Kabanata 16

155 8 0
                                    

Covered by Darkness
written by Marjshieee


Kabanata 16

KANINA PA hindi mapakali ang mga magkakaibigan. Kanina pa kasi hindi bumabalik si Sheyna. Dalawang oras na itong hindi bumabalik at nag-aalala na sila. Alam naman nilang gustong mapag-isa ng kaibigan nila pero malapit ng lumubog ang araw.

"Hanapin na natin. Mag-kaniya-kaniya na tayo para mas madali." suhestyon ni Jacob. Tumango ang iba upang sumang-ayon.

"Sige. Thalie, mahal. Ikaw na muna ang maiwan dito ha? Bantayan mo muna 'yung mga bata. Mag-iingat ka dito." bilin ni Cavin sa asawa nito. Tumango ito.

"Oo. Mag-iingat kayo." hinalikan na muna ni Cavin ang noo ni Nathalie bago nag-paalam. Naiwan sa cottage ang dalawang bata at si Nathalie.

"Mag-sama-sama na kayong babae. Doon kayo pumunta sa tabing dagat, silipin niyo na'rin sa mga bakanteng cottage, baka nandoon lang siya. Kami naman ang mag-hahanap sa ibang lugar, sa parking lot at iba pa. Mag-hiwalay-hiwalay kayo pagkadating niyo roon." instraksyon ni Cavin. Tumango naman sila Cassi bilang pagsang-ayon bago sila umalis at nag-hanap.

Agad na tumakbo ang mga lalaki sa labas ng tabing dagat. Tudo silip sila sa mga taong napapa-daan sa kanila, gayon  'din sa mga area na maaaring tambayan. Nang wala silang mahanap ay nag-lakad sila papunta sa mga bilihan ng mga pagkain, nagbabakasakaling makita doon si Sheyna.

Sobrang alala nila dahil hindi nila ito makita. Lalo na si Justine na kinikimkim ang pagsisisi sa loob niya. Hindi man sabihin sa kaniya, alam niyang kasalanan niya kong bakit umalis at hindi pa bumabalik si Sheyna. Hindi naman niya intensyon na saktan ang kaibigan niya pero hindi 'din naman niya gustong magsinungaling. Oo aaminin niya. Nagkaroon siya noon ng pagtingin kay Sheyna. Palagi kasi silang magkasama at sobrang bait ni Sheyna sa kaniya. Pero noong pumunta siya noon sa kanilang probinsya upang dalawin ang auntie niya ay hindi niya sinasadyang makita ang dalagang bumihag sa puso niya. Hindi niya nga noon alam pero, parang na love at first sight siya sa babae dahil, simula nang makita niya ito ay hindi na ito maalis sa isip niya at kapag naaalala niya ang maamo at inosente nitong mukha ay bigla-bigla nalang bibilis ang tibok ng puso niya. Hanggang sa hindi na niya napigilan at nag-simula na siyang kilalanin ang dalaga, hanggang sa nag-simula na siyang ligawan siya na humantong sa pagiging mag-kasintahan.

Balak namang sabihin ni Justine na may kasintahan siya. Gusto niya nga itong ipakilala sa mismong araw ng kasal ni Miracle at Sef pero, dahil sa nangyari kanina ay nasabi na niya ito. Mahalaga para sa kaniya si Sheyna dahil kaibigan niya ito at tinuturing na parang kapatid. Hindi naman niya inaakala na mas malalim pala ang nararamdaman ni Sheyna sa kaniya na alam niya sa sarili niyang hindi niya kayang suklian.

"Tara sa parking lot. Wala dito." imporma ni Jett. Agad silang nag-lakad patungo sa pagking lot. Naghiwalay-hiwalay sila sa iba't ibang sulok ng parking lot upang madali nilang mahanap si Sheyna. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay wala silang nakitang bakas ni Sheyna. Nag-tipon-tipon sila sa bungad ng parking lot. Hingal na hingal sila.

"Nakita niyo?" tanong ni James.

"Hindi ko siya nakita." sagot ni Cavin.

"Ako 'din." sagot naman ni Jett.

"Pati 'rin ako. Wala 'rin sa sulok." sagot naman ni Jacob.

"Hindi ko 'rin nakita. Pero nakita kong nandito pa 'yung sasakyan niya. Walang tao sa loob at naka-lock ito." imporma ni Justine.

"Kong ganon, hindi pa siya nakaka-alis." wika ni Jacob.

"Tara! Hanapin natin sa iba." agad silang tumango kay Cavin at nag-simula nanamang mag-hanap.

Covered by DarknessWhere stories live. Discover now