Muli akong gumising ng maaga para pumasok sa school ngayon ang laban ni Jepoy sa MMC at ibibigay ko sa kanya ang ballpen na ginamit ko nung departmental test dinikitan ko pa ito ng papel na may nakasulat na 'Good Luck! You’re the first place for me!' mamaya ay ibibigay ko sa kaniya ito kaya sinuot ko ang blouse ko na pinakamaayos ang fit sa akin nag suot din ako ng headband na may ribbon sa aking buhok.
Cedrick Morandarte sent a message
Cedrick: Hi good morning prinsesa ko! Wag ka kabahan sa grades mo ngayon ang bigayan niyo ng card hindi ba? Kaya mo iyan for sure kasama ka na sa honors this time. Nagtitiwala ako sa kakayahan mo kaya alam kong kaya mo.
Addison: good morning din angvaga mo ah
Cedrick: May laban ako ng volleyball eh division meet naming ngayon
Addison: Huh paano nangyari iyon? Edi ba may sakit ka.
Cedrick: Oo pinilit ko lang si coach na payagan akong lumaro.
Mas lalong na puno ng pagtataka ang utak ko. Wala ba silang medical? Alam ko ay medical yun kamakailan lang ay nagmedical ang mga player dito sa amin. Impossible naman na iba ang kalagayan sa kanila dahil nasa iisang region lamang kami at may iisang department of education na namamahala. Imposible naman na may sakit siya sa puso tapos pinayagan siyang lumaro at imposible naman na habang nasa laro siya ay hindi siya inaatake sa puso eh volleyball iyon it involves jumping, running, and a lot of stuffs that is not that good for him. Is he fooling me? Why?
Pagpasok ko sa school ay wala pa si Jeffrey sa mga bench marahil ay namamahinga dahil alas otso pa naman ang kanilang laban ala sikong pa lamang ng umaga ngayon. Alas syete pa ang pasok ko pero maaga talaga akong pumasok para sa ballpen iniisip ko kasi na maaga siyang dadating at baka maaga din silang aalis. Andito na din si Trishia at Nicole kaya naman nagkwentuhan muna kami tungkol kay Cedrick dahil talagang nalilito na ako.
“According to him and to his cousin Darvin he is sick and that he has some heart disease. Pero paano naman na nakakapaglaro pa siya ng volleyball?” Tanong ko sa kanilang dalawa na punong puno ng pagtataka at iba’t ibang paghihinala.
“Feeling ko talaga nagsisinungaling siya.” Saad ni Trishia habang ang kanyang nuo ay kunot na din ang nuo dahil sa pagtataka.
“Tapos yung patay patay scene last time nung namatay ang lolo ko tanghali na ako na sabihan isipin mo iyon eh umaga namatay ang lolo ko tapos lolo ko pa iyon ah samantalang yung patay scenario niya agad-agad alam ko na ang nangyayari. Ganoon ba ako kahalaga sa pamilya nila at kaylangan alam ko na agad ang mga ganoong bagay?” Madamdaming saad ko gulong gulo na talaga ako sa nangyayari at hindi ko na talaga maintindihan ang lahat.
“Baka naman mahal ka lang.” suhestiyon ni Nicole na naging dahilan upang mas lalong kumunot ang noo nito at marahas na mapatingin sa kanya.
“Ito pa! ten minutes mula nang sabihan nila ako na patay na siya buhay na daw ulit I mean paano nangyari iyon? Di ba siya nirevive bago sabihin ang time of death? Isa pa ang hininga ng tao kapag natigil sa tatlong minuto wala na deads na.” Muli kong kwento sa kanila. Hindi na gugulo ang utak ko dahil sa nararamdaman ko, nagugulo ako dahil sa kasinungalingan niya.
“Teh! Hindi talaga ako makaapaniwala diyan sa suitor mo ah! Wagas ghorl! Wala naman tayong proof so sakyan mo na lang muna.” Saad ni Trishia.
“Baka naman milagro yung nangyari alam mo naman baka naman hindi niya pa talaga oras.” Diretsong sabi ni Nicole. Maya-maya ay nakaramdam kami ng katok mula mula sa pintuan. Natigil ang aming usapan at sabay sabay kaming napalingon sa kumatok, sumilip si Jeffrey dahilan upang tapikin nila ako pareho at ako naman ay napatayo.
BINABASA MO ANG
SAYAw sAYAW
Teen FictionAkala ko ako na. Akala ko may tayo na. Akala ko masaya na, ayaw mo naman pala. Hindi naman pala ako.