Epilouge

13 1 0
                                    

Jepoy’s P.O.V.

Una ko siya na kita sa South High campus dance slam nung grade 8. Sobrang galing niya sa pagsayaw at noon pa lamang ay idol ko na siya sa tuwing nakikita ko siya ay naalala ko kung paano siya sumayaw nung panahon na iyon. Halata ngang hindi marunong iyong mga kasama niya kaya angat na angat yung galing niya. At ngayon ay sumasayaw at nasa harapan siya pinanonood ako sa aking bawat galaw. Hindi ko alam kung bakit parang nahihiya ako sa mga nangyayari.

Grade 9 South high dace slam,

Na nalo sila ng laban na iyon at talaga namang maganda ang kanilang ginawang performance wala ng duda iyon at magaling din naman siya talaga. Nakamamangha ang paraan niya sa pagsayaw at ang talento na meron siya, pati ang pagmamahal na ibinibigay niya dito. 

“Nacional kasama ka sa magiging grade nine representative kasama niyo ang SPJ at bayabas.” Anunsiyo ng aming MAPEH teacher. 

Ilang araw pagtapos nun ay nagsimula na ang aming mga practice aminado ako na sa bawat mga araw na nagdaan ay mas lalo ko siyang nakikilala.Tapos naging partners pa kami kaya mas lalo akong na lapit sa  kaniya. Ang pagbabasa niya sa tuwing natitigil ng sandai ang aming mga practice. Lalo na ang bawat galaw niya sa tuwing nagsasayaw kaing dalawa. 

“U-usog ka daw konti” bulong niya sa akin. 

Parang lagi siyang hiyang hiya sa akin. Bakit kaya?

Tapos nung pa uwi kami na bunggo pa siya sa akin. Nagbabasa kasi siya at aminado akong di rin ako naging ganun ka attentive sa nilalakaran ko. Tapos parang ang tagal pa bago nag process sa utak niya yung nangyari sa amin ang tagal niya bago nagsalita tapos nakatingin lang siya sa akin halata mong nagulat. 

“Uy mukhang may gusto sa iyo ang partner mo ah? Lakas mo pre!” Sa totoo lang ay imposibleng hindi ko iyon mapansin sa araw-araw kon siyang nakakasama. Ang pamumula ng pisngi niya kapag inaasar siya ng mga kaklase niya, at ang pag-iwas niya ng tingin sa tuwing nangyayari iyon. 

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko iyon ay natutuwa ako. Kaya na isipan ko na ichat na siya. Ang sarap niyang kausap ang mga advice niya kapag may problema ako at ang mga kwento niya ng sandamakmak. Ang daldal niya sa totoo lang. May crush na yata ako sa kaniya kaso na isip ko paano si naman si Pat siya ang gusto ko, siya ang alam ko. Nakakalito. 

Yung kinailangan kong hawakan yung kamay niya para sa entrance ng sayaw namin. Ang lambot ng kamay niya tas medyo nanginginig pa. Halatang halata ko iyong pagkailang niya nun. Ilang beses siyang nagkamali sa steps ng dahil dun.

Tapos na hand cuff pa kami ilang araw bago matapos ang kasal namin ni Pat sa marriage booth. Pulang pula siyang nung panahon na iyon kung sino man ang nagrequest nun hindi ko alam kung magpapasalamat o maiinis ako sa kaniya. 

Naalala ko din yung ballpen na binigay niya sa akin. Sa bawat sagot ko ata ay tinitignan ko at binabasa yung note na nilalagay niya doon. Nakagagaan at nakalalakas ng loob sa tuwing nakikita kon iyon pakiramdam ko tuloy iyon ang dahilan kung bakit kami nag first place nug panahon na iyon. Nakakataba ng puso yung suporta at tiwala na binigay niya sa akin nung araw na iyon.

Humaba pa ng ilan pang panahon ang naging pagsasama namin sa tuwing inaasar siya sa akin ay para bang nadadala na din ako. Lalo na nung Astro camp. Halatang hindi siya ready dun sa naging performance niya at halatang napipilitan lang pero andun pa din yung galing niya sa pagsayaw, yung talentong ikamamangha mo sa kaniya. 

Gabi gabi ay nakikita ko siya sa field nakatambay kasama ang mga kaybigan niya. Minsan gusto ko na lang siya pa uwiin kasi gabi na. Kung ano-ano pang mga laro ang pinagagawa nila. Nung minsan ilang beses siyang nag-akyat panaog sa building namin. Nung minsan pa nagbigay ng sulat na hindi ko maintindihan ang lenggwahe. Ang daming beses na nakakasabay ko siya sa daan at ang dami ding beses na gusto ko siya kausapin ko kumustuhin manlang pero hindi kom magawa. 

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon