Ayo ladie and gentleman!
Jumbiga dwaettdamyeon bureulge yeah!
Ttan nyeoseokd ulgwaneun dareuge
Nae seautaillo nae nae nae seutaillo eo!
Bumungad ang BTS sa panibagong umaga ko pero ayaw ko pa gumising, para akong nasa concert kaya hinayaan ko muna iyong tumugtog. Tumagilid ako at niyakap ko ang unan na katabi ko. Bakit may papel? Napabalikwas agad ako ng gising. Hala! Nakalimutan ko gawin ang activity ko at suot ko pa ang t shirt ko mula kahapon na punong puno ng pawis! Ni hindi ko na patay ang mobile data ko. Aish grabe kasi ang pagod ko kahapon eh. Nakita kong may message pa si Jericho sa akin.
Jericho: Nakatulog ka na yata o baka nagbabasa ka?
Alam mo swerte pa nga siya na nakabangga ka niya eh kung ako ang nasa posisyon niya
Baka matuwa pa ako na nabangga mo ako o baka araw-araw kitang mamanmanan at ako ang kusang babangga sa iyo para mapansin mo ako.
Ang weird naman niya di ko siya gets. Baka miss lang ako tagal na kasi namang di nagkikita eh. Simula ng lumipat ako dito sa amin ay di na kami nagkita
Addison: Sorry nakatulog ako. Good morning!
Nag charge ako ng cellphone at kumuha na ako ng damit para makaligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako para makapasok hindi na ako nag almusal dahil di ko naman ugali iyon. Isa pa may mga baon naman ako na pwede kong bawasan para makapag breakfast ako.
Pagdating sa school ay naglinis ako sa department ng TLE like my usual mornings wala namang bago.
Pag sapit ng ilang oras sa school ay break na kaylangan ko ng makahanap ma kopyahan ng activity sa math.
“Tan pa kopya naman ako ng math” maamong tanong ko dito. Syempre may kailangan ako eh. Charot mabait po ako.
“Ay ang advance the wala naman tayong math ngayon sa lunes pa iyan. Aral na aral?” may pang aasar na sagot niya sa akin
“Ikaw ba naman makabunggo ang The Jeffrey Nacional na may straight ninety nine na grade sa math di ba?” singit naman ng isa ko pang kaklase. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagbasa na lamang ako ng wattpad tulad ng madalas kong ginagawa.
Matapos ang buong araw naming klase ay panibagong araw na naman para sa practice. Nasa court na naman kami ngayon at katatapos lang namin mag practice para sa magiging performance namin maya maya ay narg ring ang cellphone kaya sumeniyas muna ako sa choreo naming na saglit lang muna at sasagutin ko lamang yung tawag.
“Hello” bungad ko pag sagot ko sa tawag
“Addison andito ako ngayon sa may school niyo baka gusto mo na sumabay. Tapos na ba kayo?” saad ni kuya rinig ko pa ang tunog ng makina ng kanyang sasakyan.
“Ay kuya hindi pa kami tapos eh maya maya pa po siguro” sagot ko sa kanya.
“Sige, pasunod na rin naman yung pamangkin ko. Siya na muna ang susundo sa inyo mamaya. Mayroon kasi akong lakad pag tapos nito.” Pagkatapos ng ilang segundo ay binababa niya din ang kanyang telepono at pinatay niya ang tawag.
Bumalik na ako sa kanila mukhang nagkakaroon nan g meeting.
“Ano ok lang ba sa inyo na magka practice tayo bukas?” tanong n gaming choreo.
“Hala edi ba sabado bukas?” tanong naman ng isa.
“Oonga lahat naman tayo by section may practice ng sabado kapag magkakalaban tayo di ba?” sagot ng aming choreo.
BINABASA MO ANG
SAYAw sAYAW
Teen FictionAkala ko ako na. Akala ko may tayo na. Akala ko masaya na, ayaw mo naman pala. Hindi naman pala ako.