Kabanata 9

188 7 0
                                    

Covered by Darkness
written by Marjshieee


Kabanata 9

BAGO SUMAPIT ang gabi ay naihatid na ni James si Sandra sa kaniyang bahay. Inabot sila hanggang hapon dahil sa sobrang tuwa nila sa mga rides sa EK. Maraming masasayang nangyari sa kanilang pamamasyal at syempre, hindi rin mawawala ang kalandian ng dalawa.

Nang makapasok si Sandra sa kaniyang bahay ay agad itong pumunta sa kaniyang kusina at uminom. Pagkatapos ay pumunta na ito sa kaniyang kwarto upang sana makapag-pahinga ngunit nawala ang isip na ito ng may kumatok sa kaniyang pinto.

Nag-tataka itong nag-tungo sa harap ng pinto. Nag-aalinlangan siya dahil wala naman siyang alam na bibisita sa kaniya, ngunit pinatatag niya ang kaniyang loob at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Ngunit ang pag-kabahalang kaniyang nararamdaman ay napalitan ng gulat at saya ng makita kong sino ang kumatok.

"NATHAN?" hindi mapigilang sigaw nito.

Napatawa ang lalaking nag-ngangalang Nathan dahil sa reaksyon ni Sandra.

"Easy, ako lang 'to. Ang pinaka-mamahal mo." ngising saad nito.

"Baliw! Ano bang---ay! Tara pasok muna. Usap tayo sa loob." tsaka nito linuwangan ang pagkaka-bukas ng pinto.

Pumasok si Nathan at dumeretso sila sa sala. Sumunod naman si Sandra at naupo sa tabi niya.

"Kamusta na?" panimula ni Nathan.

"Okay naman. Ito, lalong gumaganda." saad nito.

"HAHA. Hindi ka pa'rin nag-babago."

"Tsk! Hindi no!" tanggi nito. "Pero seryoso, namiss kita. Tagal nating hindi nag-kita. Isang taon na ata?"

Tumango si Nathan. "Oo, isang taon na nga. Huli nating pagsasama sa parke noon. Noong nag-paalam kang pupunta dito."

"Pero paano mo nalaman na andito ako? Na dito ako naka-tira?"

"Tinanong ko si Tita, 'e alam mo naman na malakas ako sa kaniya kaya sinabi niya. Actually noong isang buwan pa sana ako pupunta dito para dalawin ka, kaso nag-kaaberya 'yung kompanya. Na delay daw 'yung shipping ng products sa Davao, pero 'yun pala. Binayaran ng kalaban naming kompanya 'yung barkong pinag-lagyan namin ng products para ma delay or to be on point , para hindi makarating 'yung products namin sa Davao."

"E? Paano niyo nalaman?"

"Sinabi ng isang empleyado ng kalaban naming kompanya. Buti na nga lang at sinabi, kong hindi pa namin nalaman baka mawalan pa kami ng investor at client sa Davao."

"Mabuti naman. Siguro may galit 'yung empleyado ng kalaban niyong kompanya kaya linaglag 'yung pinag-tratrabahuhan niyang kompanya." saad nito. Tumango si Nathan at pinaka-titigan si Sandra.

"Sa susunod mag-ingat kayo sa mga pinag-kakatiwalaan niyo ng company at products niyo para hindi na maulit 'yung nangyari...." napahinto si Sandra sa kaniyang pag-sasalita ng mapansin niyang naka-titig sa kaniya si Nathan.

"O-oh? Ba't ganiyan ka makatitig?"

"Namiss lang kita. Ang tagal na nating hindi nagkita at nagkasama 'e."

"Oo nga 'e. Buti nalang dumalaw ka."

"Oo nga---teka... Ang tagal na nating magka-usap pero wala man lang akong natanggap na welcome kiss? HOW DARE YOU?" biglang tumaas ang boses ni Nathan na tila nasasaktan ito.

"E malay ko ba! Hindi ko naman alam na kailangan pa 'yun. Tsaka ikaw kaya unang nag-chika!"

Biglang napahawak si Nathan sa kaniyang dibdib na tila nasasaktan ito. Nag-simula nang manubig ang kaniyang mga mata. "H-hindi mo na ba ko mahal? May iba kana ba kaya ka---"

Covered by DarknessWhere stories live. Discover now