niya naging mabuti ang lahat.

Hanggang nagyon pa'rin ay kasama pa'rin ni Sandra sa bahay si Nathan. Wala na atang balak na uwi dahil mas gugustohin pang kasama si Sandra kaysa sa trabaho niya. Pero okay lang naman iyon, dahil mayroon namang taga pamahala sa kompanya niya habang wala siya.

"Sandra. Pwede kabang maghanda ng kape at makakain dito? Dadating kasi sina Ate at Kuya Cateller dito para bumisita." rinig na utos ni Justine kay Sandra.

Natigilan si Sandra sa kaniyang narinig. Ngunit ngumiti 'rin. "Sige po Sir. Ipaghahanda ko na'rin po kayo." tsaka ito umalis at pumunta sa Cafeteria ng kompanya.

MATAGAL NA'RIN magmula ng huli niyang nakita ang mga kaibigan ni Cassandra. Magmula ng mamatay ang kaniyang kapatid, naging abala sila sa pagluksa sa kanilang kapatid. Naging mahirap para sa kanilang pamilya na matanggap na wala na ang kanilang kapatid. Lumipas ang ilang taon bago nila napakawalan ang mabigat na damdamin sa kanilang puso.

Ngayon, pupunta sila sa kompanyang napatayo ng mga kaibigan ni Cassandra. Bibisita sila upang kumamusta. Tutulong 'rin sila sa pag-hahanda ng kasal nila Sam at Sef dahil imbitado 'din sila.

Sa estado ng buhay nila. 35 na ang taon ni Cassigy pero, hanggang ngayon ay wala pa'rin itong kasintahan o napupusuan. Masyado kasi siyang pihikan sa mga lalaki na 'yung tipong hindi basta-basta nahuhulog ang loob sa mga banat.

Si Cavin naman, patuloy ang buhay kasama ang asawa niyang si Nathalie. Matagal 'rin silang nag-sama bilang mag-kasintahan hanggang sa nag-plano na silang mag-pakasal. Ayaw na kasing pakawalan ni Cavin si Nathalie, kaya hindi na ito nag-patumpik-tumpik pa. Atska, siguro na 'rin kasi si Cavin na gusto niyang makasama si Nathalie. Gusto niya na kong bubuo man siya ng pamilya, si Nathalie ang asawa niya. Ayaw niya sa iba.

"Cavin. Dalian mo na nga diyan. Ano bang ginagawa mo at bakit ang tagal mo? Pupunta pa tayo kila James!" sigaw ni Cassi mula sa labas ng bahay.

Nasa labas na siya at sasakay na ng kotse pero wala parin si Cavin. Kahit kailan talaga napaka-kupad gumalaw. Kahit na may asawa na ay hindi pa'rin nag-babago.

"Teka lang! Isusuot ko lang 'yung sapatos ko!" sigaw na sagot ni Cavin.

Napairap nalang si Cassi at naunang sumakay sa loob. Ilang segundo ang lumipas ay lumabas na si Cavin at sumakay na. Umupo naman ito sa tabi ng kaniyang kapatid.

"Tara na po." utos ni Cavin sa driver. Tumango ang driver at sinimulan ng magmaneho.

"Kamusta pala sina Nathalie at Calie? Okay lang ba sila sa bahay niyo? Baka pinapabayaan mo na 'yung mag-ina mo Cavin?" tanong ni Cassigy sa kaniyang kapatid.

Ngumiti si Cavin. "Okay naman sila doon. Maayos naman ang lahat. Tsaka nakapag-paalam naman ako kay Nathalie sa bibisita tayo kila James ngayon. Mahal ko sila kaya wag kang mag-alala." panigurado ni Cavin. Tumango naman si Cassigy.

"Mabuti naman."

Ilang minuto ang nagdaan ay nakarating na sila sa lugar kong saan nakatayo ang building nag magkakaibigan. Hindi man sila masyadong close sa isa't isa ay, sobrang proud sila sa mga nakamit na pangarap ng mga kaibigan ni Sandra. Masaya sila kasi kahit na namayapa na si Sandra ay hindi pa'rin nila ito kinakalimutan at palagi pa'rin nila ito'ng sinasama sa mga achievements nila sa buhay bilang magkakaibigan.

Covered by DarknessWhere stories live. Discover now